Chapter 1

10 0 0
                                    

Flassback
5 years ago (Feb. 12, 2011)
Saturday

Jana's POV

Nagmamadali akong pumunta sa bahay ng bestfriend ko.

Waaaah pano naman kasi di ko alam gagawin ko e. Kyaaaaa!

Magkapit bahay lang kami at feel free talaga akong lumabas pasok sa bahay nila wahahaha perks of being bestfriend.

Nasa hagdan pa lamang ako ay tanaw ko na sya sa kwarto nya.

"Weeeeeng!! Omergard >\\\\\\<" bungad ko sakanya habang patalon talon sa kama nya.

"Ayy!! Manahimik ka nga ang ingay mo. Ano na naman bang meron?" Kita mo talaga na naiinis sya hahaha

"Ehh pano naman kasi ohh *pinakita yung text ng crush ko* kyaaaa! Diba? Kelegmatch"

Text message
From Karl
- Oo nga ang ganda mo kasi, kaya lang nahihiya ako minsan e hahaha. Kung payag ka nga pwede ba kong manligaw, Jan? :)

"Tss ang baduy naman nyan kinilig kana dun?" tapos binaling nya ulit yung tingin nya sa laptop nya.

"Anong baduy! Ang cute kaya" hinampas ko sya

"Totoo nga. Tsaka halatang babaero yan di man lang natorpeng sabihin e. Ano pumayag ka naman?"

"Ano pa bang aasahan mo? E alam mo namang matagal ko ng crush si karl, weng naman e suportahan mo naman ako dito" nagpout pa ko sakanya

Alam kong ayaw nya talaga kay karl. Ever since talaga siguro dahil alam nyang medyo, medyo lang naman. Medyo badboy yung image ni karl sa school.

At may pagka playboy nga. Pero sa pakikitungo nya sakin, i find him cute naman, sweet, caring at gentleman.

Kaso di ko talaga alam kung bakit ayaw din nya kay owen.

Ewan ko ba lagi nalang pinagttripan si owen at nag usap na kami tungkol dun. Dahil syempre bestfriend ko tong lagi nyang inaaway e.

Hays ang hirap naman ng sitwasyon ko. Bestfriend ko ba o yung taong mahal ko?

"Ganyan ka naman e. Hindi ka na naman makikinig sakin. Jan ayokong masaktan ka sa huli kaya please. Layuan mo yang si karl." At tinignan nya ko ng nakaka konsensyang tingin.

"Weng. Mahal ko na sya hindi ba pwedeng suportahan mo nalang ako bilang bestfriend ko?"

"Oo Jana! bestfriend, pero di mo kayang pakinggan" Bigla syang tumayo at bumaba ng kwarto nya.

Sinundan ko sya.

"Ano ba! Ikaw nga tong ayaw makinig e. Anong klase kang bestfriend?! At hindi mo magawang suportahan yung nakakapagpasaya sakin?!"

Humarap sya sakin at nakita nya akong umiiyak.

Pano ba naman. Ang saya saya ko kanina para ibalita sakanya to tapos ganito? The eff

Owen's POV

"Dahil isa lang akong lampang bestfriend ng isang makulit na tulad mo. Hindi kita kayang ipagtanggol kung masaktan ka man. Nerd lang ako sya badboy at hindi ko kayang patawarin sarili ko kung may mangyaring masama sayo. Kaya kung ayaw mong makinig sakin? Kung pwede umalis ka muna."

Yan dapat isasagot ko pero iba ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Sobrang sakit kasi e, may mahal sya.

May mahal syang iba.

May mahal syang GAGO.

"Bat ba kasi nagpapapaniwala ka dyan sa mokong na yan? Tanga ka ba? Lolokohin ka lang nya. Hindi ka maganda kung para sa ibang babae nya baka nga pinagpupustahan ka lang e. E ikaw tatanga tanga maniniwala sa kung anong sabihin ny--."

Di na ko natapos pang magsalita at sinampal nya ako.

Umalis sya ng umiiyak.

Dahil sakin.

Ang tanga ko din e.

Ayokong masaktan sya ng iba pero ako mismo ang nananakit sa kanya ngayon.

Hay...

**♡**

Monday

Jana's POV

Hanggang ngayon di parin kami nagpapansinan ni owen.

Sabi ni karl okay lang daw kahit ayaw ni owen sakanya. Tanggap nya daw

Kaso sa side ko nahihirapan parin ako. Di na kasi kami naguusap di na sya pumupuntang bahay.

Di na nya ko tinatabihan sa room.

Si karl nalang ngayon yung kasama ko.

-Lunch-

"Sabay ka na samin maglunch Jan. My treat" aya sakin ni karl

Tinignan ko si owen sa likod ko. Nagkatinginan kami saglit pero umiwas sya ng tingin.

"Ahm okay. Tara" tinignan ko ulit si owen pero nakayuko sya at halatang umiiwas.

Hanggang sa uwian tinext ko sya. Di daw kasi ako maihahatid ni karl may practice daw sila ng basketball team.

So wala akong choice kung hindi babaan ang pride ko at magsorry. May kasalanan din ako.

I texted him
To Owen
- Weng sorry na ah. Alam kong galit ka parin. Sabay na tayo umuwi hintayin kita dito sa may garden sa bench.

After 5

10

20

30

40 mins di sya nagreply. Di din sya dumating

Hays galit parin sya, so i think ako mag isa uuwi.

**♡**

Kinabukasan di sya pumasok.

One week.

Two weeks.

Three.

A month.

Hanggang graduation....

Di ko alam kung bakit sya umalis. Sabi ng kasambahay nila pumunta daw ng states kasama parents nya.

At hindi ko maintindihan kung bakit di man lang sya nagpaalam sakin.

Ayokong isipin na dahil yun sa nangyari.

Nangiwan sya, ng walang pasabi.

***

A/N
Hey guys hanggang part 2 lang po ito.
So this is the part 1

Hope you enjoy ^_^

The Nerd Turn Into A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon