Chapter 1 "The Boss"

0 1 0
                                    

General P.O.V

"Huy sis! bilisan mo na diyan, Parating na daw yung bago nating boss." Sigaw nang isang babaeng nag mamadaling mag ligpit ng gamit na naka kalat sa table niya.

"Sige, tapusin ko lang to. Mauna kana." Sagot naman ng kasamahan niya. Sumandal pa ito sa swivel chair na tila wala pang balak tumayo.

"Bahala ka diyan, Hayy sana gwapo yung bago nating boss noh, tapos matangkad, desente tapos hot -- aray!!" Sigaw nito ng mabilis na lumipad sakaniya ang isang eraser.

"Nako Aila! Tigil tigilan mo nga ang pag papantasya sa mga boss natin. Sinasabi ko sayo baka mawalan ka ng trabaho."

"Eto naman panira! Bahala ka na nga diyan, Mauuna na ako bye sis! Kita nalang tayo sa baba later."

Alas syete na ng gabi, mag isa nalang ang dalaga sa loob ng opisana dahil halos lahat ay nasa baba na nang biglang may kumatok sa pintuan nito.

"Ms. Zoe why are you still here?" Saad ng boss nito pag ka pasok at lumapit sa table ng dalaga

"I'm just finishing my report for tomorrow sir Lucas."

"That's what I want." Saad nito sabay titig sa dalaga na ikina-ilang naman ng huli.

"Ahm sir, may kailangan pa po kayo?"

"Ikaw" mabilis nitong sagot ngunit hindi iyon pinansin ng dalaga

"I mean, ikaw pinapatawag na, baba na daw sa lobby."

"Sige po."

Agad ng lumabas ito at nakahinga naman ng maluwag si Zoe at tumayo narin upang sumunod sa lobby.

Sa lobby..........

"Oh buti bumaba ka? Kala ko dun kana matutulog sa cubicle mo eh."

"Sira! Ay sandali lang sis, naiwan ko yata yung phone sa office." Saad nito habang may kinakalkal sa loob ng bag nya.

"Sige, bilisan mo, naku Zoe konti nalang maniniwala na akong sa office ka na nakatira."

Zoe's P.O.V

"Ahhh! Asaan naba yun!"

Nandito ako ngayon sa office, kanina ko pa hinahanap yung phone ko pero hindi ko makita. Bigla naman nag ring at sinundan ko ang tunog at nakita ko sa loob ng drawer ko.

*1 new message*

Buti nalang nag text si Aila. Agad ko namang binuksan yung message baka importante eh.

From: Aila

Hoy sis! Where na you!? Bilis parating na daw ang boss natin. And guest what!? Gwapo daw siya bali-balita ko. You better see him now! I'm telling you. baka di mo pa siya maabutan.

Hay kahit kailan talaga ang hilig mag boy hunting nitong bruhang toh. Akmang lalabas na ako ng bigla kong marinig na may nag lock ng door at nag patay ng ilaw. Agad akong tumakbo sa door at inikot ikot ang doorknob.

"No way! Buksan niyo to please! May tao pa dito! Mang Johnny! Nandito pa po ako!"

Ilang beses na akong sumigaw pero walang nag reresponse sa mga sigaw ko. Napalingon naman ako sa table kung nasaan ang phone ko at naisipan ko ng tawagan si Aila.

*Calling Aila*

"Sorry, the number you have dialed is unattended or out of coverage area. Please--"

Hindi ko na pinatapos yung sinasabi ng operator dahil agad ko ng pinatay ang phone ko. Napa upo nalang ako sa gilid ng pintuan at mag hihintay nalang ako ng may aakyat lalo na't impossibleng meron dahil nasa 5th floor pa naman ako. kung meron man mag nanakaw pwede pa.

General P.O.V
8:30 pm

Dinig na dinig ang mga bulong bulungan sa lobby ng dumating na ang isang itim na Ford Hyundai Accent na sasakyan. Mas lalo pang umingay dahil sa mga tili ng mga babae at baklang nag tatrabaho sa building ng mag simula ng lumabas ang sakay nito. Isang binatang may katangkaran, maputi, nasa 26 ang edad, disente itong manamit at may kakaibang aura na may mala anghel na itsura ang tumambad sakanila.

Dumiretso ito agad sa stage kung nasaan si Mr. Legaspi. Natigil naman ang mga ingay sa lobby ng may mag simula ng magsalita.

"Hello, Alam niyo naman kung bakit meron tayong bisita, hindi ba? And hindi lang natin siya bisita dahil makakasama niyo na siya dito. He will be the one who will replace my position as your boss. Give him a round of applause!"

Nag palakpakan na ang mga tao at nag simula narin tumayo ang binata upang harapin silang lahat.

"Good evening everyone, thank you for giving me a wild welcome. I'm Mr. Alcantara and I will be your new boss starting tomorrow because they will sent Mr. Legaspi to Spain to work with Mr. Smith, the owner of this company, The Legacy. I will stay here for 1 year just to accompany you until Mr. Legaspi is back. So... I wish you will enjoy working with me and I hope you will do your best in your job. That's all, See you tomorrow again and have a wonderful night."

Pag katapos nitong mag salita ay ipinakilala na sa kaniya ang secretary ni Mr. Legaspi para samahan siyang ikutin ang buong building.

Sa unang floor ng pag iikot ay mag kasama pa silang dalawa. Habang naglalakad ay nag ku-kwentuhan ang mga ito habang naka sunod naman ang secretary nito at si manong johnny, ang janitor na nag hahawak ng mga susi sa buong building.

"Talagang kumuha kapa ng sasama saakin ha? pwede naman kahit si manong johnny nalang"

"Syempre naman, para may gagabay sayo noh. ayokong mangyari ulit ang nangyari sayo noon. haha sige na I need to go. Ingat ka."

"You're still the old Lucas that I met before. Yung laging nag mamadali."

"You know me well brad haha."

Nag tatawanan lang ang dalawa hanggang nag pasyang umalis na si Lucas.

Umalis narin naman ang secretary nito kaya siya nalang ang naiwan para mag inspection sa building.

Kalahating oras na ang lumilipas at huling floor nalang ang kailangan ikutin, ang pang 5th floor.

Dahan dahan nitong binuksan ang isang pintuan at tumambad sakaniya ang isang dalagang natutulog sa may gilid ng pintuan habang naka sandal sa pader. Nilapitan niya ito at ilang segundo ring pinag masdan ang mukha ng dalaga. Naawa ito sa position niya kaya binuhat niya ito at inihiga sa couch ng opisina.

Hindi rin nag tagal ay umalis na ang binata at nadatnan si mang johnny na nag hihintay sa labas ng pintuan.

"Mang Johny I need to go, don't lock this building and specially this office."

"Paano po kung manakawan tayo niyan?"

"May mga guards naman. Kung sakaling mag kulangin mag papa dala nalang ako."

"Pero sir kabilin bilinan po kasi --"

"I'm your boss. You should listen to me."

Umalis na ang dalawa. at tulad nga ng sinabi nito ay hindi sinarado ni mang johnny ang building.

Zoe's P.O.V

Nagising ako dahil sa sunod sunod na pag ring ng phone ko.

*13 missed calls from Aila*
*6 missed calls from bestie*

Inikot ko ang mata ko sa paligid at bigla akong napa tayo ng mapag tanto kong wala pala ako sa bahay. Duon ko lang naalala na naka tulog pala ako sa office habang nag hihintay kanina. Napatingin ako sa wall clock and It's already 3 am kaya nag madali na akong umalis, pero bago pa man ako nakaka alis ay may nakita akong sticky note sa door kaya agad kong binasa.

I dont want to see you again sleeping here. You should know how to take care of yourself.

-A.A




Itutuloy..............

Angel in DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon