The Letter

180 6 0
                                    

"Hi my princess"

Isang boses ang naririnig ko. Pero di ko alam mung saan nanggagaling.

Palinga-linga na nga ko pero wala akong makita.

Pwede na nga kong ihalintulad sa isang giraffe na humahaba ang leeg eh.

"Come with me my princess"

Ay naman? Come with me daw oh? Eh paano naman ako sasama kung di ko nga makita diba?

Wait!

Princess ang tawag sakin?

Kelan pa ko naging prinsesa?

Sa pagkakaalam ko ay ang isang Diana Angela Flores ay isang simpleng mag-aaral sa isang publikong paaralan na nagtatrabaho din para may baon.

"Face me my princess"

Maka "my" ah? Sayo ako? Pagmamay-ari mo ako?

So? Nasa likod ko siya?

Eh kanina wala namang tao sa likod ko ah?

Baka dwende toh?

Luh! Di ba ako nagtabi-tabi nung naglalakad ako at ang parusa ko ay ang maging prinsesa sa mundo nila?

Wahhh! Nooo!

Go Diana. You can do it.

Palaban ka diba?

Shocks. Naiihi ako.

At humarap nga ako dun sa boses na yun.

Pero di ko maaninag ang mukha niya?

Hahawakan ko na ang mukha ni---

"DIANA ANGELA! UMAGA NA!"

Napabangon agad ako sa kama ko.

Wahh! Panaginip?

Laah! Baka nga naeengkanto na ko?

"DIANA! MALIGO KA NA MAY PASOK KA PA"

"OPO MALILIGO NA PO!"

Aga-aga ang ingay agad ni mama.

Ang dakilang megaphone este nanay ko pala. Hehe.

Naligo ako at ginawa ko na ang mga dapat gawin. Ayoko ngang simula ng week bad hygiene ako.

Bumaba na ko sa dining room namin. Nandun na si mama, papa, kuya Lex, kuya Brex, ate Jex at Tex.

Puro "ex" pangalan noh? May galit ata mga magulang ko sa "ex"eh. Lakas saltik. Haha. Pero mahal ko ang pamilya ko noh.

"Oy Di (die) bakit ganyan suot mo?"

"Ano na naman kuya Lex? Maayos naman ah? Atsaka don't call me that "di" thingy jiggy"

Totoo naman eh. Maayos naman yung pants, rubber shoes at long-sleeves ah?

"Tama kuya Lex mo, DIANA. Anmeron at naka long-sleeves ka? Malamig ba? At bakit ayaw mong "di" ang itawag sayo? Ang cute kaya" sabay ngiti ng pang-asar.

Ngayon lang ba sila nakakita ng naka long sleees kahit mainit?

Tss. Oldies talaga tong mga toh.

Sa panahon ngayon uso na toh kahit mainit. Di naman ko jejemon na nakavarsity jacket kahit di malamig lalo na at di naman varsity.

"Yeah whatever Dad. Uso na toh ngayon. And that "Di" thingy is so creepy"

Yeah! Baka akalain ng mga tao ang pangalan mo ay literal na patay. "Di" ay katunog ng "die".

Baka akalain ng mga tao ay nakagawa ako ng malaking kasalanan at kailangan akong patayin =_=.

"Okay Diana Angela" tinignan ko ng masama si papa. Lakas ng trip ang aga-aga. Ayaw ko kasing tinatawag ako ng buong pangalan eh.

"Tama na nga yan, hala kain na tayo" to the rescue talaga si mama! HAHAHA. Ang ganda-ganda talaga ni mama. Siya ang idol ko.

Kumain kami ng matiwasay. Yeah matiwasay. Kasi kadalasan parang palaging Hunger Games ang nangyayari pag kumakain kami eh.

Nandito ako ngayon sa sala at nanonood ng tv.

Nakikilig ako kay Jeremy Sumpter eh. Ultimate crush ko siya lalo na sa Peter Pan.

Yan na. Yan na magkikiss na sila ni Wen--

"Goodmorning Dilenya City. Sorry for interrupting your -----"

"Ay leshe! Ayun na eh. Ayun na---"

"Hoy Angela manahimik ka nga. Baka gustong mong isubo ko sayo tong tinapay? Wag ka na magingay dyan. May announcement yata ang palasyo"

Di nalang ako nagsalita. Ayoko ngang ipalamon sakin yung tinapay noh. What my mom says is ginagawa nya talaga.

Kaya pag sinabi niyang di ka kakain ng kanin ng isang linggo pag maingay ka, manahimik ka na.

"Istorbo naman yang news na yan!"yes kakampi ko si ate Jex. She's my elder sister. Crush yan ng bayan. Actually mga Flores ay crush ng bayan.

Ako? HAHAHAHA. Ako ang napagkaitan. Huhu.

"So for our main news. Did all of the houses received the letter from the palace? Well you better check it out. Dahil this is the moment of your daughters 16-23 years of age to be the princess of our city. Nabuhay muli ang "Chosen Games". Dahil gusto ng ating reyna at hari na magmula sa ating city ang mapapangasawa ng ating prinsipe. Ngayon nalang ulet ito after 20 years dahil puro prinsesa ang outcome from this past generation at ngayon nalang ulet ang boy which is Prince Joshua. So basahin nyo nalang ang letter. That's all"

At yun nag-commercial na ulet. Hays. Ano na namang pakulo ito? May games pang nalalaman para makapili ng prinsesa? Ano toh? Princess Games? Haha.

"Sayang naman ma! 24 na ko eh"

Hala si ate Jex? HAHAHHA. Nanghinayang? Well crush nya nga naman kasi ang oh-so prince Joshua na yan.

"Ang swerte mo Diana pwede ka makapasok"

"Of course magan---- WHAT?" Pinagsasabi nito ni Ate?

"17 years old ka. Nakow. Diana ikaw ang magdadala ng pangalang Flores"

What the? Pati sina kuya? Waaah!!!

"Wait te---"

"Eto na yung sulat! HAHAHAHA"shocks. Family ko ba ito? Bat ganto? They're creepy.

"Diana lumapit ka dito at sabay-sabay nating basahin"

To Be A PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon