ONE SHOT (epilogue)

48 4 0
                                    

...

EVERYTHING went back to its usual places.

Bestfriend pa rin kami ni Ranz. Nagsorry ako kay Audrey. Not because I pity her but because I was too rude towards her.

Sabay kami ni Ranz dumadalaw sa hospital. Halos doon na kami matulog. Minsan salitan kami. Dumating na kasi sa point na hindi na talaga siya pinalalabas ng hospital.

At sobrang nalulungkot ako para kay Ranz. Alam kong masakit para sa kanya ang makitang ganito ang kalagayan ni Audrey.

Why do bad things happen to good people?

"Doc, wala pa rin bang heart donor?" Tanong ng mommy ni Audrey minsan nang ipa-check up siya.

"Ma'am, aware naman siguro kayong napakahirap makahanap ng pusong tutugma sa katawan niya?" Sabi ng doctor.

Gusto ko nang gumaling si Audrey.

LUMIPAS ang ilang buwan.

Pahina na rin ng pahina si Audrey. Namayat na siya ng sobra. Maputla ang balat niya.

Hindi siya kailanman iniwan ni Ranz. Mahal na mahal talaga si siya ni Ranz.

Nandito ako sa rooftop ng hospital.

Nag-iisip.

Kaya ko ba?

Atleast magiging masaya silang dalawa.

Oo, hanggang ngayon mahal ko si Ranz. Hindi naman mawawala yun eh. Pero alam kong si Audrey ang makakapagpasaya sa kanya. At doon pa lang masaya na ko. Masaya ako kapag masaya siya. Ganun naman siguro talaga. Kahit hindi ikaw ang makakapagpasaya sa taong mahal mo basta masaya siya, magiging masaya ka na lang din.

Nakikita ko ring bukod sa pamilya niya, kay Ranz din si Audrey kumukuha ng lakas. Isa si Ranz sa mga dahilan kung bakit siya lumalaban sa sakit niya.

Gagawin ko ba?

Wala rin naman akong maiiwan dito. Wala na akong pamilya. Sarili ko lang.

Ako na lang.

PUMASOK ako sa room ni Audrey. Walang ibang tao kung hindi siya lang. Nagbabasa siya ng libro.

"Jaque, andyan ka na pala. Umuwi si Ranz, sabi niya kukuha lang daw siya ng ibang gamit niyo." Nakangiti niyang sabi sakin. She's really nice.

"Ah buti naman. May itatanong ako sayo." Sabi ko. Lumunok ako ng ilang beses.

"Huh? Ano yun?" Inosenteng tanong niya.

"Mahal na mahal mo si Ranz no?" Parang tanga lang yung tanong ko.

"Sobra. Sobra sobra. I never imagined he would mean this much to me. I can already see him in my dreams waiting for me at the altar. We'll exchange I Do's. Magkakaroon ng malaking pamilya. But I know it will only exist in my dreams. Hindi na ko tatagal Jaque. So, you take care of him... For me." Yumuko siya para punasan ang luhang naguunahan bumaba sa pisngi niya.

Hinawakan ko ang kamay niya. Umiling ako. Nakita ko sa mukha niya na naguguluhan siya.

"No Audrey. You take care of him... For me. Sobrang mahal ka niya. Iingatan mo siya ha? Alagaan mo siya. Clingy siya pag may sakit siya, ayaw niya na iwan mo siya. Allergic siya sa popcorn. Hindi siya mapili sa pagkain. Mainit ulo niya kapag may sipon siya pero yun yung time na masarap din siyang inisin. Itago mo ang mga tissue niya." Natawa ako sa kalokohan ko noon sa kanya. Naalala ko na naman. Umiiyak naman si Audrey habang nagsasalita ako.

Pakisabi Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon