Myca's POV
"Wow ang hot niya talaga kahit sa simpleng uniform lang"
"Akin ka na lang Myca"
"Kahit paglaruan mo lang ako basta imaging akin ka Myca"
Etoh na naman ako naglalakad sa aming corridor,natural madami na naman rumors kasi nakita nila ako,ano pa bang bago ganyan naman sila palagi akala mo nakakita ng artista kung makita ako.Pano ba naman kasi halos lahat ata ng lalake sa Campus na toh eh nagkakandarapa sakin grabe lang dibah?Kasi pati teachers ko oh dibah baba ng hair ko noh?
"Myca halika dali may chissmis ako sayo" halos kararating pa lang dito sa tap at ng room namin eh ganyan na bungad sakin ng kaibigan kong chissmosa at sa pagkaatat eh hinila ako bigla papasok sa room namin
"Ano na naman ba yun Catherine,Ikaw napakachismosa mo talaga ilan ba tenga mo at andami mong nasasagap na balita hah?Sigaw ko sa kanya,nakakairita kasi eh hinila ba naman ako,pati tuloy buhok ko na inabot ng isang oras kong ayusin eh nagulo nakakaasar lang dibah?
" Ganto kasi yun bestfriend may bago daw tayong science teacher,binata,gwapo,gwapo at higit sa lahat ang HOT,tapos yung tanong mo kung ilan ang tenga ko dalawa lang naman sadyang may talent lang talaga along maladetective kaya madami akong nalalaman."paliwanag niya.
"So what kung binata,gwapo at Hot,I don't even care baka nga kapag nakita ako nun mainlove pa sakin eh BWAHAHA" sabay sway ko pa ng hair ko.
"Gaga,baka ikaw nga magkagusto kapag nakita mo siya eh at Malay mo siya na ang iyong DESTINY" sabi niya ng nakapangalumbaba habang nakatingin sa kawalan na parang nagdedaydream.
"Yuck Catherine,masuka ka nga sa sinasabi mo nakakadiri ka para kang timang dyan na nananaginip ng gising hanggang kailan ko ba sasabihin sayo na hinding-hindi ako maiinlove hah?"bwiset na babae toh nakakasuka siya napakahopeless romantic eh ang sarap patayin ng kaibigan kong toh kung di lang mahalaga sakin baka nakaburol na toh.
" Eh to too naman kasi ang destiny,basta ako umaasa ako na balang araw may right man na darating para sa akin at magmamahal ng lubos.Oh dibah,kasi ako di ako bitter tulad mo wala ka namang ex na nanakit sayo ng sobra pero diko alam kung san ka humuhugot at ayaw mainlove?May nanakit nga bah sayo hah best friend kaya ka ganyan kabitter?May hindi ba ako alam na nagging karelasyon mo o baka naman kabit ka ng isang politiko kaya dika nagseseryoso kasi may iba kana palang sineseryoso ng palihim hah?Sabihin mo nga sakin Myca meron bah hah meron ba?"sabi niya habang inaalog-alog niya pa ako at parang pinipilit na umamin.
"Ouch grabe ka Myca ang harsh mo makabatok ka wagas nagtatanong lang naman ako eh:(" Ayan binatukan ko nga nakakabwiset eh ayan nakapout na siya nagpapacute pa.BWISET TALAGA.
"Eh bwiset ka kasing babae ka eh andami dami mong sinasabi na kesyo broken hearted o kabit ako.As if naman makikikabit pa ako sa lagay ng buhay ko do you think pipiliin ko pa maging kabit.At ako?Sasaktan nila ASA ka ah that will never happen Catherine ako lang dapat ang manakit at hindi ako ang sasaktan"
"Nakapagtataka kasi yang pagkapusong bato mo eh wala naman akong nakikitang dahilan para maging isang dakilang playgirl ka sobra kung nanakit ng nga lalaki buti pa sana kung physical lang ang pananakit mo para magamot pa pero hindi eh Emotionally pa man din."
"Andami mong tanong eh basta ayoko mainlove at lalong hindi ako titigil sa pagiging playgirl dahil katarantaduhan lang naman tan eh"
"Bahala ka nga bitter ka masyado.EWAN KO SAYO"
Sa dinami dami ng sinabi ni Catherine eh halos diko na namalayan na andami na pa lang dumating na kaklase naming malaflash lang eh noh?
"Diba may bago tanong teacher?sino kaya yun?"girl1
"Gwapo kaya?"girl2
" Hot kaya?"girl3
"Hooo baka mas gwapo pa ako dun"boy1
" Panis yun sakin kapag nag one on one kami eh?"boy2
"Baka nga mainlove sakin yun kapag nakita niya ang kagwapuhan kong toh eh" boy3
At dahil andami bang tao eh madam I na din bulungan tungkol sa bagong teacher daw namin.
"Okay Good morning class"
"Good morning Ma'am Cenal" bati namin sa among principal na terror at halos mahulog na sa ilong niya yung kanyang salamin,palibhasa uugod ugod na eh,matandang dalaga kasi Hahaha ang mean ko:D
"Class alam niyo naman na siguro na may bago kayong science teacher dibah?And now I will introduce him to you and please be nice to him fresh graduate siya ng U.P at Cumlaude graduate kaya please lang be nice to him,naiintindihan niyo?
" Yes Ma'am"
"Mr.Ramos you may come in"
OH MY GOD NASA langit na ba ako parang may anghel na pumasok sa room namin sa sobrang gwapo at amo ng mukha niya.Pak pak at Halo na lang ang kulang para maging tunay na anghel na siya.
Dug.dug.dug dug.dug.
Shit ano yun?bat ang ang bilis ng tibok ng puso ko.God ano na nga bah tawag dun yung pag bumilis ang tibok ng puso mo sa unang pagkikita niyo?Ano na nga ba yun love at?Ano ba yun may Love sa una nun eh ah basta kung ano man yun ayoko maramdaman mali toh maling mali.Puso makisama ka nga?Nakakaasar naman eh:(
Catherine's POV.
Holy Shit ang gwapo niya,parang anghel na bumaba mula sa langit at ipinadala para mahalin ko.Napatingin ako Kay Myca Ang WOW ngayon ko lang siya nakitang ganyan.Yung nakatulala sa isang lalaki habang nakatitig siya sa bagong teacher namin na parang walang tao sa paligid niya.God ito na po ba ang sagot sa hiling ko?etoh na po ba ang Simula ng The Playgirl Falls?
BINABASA MO ANG
When The Playgirl Falls
RandomPaano kung ang isang playgirl mainlove? Sa isang di inaasahang pagkakataon. Lalambot ba ang puso ni Ms.Playgirl? o ipagpapatuloy niyang aalagaan ang tawag sa kanyang "THE PLAYGIRL OF THE CAMPUS"?