Nakatulugan ko na pala ang pag atungal at pagbabaliktanaw. Ang bigat at ang sakit ng ulo ko... siguro dahil sa kakaiyak ko kanina. Nag aagaw na ang liwanag at dilim... saglit lang pala akong nakatulog... makababa na nga at nagrereklamo na ang mga dragon ko sa t'yan.
Tok... tok... tok...
Si kuya Xander 'to panigurado at kukulitin na naman ako. Talagang di mapapakali 'tong kuya kong kapre e. Baka mamatay matay na sa pag aalala.
"wait lang," sabi ko habang papunta sa pintuan.
"morning Sandy... breakfast in bed," nakangiting bati ni kuya Xander pag bukas ko ng pinto. Kahit nakangiti halata ang pag aalala sa mapungay niyang mata. Sandy... yan ang madalas niyang tawag pag alam niyang masama ang loob ko.
"breakfast? gulat na tanong ko sa kanya.
"uhum... maaga ako nag prepare ng breakfast baka kasi magutom ka at di ka na nakapag dinner kagabi. Let's eat?"
"grabe... akala ko nga saglit lang ako naidlip at mag gagabi pa lang. Fix ko lang sarili ko... wait lang"
"okay"
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay binalikan ko agad si kuya Xander sa kwarto. Napakaswerte ko at mabait ang binigay ni Lord sa akin na kuya at napaka maunawain kahit masungit at times.
"kuya... thank you," sincere kong sabi sa kanya.
"no problem"
"sarap ha... inspired?"
"sus lagi naman masarap luto ko no"
"ang lamig grabe"
"hahaha lukaret... by the way, pumunta dito kagabi si Drew kaso tulog mantika ka sabi babalik na lang daw siya hayaan ka na lang daw magpahinga"
"mukha niya," pabulong na sabi ko. Hindi ko namalayang napairap ako at napaismid pa. Buti na lang tapos na kaming kumain kung hindi either luray luray na ang kinakain ko sa dami ng hiwa o nawalan ako ng gana.
"hey, may problema ba?"
"wala kuya okay lang ako"
"weh?"
"oo nga"
"ako pa talaga ang pagsisinungalingan mo e 'no"
"nakakainis naman e"
"c'mon... spill it Alex"
"i hate you"
"i love you"
BINABASA MO ANG
love charm
RomanceSAWI... one word that perfectly describes my love life. Palpak ang unang pag- ibig ko... even the next ones. Yet, I still believe na lahat ng tsinelas ay may kaparis. Darating din ang nilaan ni God sa akin. Pero paano kung ang kaparis ng tsinelas ko...