FATE

35 1 0
                                    

"Hi Alex! Basketball?" ang masayang bati sa akin ni Iah pagpasok ko ng gate namin. Kung iba lang ang sitwasyon nabara ko na naman siya ng "it's Lexi not Alex" kaso hindi ko kayang mambara ngayon. Kanina ko pa pilit pinipigil ang pagpatak ng luha ko kaso di successful. Sana lang di nila mapansin ni kuya.

"Alex?" Shit! Mukhang hindi nakaligtas kay kuya ang itsura ko. Di ako sumagot alam kong hahagulgol lang ako pag binuksan ko ang labi ko. Patakbo akong umakyat sa kwarto ko...nilock ko ang pinto at tsaka tuluyang pinakawalan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumuhos.

Maayos naman ako kanina... excited pa nga akong bisitahin si Drew, ang fiance ko...ex na pala. Pinuntahan ko siya to show him yung napili kong motiff ng kasal namin kaso naabutan ko siya at ang kapitbahay nila nagmimilagro. Pero hindi ako umalis gusto kong malinawan bakit niya ako nagawang lokohin pero sana hindi ko na lang inalam dahil lalong lumiit ang tingin ko sa kanya. Pinilit ko syang umamin...ipaliwanag kung anong nangyayari sorry daw...mahal daw niya ako at wala lang daw yun. Parehas silang walang saplot,nakakandong sa kanya yung babae habang naghahalikan sila sasabihin niya wala lang yun? Bullshit naman. Sinoli ko sa kanya ang engagement ring namin hilam sa luha ang mga mata ko...tuliro ang utak kong lumabas ng bahay nila.

"awww""

"Sorry. Pasensya na. Di ko sinasadya," hingi ko ng paumanhin sa nabangga ko pero nanatili akong nakayuko.

"Lexi? Wait, what's wrong?" tanong ni Wendel, barkada ni Drew. Siya pala ang nabangga ko. Yakap na lang ang tangi kong naging sagot. Inalalayan ako ni Wendel papasok sa kotse niya. Bumaba kami sa isang coffee shop. Tinanong niya ulit ako kung anong nangyari. Kinwento ko sa kanya ang nakita ko. Yumuko siya. Tahimik lang kami hanggang sa dumating ang kape namin.

"Lexi, kaibigan na din kita and gusto kong maging honest. Kagabi lasing si Drew pumunta siya sa bahay may sinabi siya sa akin akala ko nga nung una ginugood time niya ako e. Narealize ko lang na seryoso pala siya nung sunduin siya ni Neriza sa bahay. Bago siya umalis sinabi kong ayusin ang lahat at unfair sa'yo," malumanay na kwento ni Wendel.

Mula sa kanya nakuha ko ang mga kasagutan sa tanong ko. Di basta kababata lang ni Drew si Neriza  first love nila ang isa't isa...  at kahit may kanya- kanyang karelasyon they just can't forget about each other. Parang open relationship kumbaga.Mahigit tatlong taon na pala akong niloloko ni Drew at patuloy pa sanang lolokohin dahil ikasal man kami di pa din matatapos and relasyon nila ni Neriza. Masakit...mahapdi. Daig ko pa ang ginutay gutay ang laman. Kung bakit pakakasalan pa niya ako kahit may Neriza na di ko alam at ayoko ng alamin pa. Tama na yung nasaktan ako sa panlolokong ginawa n'ya.Natapos ang pag mumuni muni ko marinig ko ang pagbalya ni kuya Xander sa pintuan ng kwarto ko.

"Alex, buksan mo 'to," utos ni kuya sa akin.

"Kuya hayaan mo muna ako mag pahinga pagod po ako e,"

"Xandra Alexis..."

"Kuya let's talk later pagod talaga ko. I'll just rest then we'll talk," pangako ko kay kuya. Alam kong di naman niya ako titigilan hanggat di ko sinasabi kung anong nangyari pero marunong rumespeto si kuya at maghintay kung kailan ko kayang mag open up. Narinig ko ang paalis na yabag ng paa ng kapatid ko. Bumalik ako sa kama ko at ng masulyapan ang mga pictures namin ni Drew ay pinagpupunit ko ang mga iyon. Para akong nauupos na kandila... hindi ko mapigilan ang pagluha. Sobrang sakit ng nasaksihan ko kanina at para itong sugat na binuhusan ng alcohol... lalong sumakit sa mga nalaman ko mula kay Wendel.

Alam ko hindi ako ganun kabuti pero hindi rin naman ako ganun kasama to deserve this. Lahat naman tayo may karapatang lumigaya... magmahal at mahalin pero bakit ba may mga taong ang hilig mag aksaya ng pagmamahal na ibinibigay sa kanila. Bakit ba kasi ang malas ko pagdating sa usapang pagibig...

love charmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon