Una

345 12 0
                                    


I'm too inlove with Zac kaya siguro hindi ko siya magawang kalimutan.

"Gusto ko 'tong ginagawa ko." simpleng sagot ko sa kanya.

"Gusto? Ang alin? Yung sakit na naidulot nya?" aniya at inirapan ako.

"Gosh Fabieanne, isang taon na kayong hiwalay ng gago mong Ex na yun, baka nga siya nagpapakasaya na. Tapos ikaw, ano? Nasasaktan ka pa din dahil sa kanya. Hindi nga nagbigay ng rason sayo kung bakit sya nakipaghiwalay. Yung sampung taong pinagsamahan nyo, tinapon na nya ni hindi nya naisip na masasaktan ka sa gagawin nya!" galit na nyang sabi.

"Eh, anong magagawa ko, sya lang talaga ang mahal ko?"

Tanga na kung tanga! I really really love Zac.

Minsan nga, todo antay pa ako ng texts and calls niya kahit alam kong di na mangyayari ang bagay na yun. Umaasa ako na, sana isang araw makuha niya akong kamustahin, kasi kahit papano may pinagsamahan naman kami. Naging magkaibigan naman kami bago pumasok sa ibang level ang relationship namin.

"Wala ka talagang magagawa kung yung mga bagay na ginagawa mo, hindi naman nakakapagpasaya sayo. Pinapaikot mo lang sa kanya ang mundo mo na naihinto na nya. Oo mahirap s'yang kalimutan dahil ⅓ na ng buhay mo kasama mo sya, pero Fab, move on. Gumawa ka ng paraan para sumaya ang sarili mo. Para sumaya ka ulit, hindi yung ganito, hindi yang ganyan lang na lagi nakikita ko sayo." aniya.

Napabuntong hininga nalang uit ako.
"Lyndsey, kahit anong gawin ko 'di ko sya makakalimutan." sabi ko. Dahil marami syang iniwang alaala para alalahanin ko.

"Hindi mo talaga makakalimutan kasi wala kang ginagawa at ayaw mong kalimutan sya. Hindi mo pa kasi sinusubukan."

"Dahil mahal ko nga sya. I'll wait for him because honestly, I don't want anyone else!" sagot ko.

Gusto ko siya lang. Gusto ko, siya lang yung mahal ko. Gusto ko siya yung makasama ko. Wala na akong ibang gusto, kundi sya lang.

Tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan, dahil ayokong maiyak dito.

Umirap lang sya sa akin na animo'y naiinis na.

"See? Gosh Fabieanne! Ang dami-daming larong pwede kang maging tanga sa larong Pag-ibig pa? Pwede naman maging tanga, wag mo namang sulitin." padarag na sabi nito.

"Ang pagiging tanga naman dyan mo malalaman na inlove ka kasi nagpapakatanga ka, at tanggap mo yun." depensa ko.

"Yun nga eh, sa inlove yun hindi para sa tulad mo na broken. Tss." angal nya.

Habang nag-uusap kami ni Lyndsey biglang may kumatok sa  may pintuan at iniluwa nito  ang isang babae na....

"Fabie!" tili nya pagkakitang pagkakita sakin.

Kasunod nito ang tauhan ko sa dito sa shop.
"Ma'am Fabie, sorry po. Nagpupumilit pong pumasok, sabi ko po wala syang appointment e." sabi nito at napakamot ulo.

"It's okay, Brenna. Sige na, balik kana dun."

"Sige po."

Sino ba 'tong babae na ito? Tiningnan ko ang babaeng kakapasok pa, At kung makatili eh wagas... Oh. Wait...s-si C-claire na ba itong nakatayo sa harapan ko?

Nakita ko syang ngumiti sa akin, nakakadala ang ngiti nya. Yung bang, kahit malungkot ka masasabayan mo yung ngiti niya. Kaya ngumiti din ako at pinunasan ko ang luha ko na tumulo kanina.

"Done checking me up?" anito at tili ulit.
"Oh my gosh! I missed you, Fabie. I missed you so damn much." sabi nya sabay yakap ng mahigpit sa akin. Kaya niyakap ko rin sya.

"Namiss din kita, Claire. God, mas gumanda ka pa lalo" naka ngiting kong sabi ng maalalang si Claire nga yun. Ang laki kasi ng pinagbago niya. Although payat sya dati pero may shape, but now, masasabihan mo na talaga na sexy! And I think, bagay sa kanya ang mga baging designs ko.

I really really miss her.

"Kaloka. Ang laki ng pinagbago mo. Uy nga pala Lyndsey, Hello.." baling nya kay Lyndsey at bumeso din.

"Hi, mas gumanda ka lalo ah ang sexy mo pa." sagot naman ni Lyndsey.

"Sus. Di naman, tama lang. Hmm. Onga pala, Lyndsey, Fabie nakalabas na pala si Zac sa hospital? Naaksidente pala yung isang yun di mo naman sinasabi sakin." sunod sunod niyang sabi.

Naikabigla naman namin ni Lyndsey na nahospital pala si Zac?!

Bumilis bigla tibok ng puso ko ng marinig ko ang pangalan nya, parang may nagdadrum sa loob ng puso ko at ganun nalang kabilis.

"H-ha? N-nakalabas ng h-hospital? Na hospital sya?" tanong ko kay Claire.

Nakita ko ang pangungunot ng kanyang noo at pagkalito dahil sa sinabi ko.

"Ha? A-akala ko alam mo kasi.. di ba b-boyfriend mo sya?" takang tanong pabalik ni Claire sa'kin.

"H-hindi n-na. Halos isang taon na din" nauutal kong sagot sa kanya.

Biglang nanikip ang dibdib ko pagkasabi ko nun. Ayaw tanggapin ng sistema ko na ‘hindi na kami’ o ‘wala nang kami’ dahil kakaiba ang reaction ng katawan ko.

"Ow. Im sorry to hear that. N-nawala lang ako, ang dami na din palang nagbago? A-akala ko ikakasal na kayo ni Zac?" alanganin tanong nito.

Akala ko din Claire. I thought he's the one for me na makakasama ko habambuhay. I thought he's the one that keep and cares me for the rest of his life. Pero sa isang iglap lang, nabago ang lahat.

Parang basong nabasag ng di sadya, kita mong buo pa may dumaan lang at nabunggo nabasag na.

PAIN IN MY HEART (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon