The start

29 1 0
                                    

CHAPTER 01

"Hoy Ashley! baka naman mamaga na yang daliri mo kinapipindot mo dyan sa cellphone mo ha!"

asar ni Cassie sa kanyang bestfriend.

"Wag ka ngang magulo dyan girl, may bago akong, you know? TEXTMATE.." sabay tawa nito.

"Hay nako ikaw talaga ang hilig hilig mo talagang makipagtext kung kani-kanino ano?" asar pa din niya sa kaibigan.

"Ai basta girl, iba to! Ibang iba talaga!"

"bakit? taga saan ba daw yan at saan nakuha number mo?" tanong niya.

"taga Batangas daw siya eh, nanghula lang daw siya ng number at eto ngang akin yung natyempuhan nya. you know? DESTINY...." sagot nito habang abala pa din sa pagtetext.

"hay nako ewan ko sayo ha, basta mag iingat ka dyan ha at wag magpadalos dalos, baka mamaya masamang tao pala yan at lokohin ka lang eh.. sinasabi ko sayo.." seryosong sabi niya.

"oo naman girl, ikaw talaga napaka-OA mo, textmate lang to!  Don't worry, sasabihin ko agad sayo pag KAMI NA.." At tumawa ito.

"tse!! magtigil ka nga dyan Ashley!" pagtataray nya.

"hahahahaha. Joke lang! eto talaga hindi mabiro! tara na nga ililibre kita ng lunch!" at hinila sya ng kaibigan.Saktong 12NOON na pala at lunch break na nila. At dumiretso sa restaurant ng pinagtatrabahuan nilang hotel sa bandang Makati. Lunes din ngayon kaya slack ang guests nila.

By the way, I'm Precious Cassandra Concepcion. In short, Cassie..

Si Ashley, college girlfriend ko.. Opps!  Mali kayo ng iniisip ha? hindi kami lesvians noh! We just treat each other as a best "girl" friends.. Sabay kaming nagcollege sa course na HRM and graduated 2years ago at ngayon magkasama pa din kaming nagttrabaho sa iasng hotel as a receptionists. Nung college magka-boardmate din kami dahil I'm originally came from Laguna. Pero ngayon magkaiba na kami ng tinutuluyan.

*kring kring*

(Ninang Lhen's calling)

"hell poo?"  bakit kaya napatawag si ninang??

( Ai wala naman inaanak, kakamustahin lang sana kita.. kamusta ka na?)

"ok naman ninang nagtatanghalian kasama si ash, kayo po ni mama kamusta?" sagot ko.

(heto nakalunchbreak din kami ng mama mo. may ibabalita kasi kami sayo eh..)

"po?anu po yun?" taka niya.

(ganito kasi yun, this coming saturday eh....... ha??? ok ok sige andyan na..... ahm inaanak maya na lang ha? may emergency dito.. ingat ka jan ha..)

"ah eh ok po.. kAYo din po.. "  end of call

Ano kaya yung ibabalita nila mama sakin? Hay nako..

Nga pala sa hospital sa Laguna nagttrabaho si ninang at mama. They are super bestfriends. Parang kami lang ni Ashley. Ewan ko sa kanila, ayaw pa magretired sa pagiging nurse eh, kaya ko na namang supotahan si mama financial, sabi nila nag eenjoy pa sila sa pagsisilbi sa mga pasyente.. At sabi ni mama kelangan pa daw nya akong tulungan pagpapaaral kay Cherish-my one and only sister. 1st year college na sya ngayon.  kahit iniwan kami ng papa namin at sumama sa iba eh nakaya naming mabuhay ng kaming tatlo lang, without HIM. Kaya NBSB ang peg ko.. Wala pa sa isip ko ang lovelife na yan, sagabal lang yan sa buhay. Ang mga lalaki, pare-pareho lang yan, pag nakuha ang gusto.sa huli iiwan ka lang rin. Gaya ng tatay ko!! Tsk. Si mama at CHerish lang ang buhay ko, at never akong maghahanap ng lalaking sasaktan lang ako.

My ONE True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon