Writer's note::: Pasensya na po, hindi po ako nakapag-update these past two or three weeks... busy po kasi ako. andaming assignment... hayyy. Sana naman po eh binabasa nio pa rin 'to...
***
previously on My Angel is a Devil...
Nagkatampuhan sina Tyler at Lewis (nang kaunti lang naman). Nalaman nila na pwede palang maitago ang buntot at halo ni Lewis sa pamamagitan ng pagiging kalma lagi. Nagshopping sila at nung pauwi na sila ay nakasalubong nila ang mga girlfriend ni Tyler na agad-agad na nakipag-break sa kanya, pero isa lang ang hindi at iyon ang pinakauna at pinakamamahal niya na girlfriend niya, si Jenny.
My Angel is a Devil
written by Evangelz
#Three
Point of View:
-Lewis Villanueva-
"Tyler, gising na!"
"oo na...oo na..."
Bumangon na siya sa pagkakahiga. Pumunta na siya sa mesa para kumain at sumabay na rin ako sa kanya.
"Tyler, gusto ko rin pumasok....!" with paawa effect.
"bawal!"
"cge na..."
"ba---- hoy, tigilan mo nga yang paawa effect mo. Tingnan mo yang halo mo, lumabas tuloy."
"ah! init naman ng ulo nito eh....edi wag"
"..."
"..."
"oo nga pala, mamaya baka ma-late ako nang uwi...ikaw muna bahala dito sa bahay."
"oka--- bakit?!"
"wala ka na dun."
Hindi nalang ako nagsalita at baka humaba pa ang conversation namin. Nag-ayos na siya para makaalis na papuntang school. Umalis na siya. At dahil sa kagustuhan kong makapunta sa skul niya... sinundan ko siya. hihi ^_^ Sobrang tahimik ko habang sinusundan siya... pero wait, may kinakausap siyang mga lalake... mga katropa niya, i think.
"hey, dude! How's our girls?"
"naku eh... nakipagbreak na silang lahat sakin..."
"huh?!"
"nakipagbreak sila sakin."
"narining naman kita eh... pero bakit?!"
"mahirap ipaliwanag eh."
"baka naman may natira pa... pahiram muna."
"wala na nga akong girlfriend..."
Lumabas ako para sabihing girlfriend ako ni Tyler.
"Girlfriend niya ako!"
"wha--?!"
"oh. eto pala eh. Alam mo Tyler, ang ayoko sa lahat ay iyong niloloko ako..."
"pero hindi ko naman talaga yan girlfriend eh..."
"huh?! Tyler naman eh!"
"Hindi ko talaga yan kilala..."
Nakita ko ang mga mata ni Tyler na parang nagagalit kaya naman lumayo na ako pero hinarangan ako ng mga kasama nung lalaki(hindi ko kilala eh). Natakot ako kaya naman napayakap ako kay Tyler at niyakap niya na lang rin ako dahil alam niya na baka lumabas ang halo at buntot ko.
