My Savior (One Shot)

351 15 51
                                    

~Sa isang malayong lugar kung saan may isang palasyo,

may nakatira na isang babae, pero hindi sya sa palasyo nakatira,

isa lamang syang hamak na villager sa naturingang lugar na iyon,

ngunit kahit isa lamang syang mamamayan,

sya ay may angking ganda, sya ay si A,

at dahil sa ganda nyang iyon, nagustuhan sya ng madaming lalaki,

ngunit, subalit, sapagkat, datapwat,

ang prinsipe ng kanilang kaharian ay nagkaroon na rin ng pagkakagusto sa kanya,

at ito ay nag nga-ngalang Prinsipe K.

Sya ay isang napakayabang, napakamakasarili at ang pinakapanget na prinsipeng nabubuhay.

At dahil sya ang prinsipe ng kaharian nila,

ipinagbawal nya ang ibang mga lalake sa kanilang kaharian na lumapit, hawakan o kausapin man lang si A.

At dahil sa ginawa ng makasariling prinsipe......

Nagtanim ng halaman si A sa garden nila.....

Pero syempre joke lang yun. Nagtanim si A ng sama ng loob sa prinsipeng si K.

Kinamumuhian na rin ng kanilang buong kaharian si Prinsipe K dahil sa mga kasamaan nya at ang pagiging ganid sa isang babae.~

<insert intro song here> la la la la la ~

Ng dahil nga makapangyarihan si Prinsipe K, nakipagkontrata sya sa magulang ni A na pakasalan sya, pero kahit ayaw ng mga magulang ni A na sya ay ipakasal sa ganid na prinsipe na iyon, wala silang magagawa, dahil ang kapalit nun ay kamatayan.

Kinabukasan, kalat na sa buong kaharian at sa iba't ibang panig ng mundo ang balita na ikakasal na ang mayabang na prinsipe, at sa araw rin na iyon gaganapin ang kasalan. Inihanda na ang kanilang mga gagamitin, handa na rin ang mga handaan para sa reception pati na rin ung hotel para sa honeymoon.

FAST FORWARD...

Nagsermon na ang pari blah blah blah something like this and that and echos. Dahil di uso ang you may kiss the bride dati, di sila nag kiss, eww lng noh! nag apir lang silang dalawa! Tumuloy na sila sa reception, nakikain naman lahat ng mga taga village, mga plastic!!

Habang kumakain sila, may isang mensaherong dumating na may dalang isang masamang balita...

MAY NAKAWALANG DINOSAUR!!

WAAAAAAAAAAHH!!!

END OF THE WORLD NA!!!

Dahil natakot ang mga tao, kanya kanya silang takbuhan sa iba't ibang lugar, nagkaroon na ng isang stampeed (tama ba spelling?) at sila ay nagsipasok sa kani-kanilang mga bahay. Sa sobrang pagkataranta, napatakbo na rin si A upang magtago, kaso nahuli sya kaagad ni Prinsipe K, kaya dinala sya sa tutok ng palasyo, para daw safe.

Mag-isa na lamang si A sa tuktok ng palasyo.

Mag-gagabi na ng marinig ni A na bumukas ang pinto.

creeeeeeeeekkk

dahan dahan....

eeeeeekkk

slow motion....

iiikk.....

At sumulpot sa likod ng pintuan ang nakakatakot na mukha ni..........

PRINSIPE K!!

Sa takot na may kasamang gulat, si A ay biglang nawalan ng malay.

My Savior (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon