Unanswered Questions

13 0 0
                                    

"Bakit ka ba ganyan troy? Bakit mas ginugulo mo ang lahat? Sabi mo mahal mo ako, at walang iwanan. Pero bat ganito? Iiwanan mo lang ako kasi ayaw mo na? Halos magtatatlong taon na tayo Troy. Bakit? Hindi ka na ba masaya sa ating dalawa? Sagutin mo naman ang mga tanong ko, parang awa mo na naguguluhan na ako." Ani niya

Hindi ako nakapagsalita sa mga tanong niya nung gabing yun..

Kung alam niya lang kung gaano din akong nasaktan.

Iniwan ko siya ng wala siyang kaalam-alam sa mga dahilan ko.

Mas sapat na siguro to na hindi niya nalaman.

Ako'y isang tao lang na naghahangad ng isang kumpletong pamilya. Kahit minsan pwede naman akong maging makasarili diba?

Naaalala ko pa nung sa araw ng pagtatapos namin sa secondarya, ang saya-saya naming dalawa kasi pumayag yung tatay niya na sa parehas na paaralan kami mag-aaral ng kolehiyo.

Sabay pa kaming nagpapatalak sa paaralang papasukan namin.

Pagkatapos namin dun, dumeretso na kami sa isang malapit na mall dun sa pinagpatalakan namin.

Kumbaga matatawag na siyang date. Nagpalipas lang kami nang oras dun hanggang sa maumay kami sa lugar.

Matapos nun napagdesisyunan na naming umuwi, kaya hinatid ko siya sa bahay nila at umuwi na agad ako pagkatapos.

Pagkapasok ko sa bahay ng tita ko nagulat ako sa nakita ko.

Ani mong akala ko'y isang panaginip lang na nasa harapan ko ang mga magulang ko sa mga oras na iyon.

Sa halos sampung taon nila akong iniwan magpapakita na ulit sila sa akin, parang hindi kapa-kapaniwala.

Hindi ko sila pinansin at dumeretso na ako sa kwarto.

Narinig kong tinawag ako ng tita ko nun pero binalewala ko lang yun sa galit ko sa mga magulang ko.

Iniwan nila ako at namuhay silang masagana dun sa ibang bansa, ni isang tawag wala akong natanggap noon at hanggang sa araw na iyon.

Parang bula ang hindi pagpakita nila sa akin.

Masyado na akong nasanay na wala sila sa buhay ko.

Kaya hindi ko kakayanin na makakasama ko silang muli. Alam kong dati pa, darating ang panahon na maisip nilang balikan ako kaya naging handa ako noon pero hindi sa ngayong panahon ko ito inasahan.

Kinabukasan nun, napagdesisyunan kong kausapin na sila at linawin ang lahat kung bakit sila bumalik.

Ipinaliwanag nila sa akin ang lahat, nung una hindi ko ito tinanggap pero nang kalaunan naging mabuti lang kasi aminin ko man o hindi kitang-kita ko pa rin ang sabik sa aking puso na makasama sila.

Ikinwento ko kay Sydney ang lahat ng mga nangyari nung mga nakaraang araw, naging masaya siya kasi magkasama na kami ng mga magulang ko ulit.

Alam niya kasi ang likod na storya sa mga nangyayari sa buhay ko.

Siya at ang Tita ko lang ang naging inspirasyon ko sa lahat.

Lumipas ang dalawang linggo at malapit nang magpasukan.

Nakatira na ako sa bahay ng magulang ko. Nung umpisa parang nababaguhan pa ako kasi hindi ako nasanay.

At sa dalawang linggo kung pagtira doon, napansin kung naging abala na sila sa mga trabaho nila.

Pinabayaan ko lang sila kasi yun lang naman ang paraan na mabuhay kami bilang isang pamilya.

Pumunta ako sa bahay nina Sydney kinabukasan kasi nagyaya yung tatay niya na dun ako kakain ng hapunan.

Unanswered QuestionsWhere stories live. Discover now