Part 48

17.8K 634 135
                                    

Hi guys! Thanks sa comments kahit good or bad yan haha. Di ko na babaguhin yung kwentong nasa isip ko hehe.

Last 12 parts. Hehe. Ready na ba?

Paalala lang. Tuesday uli bukas, baka wala na naman pong update hehe. Hirap kasi talaga pag Tuesday!

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!

+++++

Nasa bus na kami ngayon pauwi ng Manila.

Pinagalitan kami ng prof namen kinaumagahan ni Teejay. Halos di daw natulog lahat kakahanap, ang sabi na lang nila Marco nagpaiwan kami sa kabilang isla.

"Inaalala ko sila Cara loves. Alam mo naman, patay na patay sayo yun eh. Baka mamaya, magpisikilan na kami dahil sa galit niya" sabi ko habang nakaakbay siya saken sa bus.

"Hindi ko naman hahayaan yun. Tsaka, sabihin mo saken kapag nanggugulo sila."

"Yung text kasi niya saken, 'excited na akong makauwi ka', parang may laman. Mamaya kung ano na yun"

"May ilang oras pa tayo bago makapunta sa Manila, sa ngayon, enjoyin muna natin yung byahe okay?" Paalala niya saken.

++++

Pagpasok ko sa loob, inaasahan ko ng magbubunganga si tita, kaso hindi. Alasyete palang ng gabi nun at nakita ko si tita na naglilinis ng bahay.

"Ohh kumusta yung tour? Kumain ka na ba?" Bungad ni tita saken. Hindi ko alam kung mali ako ng bahay na napasukan pero parang ang bait saken ni tita.

"Ahhhh, opo tita" ayun na lang nasabi ko.

"Sige magpahinga ka na" may sakit ba to? Biglang nagbago talaga trato niya saken.

"May pasok ba kayo bukas?" Pahabol niyang tanong.

"Ahhh wala po tita, excuse po kami bakit po?"

"Samahan mo naman ako, mag grocery" sabi niya.

Nakatitig lang ako sakanya. Hindi ko alam kung ano nakain niya.

"Ahhh eh ayos lang po ba kayo tita?" Tanong ko.

"Ahh hehe oo naman. May lakad ka ba bukas?"

"Wala naman po"

"Ohh edi samahan mo na ako, wala naman ako maaasahan sa kambal eh." Sabi niya pa.

"Ah sige tita. Akyat na po ako ah" di ko kinaya yung awkwardness sa baba. Ang bait ng tita ko ngayon.

++

"Anong plano mo pagka graduate mo?" Tanong saken ni tita habang nag gogrocery. Ang weird talaga, kanina pako naiilang sakanya.

"Ahhhh, gusto ka po sana mag aral, pwede ring magtrabaho na ako. Di ko pa po talaga sure eh" sabi ko.

"Ahhh sige, mag masteral ka. Okay lang saken"

Bahagya kong tinignan si tita, mukhang seryoso naman siya. Di ko alam kung anong meron.

"Ang gwapo mo ngayon, kamukhang kamukha mo papa mo" sabi niya bigla.

Mas naawkwardan na talaga ako dahil binanggit niya si papa.

Pagkatapos namen mag grocery, kumain kami ng siomai sa may tapat lang.

"Sorry sa pagtrato ko sayo Anjo ah?" Bigla niyang sinabi.

Di niya ako matignan sa mata ko pero kada salitang sinasabi niya, nagugulat talaga ako.

A Gay Cinderella Twisted StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon