...
"Loser!"
"You are such a nerd!"
"My mommy said don't talk to strange people."
"Ang eww ng face mo!"
Lumapit ako sa batang binubully ng classmates ko.
"Pwede ba tigilan niyo siya? Sasapakin ko kayo sige!" Matapang kong sigaw sa kanila. Nagsipagkibit balikat na lang sila atsaka umalis na.
Tinabihan ko yung bata. Umiiyak siya.
"Wag ka na umiyak. Don't worry di na ko lalayo sa'yo para di ka na nila guluhin kahit kailan." Sabi ko sa batang lalaki na nakatingin lang sakin.
Di naman siya umiimik. Gayunpaman, nginitian ko pa rin siya.
"Ako nga pala si Jaque. Anong pangalan mo?" Mahinahon kong tanong sa kanya.
"Ako naman si Ranz." Nahihiyang sabi niya pero mas lumaki ang ngiti ko nang makita ko siyang may maliit na ngiti rin sa kanyang labi.
That's when I met my bestfriend.
Lumipas ang maraming taon.
Naging magbestfriend kami ni Ranz.
Lagi kaming magkasama. Elementary at high school. Hanggang ngayong nasa university na kami. Same course, same schedule, same subjects. Magkatabi lang din ang apartment namin. Breaks, gala, dismissal, gimik, name it magkasama pa rin kami.
I know this guy more than anyone else. Wala siyang maitatago sakin at ganun din ako sa kanya.
And I can't imagine my life without him.
Yes. I've fell in love with my bestfriend. Cliché isn't it? Pero I think it's really impossible na hindi ko siya magustuhan.
He has the face and the body that every girls would drool over. He also has the brain that every geniuses would wish for. Very religious and respectful. May kaya sa buhay. Sweet, nice, generous at may pangarap sa buhay. And so much more. Kumbaga, complete package na.
He's my ideal man.
Pero alam kong hindi pwede.
Sino ba naman ako?
Ako lang naman si Jaque na puro gulo ang hinahanap. Si Jaque na amazona at bungangera. Si Jaque na talo pa ang mga maton sa sobrang hilig sa away. Si Jaque na palagi lang pinapakopya. Ako lang naman yun eh. Si Jaque na totomboy-tomboy. Si Jaque na hindi marunong mag-ayos. Si Jaque na bestfriend lang ni Ranz.
Sabi nila ang swerte ko raw. Palaging nandyan si Ranz sa tabi ko, laging siyang nakasunod sakin, lagu kaming magkausap at ako ang pinaka nakakakilala sa kanya.
Akala ba nila madali at masaya ako sa ganon?
Mahal ko ang bestfriend ko at wala siyang alam sa nararamdaman ko. Saang parte ang maswerte doon?
"Hoy kups! Kilala mo si Audrey diba?" Tanong ni Ranz habang nakadapa kami sa kama ko. Pareho kaming nagla-laptop. Napaisip naman ako. "Yung maganda, may braces tapos pinsan ni Lance! Nakasama na natin minsan gumimik." Napaisip ulit ako. Madami akong kilalang maganda na nakabraces eh. Pinsan ni Lance? "Kups ang panget mo talaga eh no! Yung pumuntang States." Ah. Humarap na ako sa kanya.
"Oo naaalala ko na siya. Eh ano?" Tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo. Ang alam ko ang lakas ng tama niya sa babaeng yun eh.
"Bumalik na siya! Nagtext sa akin si Lance. Gimik daw bukas. May jet lag pa daw si Audrey eh." Parang tanga na kinikilig si Ranz. Naiimagine ko na may heart ang mga mata niya. Kupal talaga.