General P.O.V
Sa isang palasyo, kung saan lahat ng mga mababait na kaluluwa ang mga nani-nirahan. May isang binata na nag- iisang naka dungaw sa bintana kung saan niya napag mamasdan ang mga batang nag lalaro sa mga ulap. nag tatawanan, naghahabulan at nag kakasiyahan ngunit tangging ang binata lamang ang may malalim na iniisip habang naka tingin sa kawalan.
"Ang aking masiyahing anak mukhang ang lalim ng iyong iniisip? ano ang bumabagabag sayo?" Pag basag sa katahimikan ng isang matandang nababalot ng puting damit at may mapuputing pumapagaspas sa bandang likuran nito.
"Bakit po kayo naparito ama?" Humarap ang binata at nilapitan ang matanda
"Malapit ng dumating ang takdang oras ng pag baba mo sa lupa at kailangan mo ng sundin ang pagsubok na inilaan para sayo. handa kana ba?"
"Alam ko naman pong gagabayan ninyo ako kaya wala po akong kailangan ipag bahala ama."
"Hindi sa lahat ng oras ay nandiyan kami para sayo. Kailangan mong matuto na protektahan ang sarili mo sa pamamagitan ng pagtulong sayo ng mga makakasalamuha mo sa lupa pagdating ng panahon." Tumalikod na ang matanda upang umalis ngunit agad siyang napigilan ng binata.
"Sandali ama, may gusto lamang po akong malaman."
"Ano iyon?"
"Sino po sila?"
"Malalaman mo din pag dating ng panahon, hanapin mo sila at mahalin mo dahil yung ang nararapat. Matuto kang maki sama sa kanila."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Sir?... sir? gising na po. nandito na po tayo"
"Paki dala nalang ang mga gamit ko sa loob. salamat"
Nag tungo naman ang binata sa garden at lumuhod sa harap ng isang puno, kung saan siya nananalangin. Ilang saglit pa ay tumingala ito at pinag masdan ang mga ulap habang inaaninag ang matandang naka tingin sakaniya mula sa kalangitan.
"Labing limang taon na ang lumilipas, marami ng nag bago pero hindi ko parin maintindihan kung anong ginagawa ko dito sa lupa"
"Ayos na ang pag hihintay mo, nakikita kong handa kana at tingin ko ito na ang tamang panahon na makilala mo na sila. Matuto ka lang mag hanap dahil nasa paligid mo lang sila, hindi mo lang namamalayan."
"Pero bakit kailangan ko pang gawin ang mga ito?"
"Isa itong regalo para sayo. Agad kang ibinigay saamin ng hindi pa nararanasan kung paano maging isang tao. Ngayon ito na ang pag kakataon mo, hanapin mo ang tunay mong magulang at tulungan mo sila, kailangan ka nila."
"Pero hindi ko sila kilala. Paano kung wal--"
"Sir? kailangan na po pala nating umalis. Pinapatawag na po kayo ng presidente ng kumpanya."
"Sige susunod na ako."
Tumalikod na ang binata ngunit hindi pa man ito nakaka layo ay lumingon itong muli sa ulap ngunit wala na ang kausap nito kaya nag pasya na siyang umalis.
Itutuloy................
BINABASA MO ANG
Angel in Disguise
RandomPaano kung isang araw ay mag tagpo ang isang babaeng ayaw nang mag mahal dahil minsan na siyang nasaktan at ang lalaking anghel na bumaba sa lupa para sa isang misyon. Mag kakasundo kaya ang dalawa kung parehas silang hindi mag ka unawaan at kinaiin...