The scar

10 0 0
                                    

chapter 2

Hindi man nya gustong umuwi ng Laguna, pero kelangan,, oo dahil miss na nya ang mama nya.. Pero may isang dahilan talaga kung bakit kailangan nyang mag-leave ng 2days sa trabaho dahil na rin sa sinabi ng mama niya kahapon ,, 

*flashback*

"mama kamusta po? napatawag po kayo?"

(ok naman ako anak, ahm.. diba tumawag sayo ang ninang mo mung isang araw? kaso hindi na nya nasabi sayo kasi may emergency..)

naalala nga nyang naputol ang sinabi ng ninang nya sa kanya.

"eh ano po ba yun mama?

(eh ano kasi anak, umuwi ka dito bukas ha? at magleave ka muna kahit dalawang araw lang..)

"po?bakit po ma?may nangyari po ba?" nagtatakang tanong nya.

(eh kasi anak ,si Gab uuwi na dito...)

**

Sobrang inis talaga ang naramdaman nya ng marinig ang balita ng mama nya. At dahil wala na syang magagawa, napilitan syang umuwi, dahil ayaw nyang magtampo ang mama at ninang nya sa kanya. Pero naiinis talaga sya dahil  makikita nya ulit ang isinusumpa nyang kinakapatid. Si Gab. Habang nasa bus pabalik mg Laguna, binalikan nya ang isang pangit na ala-ala na nagdulot ng isang peklat sa hita nya.

**

"Hoy! ipis!!"

sigaw ng isang batang lalaki.

"ano ba kamote?!! Wag mo akong sigawan! hINDI AKO BINGI!!" singhal din ng isang batang babae.

"eh bakit sumisigaw ka pa din? at ang liit talaga ng boses mo! lahi ka talaga ng ipis! hahahaha"

"tse!!!! Mabahong kamote!" tinawag nyang kamote ito dahil nung nagmeryenda ng kamote na pinirito ng mama nya, dinamihan nito ang kain, at maya maya  sumakit na ang tyan nito at dinala sa ospital.

naglalakad pauwi si cassie at gab pauwi galing ng school, medyo malapit lang din kasi ang bahay niya sa bahay nina gab.. Mauuna lang madaanan ang bahay nila at dalawang bahay ang pagitan bago ang bahay nina gab.

May naisip na kalokohan si Gab para mas maasar si Cassie.

"wahhhh!!!" sigaw ni Cassie.

hinalbot kasi ng batang lalaki ang libro nya.

"HAHAHAHAHAHAHA" tawa lang ito ng tawa.

"IBALIK MO YAN!!?:"

"AYOKO NGA!!! BLEHH!!!"

At  nag agawan sila sa libro.

"akina! akina!!!"

Pero itinaas pa ni Gab ang kamay nito. Nagpumilit si Cassie na kunin ang libro pero hindi nya namalayan ang isang manhole. Nahulog siya.

hindi naman ito kalaliman pero malalim ito para sa isang sampung taong bata..

"Wahhhhhhhhhhhhhhhh! aray ko!!! Gab tulong!"

"hahahahahahahaha.. tatanga tanga kasi eh.." pang aasar pa nito.

umiiyak na siya. hindi nya alam kung paano sya makakaahon pa ba sya dito oh mabubulok na sya habang buhay dito dahil walang balak tumulong si gab sa kanya. Isa pa'y nararamdaman na nya ang dugong nangagaling sa sugat sa bandang hita nya.

mabuti na lang at saktong napadaan ang daddy ni Gab kung kaya't nakita sila nito at nai-ahon siya.

Pinagalitan naman si Gab ng mommy at daddy nito dahil sa sinumbong nya ito, pero hindi pa rin ito sincere na nagsorry sakanya..

*** 

Naamoy na nya ang simoy ng hangin ng lugar na kinalakihan nya.

nandito na pala siya.

KInabahan siya bigla.

Dahil magkikita na ulit sila ng lalaking kinasusuklaman nya.

My ONE True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon