"Nay, gusto ko na po mag-aral." ungot ni Lala sa nanay niyang si Aling Bebab.
Napalingon ito sa kanya at nakaangat naman ang isang kilay nito. "Kung may pera lang tayo Lala, bakit hindi. Kapos tayo at nandiyan pa si nanay na ulyanin na." sabi nito at binalik sa tingin ang ginagawa. Nagluluto kasi ito ng mga kakanin na ilalako nito.
Napasimagot siya. Napagiiwanan na siya ng panahon. Labing-siyam na taon na siya at hindi pa nakatuntong sa kolehiyo. Oo, alam niyang mahirap lamang sila. Kung bakit pa kasi pinanganak pa siyang mahirap. Ang suswerte ng anak ng pangulo, mga senator, walang kahirap-hirap sa buhay. Maluho, lahat ng gusto nakukuha. Samantalang siya, nagbabantay sa lola niyang ulyanin. Lord, sana may grasya naman po kahit kaunti.
"Hoy! Lala! Bingi ka ba? May nagta-tao po sa labas. Puntahan mo nga." sigaw ng nanay niya sa kanya.
Dali-dali siyang tumayo at lumabas ng bahay. Wala siyang nakikitang tao sa labas dahil rehas naman ang gate nila. Sa aktong tatalikod na siya ng may nagtatao po na naman ulit sa labas. Pinagtitripan ba siya? Kaya dali-dali niyang tinungo ang gate at binuksan iyon. Uupakan talaga niya kung pinagtitripan siya.
Pero ganoon na lang ang gulat niya ng mapagtanto niyang sobrang gwapo ng lalaking kaharap niya. Ito na yata ang pinakagwapong lalaking nakita niya sa buong buhay niya. Meztiso at matanggad. Ang laki rin ng katawan. Solid at halatang matitigas ang muscle na bumagay naman sa mukha nito. Walang panama ang mga artista sa angking kagwapuhan nito. Kung irarampa ito tiyak maraming bubuntot na babae sa likuran.
Ngumiti ito na lalong kinagwapo nito. Napakurap tuloy siya dahil doon. "Miss, magtatanong lang sana kung available pa ito." anito at pinakita sa kanya ang karatula sa gate nila na "board inside" ang nakalagay sa maliit na karton.
Tumango siya at bahagyang yumuko. Nahihiya siya. Oh my goodness! Bakit sobrang gwapo niya?
"Pwede bang makita?"
Napataas siya ng tingin at tiningnan ito. Sumakit pa tuloy ang leeg niya dahil hanggang balikat lang siya nito. "Anong titingnan mo?"
"Iyong paupahang kwarto. Miss, alam kong gwapo ako. Naaapreciate ko, thank you kaya lang pagod na pagod na akong tumayo at ang init-init dito." reklamong sabi nito at napahiya siya dahil doon.
Sa tonong ginamit nito parang sinabi nitong maharot siya. Nawala tuloy ang kilig niya dahil nayabangan siya sa sinabi nito. Automatic na tumaas ang kilay niya. "Pasok po kayo manong." aniya at binigyan diin ang manong. Tsk! Ang yabang naman pala ng bwisit.
Ang laki ng hakbang niya sa paglalakad para hindi sila magkapantay. Nang marating na nila ang bahay ay tinawag niya ang nanay niya. "Nay, may naghahanap ng boarding house." at dumertso siya sa kwarto niya sa taas. Walang lingon-likod baka sabihin pa ng mayabang na iyon na crush niya ito. Bakit hindi ba?
Napailing siya. Ubod nga ng gwapo mayabang naman. Wag na lang. Allergy siya sa mga mayayabang.
Dahil wala naman magawa sa kwarto niya pumunta na lang siya sa kwarto ng lola niya. Nakaupo ito sa gilid ng kama ng maabutan niya. "La, may kwento ako. May mayabang sa baba. Nagtatanong sa boarding house. Gwapo sana la, mayabang naman." napaismid na sabi niya.
"Aba eh, ipataga mo kay lolo. Saan na ba si lolo? Sabi niya pupunta kami sa kapatid niya dahil ikakasal na daw." sabi ng lola niyang ulyanin. Napabuga siya ng hangin.
"La, patay na po ang lolo niyo. At yung kapatid niya. Tiyak na inuuod na iyon sa ilalim ng lupa." paliwanag niya kahit hindi naman nito iyon naiintindihan. Sixtysix pa lang ang lola niya kaya naghihinayang siya kung bakit nagkasakit ito ng ganoon.
"Kumuha ka nga ng asin at bawang. Budburan mo itong bahay. Paparating na ang mga aswang." napailing siya ng nilibot nito ng tingin ang buong kwarto nito.
"Si lola talaga. Dito lang po kayo la ha. Bababa lang ako. Titingnan ko lang iyong mayabang sa baba baka umalis na." binigyan niya ito ng halik sa noo bago siya bumaba.
Dalawang palapag itong bahay ng lola niya. Pinamana pa ito ng magulang nito. At dahil hindi na nakapag-asawa ang lola niya matapos maheart-attack ang asawa nito ay saka pa ito nagkaroon ng sakit. Bagay na hinayang na hinayang siya. Bukod sa maganda ang lola niya, sobrang bait pa nito.
Samantalang iniwan naman ang nanay niya ng nakabuntis dito. Matapos malaman ng walang hiyang ama niya na buntis ang mama niya ay tumakbo ito at hindi na nagpakita pa. Ang malas ng buhay nila. Napabuntong hininga siya.
"Ang lalim nun ah. Nakakalunod." nakangising sabi ng mayabang na lalaki sa harap niya. Napaismid siya. Hindi niya namalayan na nasa sala na pala siya.
"Oo, lunurin kita eh. Makita mo." bara niya dito. Naiinis siya sa kayabangan nito. "Lumayas ka na nga dito. Hindi ka welcome."
"Eh paano ba iyan nakapagdown na ako sa mama mo. Sabi ko babalik na lang ako mamayang hapon para kunin ang mga gamit ko." nakangising sabi nito at tinaas baba pa ang kilay. "By the way, I'm Clerence but my friends called me Cle. Common na kasi ang Rence eh."
Umenglish ang mayabang. Maka-english nga rin. "Pwes, I'm not your friend and I'm not interested." maaskad na sabi niya. Akala mo ikaw lang marunong umenglish ha.
Pero hindi niya malamang dahilan, bigla na lamang ito tumawa. As in humagalpak talaga ito ng tawa. Hindi niya alam kung naaamuse ito sa kanya o ano. Pero dahil doon nainsulto siya. Uundayan na niya sana ito ng suntok ng magsalita ang mama niya sa likuran niya.
"Lala, uupa na yang si Clerence at babalik lang mamayang hapon." atsaka nito inabot sa kanya ang isang tray na may kanin, ulam at isang basong tubig. "Pakainin mo na si nanay dahil tanghali na." at umalis na ito sa harap niya.
"So Lala is your name." hindi niya alam kung matuwa o mainsulto sa pagbanggit nito sa pangalan niya. Nakangisi kasi ang mayabang.
"Wala kang paki! At pwede ba umalis ka na. Hindi ka welcome dito. Hindi welcome ang mayayabang dito." paismid na turan niya. Mainis ka please!
At ganoon na lang ngiti ng bruho. "Nice to meet you, too Lala."
Kung wala lang siyang hawak malamang binatukan na niya ito. Pero sa pagkangiti nito, ang gwapo nito sa paningin niya. Erase! Erase! Hindi pinagpapantasyahan ang mayayabang. Pero alam niya, naramdaman niyang kinilig talaga siya. Oh no! Oh yes! Naging crush ko pa yata ang mayabang.
BINABASA MO ANG
COC, Crush Or Clash?
Romance"Parang napapansin ko Lala, gumaganda ka? Ginagamit mo na ba yung sabon na binigay ko sa'yo?" tumaas babang kilay na sabi ng walang iba kundi hambog na si Clerence short for Cle. Common na daw kasi ang Rence as if naman bagay sa kanya ang pangalan...