Pain In My Heart

647 20 0
                                    

Kailan ko ba sya makakalimutan? Kailan maaalis sa puso ko ang sakit na naidulot nya sa akin? Kailan muling tatamis ang pait ng nakaraan ko?

Hi, I'm Fabieanne Montero.
Nandito ako ngayon sa shop ko. Sa Shop kung saan ako gumagawa ng iba't ibang designs ng mga damit, dito ko ginugugol ang oras ko, lahat ng oras ko. Simula nang makipaghiwalay si Zac sa akin ng walang dahilan. Ang sakit lang isipin na sa isang salita nya lang natapos na kami. Natapos na yung matagal na relasyon na aming iningatan at pinaglaban.

Ganun nalang ba nya kadali itinapon ang panahon na magkasama kami, at panahon na lumaban kami para sa pagmamahalan namin? Sa Hindi maipaliwanag na dahilan nakalimutan at naitapon nya lang basta. 10 fcking long years!! Hindi naman na biro yon.

"Woi, Fabieanne! Ano? Tulaley na naman?" sabi ng pinsan ko na basta basta nalang sumusulpot kung saan.

"A-ah. A-ano yun? May sinasabi ka? M-may iniisip lang kasi ako" nauutal kong sabi at ngumiti ng pilit.

"Sus. Kilalang kilala na kita uyy. Yang mga ngiti na yan? Na feeling strong? Tss." Napanguso nalang ako dahil sa sinabi niya.

"Oh. Eh, ano bang ginagawa mo dito?" anas ko.

"Hmm. Wala naman. Wala akong magawa kaya ako napadpad dito." aniya.

I heaved a deep sigh.

"Ang lalim naman nun. Nalubog ako." sabi nya ng nakakaloko.

Inirapan ko nalang sya sabay sabing,
"Umalis ka na nga dito, nanggugulo kalang eh!." pagtataboy ko sa kanya.

"Hahahaha. Joke lang 'to naman di mabiro." aniya at naupo sa harapan ko.

"Tss." magkaroon ka ba naman ng baliw na pinsan, di ka kaya mainis.

"Siya pa din ba?" tanong nya sakin.

Tumingin lang ako sa kanya at umayos ng upo. Hindi ako tanga para hindi magets kung sino ang tinutukoy niya.

"H-hindi siya." I lied.

Ngumiti lang sya ng nakakaloko.

"Sige, lokohin mo lang yang sarili mo pero ako? Hindi mo ako maloloko. Gaya nga ng sinabi ko, kilala na kita." seryoso nyang sabi.

Hindi nga, hindi ko nga sya maloloko. Alam na Alam nya lahat ng nangyari sa'kin.

"Siya nga, Happy now?" sarkastikong sagot ko sa kanya.

"Hindi naman basta mawawala ang sakit dyan sa puso mo." sabi nya ng seryoso.

Nakatingin lang ako sa kanya, habang nakikinig sa pangaral niya.

"Time doesn't heal anything, It just teaches us how to live with pain. Alam kong mahirap na hiwalayan ka ng taong minahal mo sa mahabang panahon..."

Habang sinasabi nya ang mga salitang yun, andaming nagflashback sa isipan ko na imposible ng mangyari.

Katulad nalang na makasama ko pa ulit si Zac.

"Pero wag mo namang bulukin ang sarili mo sa pagtatrabaho, magsaya ka din. Gumimik tayo tulad ng dati nating ginagawa."

Hindi ko magawang gumimik, dahil siya at siya lang naaalala ko.

My heart ached at the thought of him.

Noong unang araw na wala na kami ni Zac, hindi ko alam kung anong gagawin ko.. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang gumising at tumayo ng wala sya. Ang hirap, sobrang hirap kasi sa bawat lingon mo, siya at siya parin ang nakikita mo. Kahit katiting na bagay na nakakapag paalala sa kanya.

PAIN IN MY HEART (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon