ONE SHOT (midlogue)

54 1 0
                                    

...

ILANG linggo na nga ba kaming ganito ni Ranz?

Iniiwasan ko siya. I don't think he seems to notice. Kahit nasa iisang classroom kami wala talagang pansinan. Nakipagpalit pa siya ng pwesto para lang makatabi sa upuan si Audrey.

Mahirap pa rin palang maiwan sa ere. Yung tipong parang kahapon lang hindi kayo mapaghiwalay tapos ngayon gigising ka wala na siya sa tabi mo.
Akala ko di na to mauulit eh.

Hi Ranz, ako nga pala si Jaque, yung bestfriend mo. Naaalala mo pa ba?

Sabi ko sa sarili ko tatanggapin ko naman ang relasyon nila. Magiging masaya ako para sa kanya. Doon siya masaya eh. Pero di naman kasi ako nainform na ganito pala ang mangyayari.

Para akong isang lumang laruan na isinantabi dahil may bago na siyang laruan. Palagi na lang.

Matagal na kong nasasaktan pero bakit habang tumatagal mas sumasakit pa? Akala ko dati masakit na yung nararamdaman ko, may isasakit pa pala. Kumbaga from scale 1-10, pang 2/10 pa lang yung noon. Ngayon siguro pang 5/10.

Sabado ng gabi ngayon at nakatambay ako sa usual spot namin ni Ranz kapag senti mode kami. Sobrang ganda ng view dito ng city lights. Dito namin pinagu-usapan lahat ng seryosong bagay. May sense man o wala.

Bakit may mundo?

Paano napunta ang unang tao sa Earth?

Sino nagpangalan sa Earth?

Ano ang nasa gitna ng universe?

Bakit ang mahal ng diamond?

Para lang kaming tanga no? Pero wala, ganito talaga kami eh. Kahit ano napapagusapan namin.

Naalala ko noon, first day ng menstruation ko. Sobrang na-shock ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Si Ranz ang bumili ng napkin ko. Siya rin ang naglagay sa panty ko. Pareho kaming nanginginig at nine-nerbyos.

Popcorn na lang talaga ang nakakapagpasaya sakin. Kung yung iba ice cream ang comfort food, ako naman popcorn. Ranz hate this food. Allergic siya.
Elementary yon, pinakain ko siya nito. Namaga siya. Mukha siya apple.

Good times.

"Senti mode ka ah?" Nagulat ako nang may biglang tumabi sakin.

Himala, bakit hindi niya kasama si Audrey? Seriously, malapit ko na silang pagkamalang conjoint twins eh.

Ayokong magsalita. Anong sasabihin ko? Kumusta? Tsk! Mukha namang okay siya eh. Kumain na lang ako ng popcorn.

He knows whenever I'm eating popcorn, malungkot ako.

"May problema ba tayo?" Out of the blue, bigla siyang nagsalita. Hindi ko alam ang isasagot ko. May problema ba talaga kami? O nasa akin lang ang problema?

Iniwan lang naman niya ko sa ere eh. Anong problema doon?

"What do you think?" Mahina kong tanong. Ayokong humarap sa kanya. Anytime maiiyak ako. At ayokong ipakita sa kanya yun.

"Im sorry." Sorry. Sana pag may nagsorry sayo automatic mawawala yung sakit na dinulot nila.

Yumuko ako. Nagsisimula na tumulo ang mga luha sa mata ko. Ayokong ipakita pero bakit bigla akong umiyak? Nasasaktan na talaga ako.

Ganito pala yung feeling na wala kang ibang kaibigan na kaya mong paglabasan ng nararamdaman mo. Para akong bomba dahil feeling ko anytime bigla na lang ako sasabog.

I need to keep my distance from him.

Alam kong meron pang isasagad itong sakit na ito eh. At alam kong mas lalo lang akong masasaktan pag hindi pa ko lumayo. Dapat una pa lang ginawa ko na to eh. So stupid of me to fall in love with my bestfriend.

Pakisabi Na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon