Pangatlo

282 10 2
                                    

Kumain lang kaming tatlo at pagkalipas ng isang oras napagpasyahan na naming umalis na.
Hindi ako mapakali, kinakabahan ako na hindi. Ay Ewan di talaga ako mapakali eh.

"Sure ka na ba talaga, Fab? Pwede namang bukas nalang o kaya sa isang araw nalang tayo pumunta" sabi ni Claire.

"No, Claire sure na talaga ako na gusto ko talaga syang makita at makausap" sagot ko nalang.

Gusto ko lang maliwanagan. Gusto ko na din syang makalimutan.

"O sige, basta nandito lang kami ni Lyndsey sa tabi mo. Hindi ka naming iiwan :) " sabi ni Claire.

"Tara na, baka gabihin na tayo." -Lyndsey.

---

Nakadating na kami sa tapat ng bahay nila, nakita ko sya sa may garden may kasamang babae na sa palagay ko ito yung babae na pinalit nya kaya sya nakipag hiwalay na sakin nun.

Nagulat pa sa amin ang pinsan ni Zac ng makita nya kami na nakatayo sa tapat.

"Oh, Fabie. Anong ginagawa nyo dito?" tanong sa akin ni Matt pinsan ni Zac.

"Matt, gusto ko lang sya makita at makausap." sagot ko.

"Hmm...sige pasok kayo"

Habang papalapit kami ng papalapit sa kinauupuan nya, bumibilis lalo kabog ng dibdib ko dahil sa kba.

"M-matt, A-ano bang nangyari s-sa kanya?" tanong ko na galargar na ang Boses ko.

"Naaksidente sya. Pagkagaling nya sa inyo, nabangga ang sasakyan nya ng truck..."

Naalala ko yung gabing nagbreak kami ni Zac, nag makaawa ako sa kanya na wag nya akong iwan. Pero he left me... Iniwanan nya ako na ang daming tanong sa utak ko, iniwanan nya akong wasak.

"Malakas ang impact kaya halos tumilapon ang sasakyan nya... Kaya halos isang taon din sya na coma" paliwanag ni Matt.

Kinagat ko ang labi ko para napigilan ang emosyon ko.
Nang makalapit na kami ay tinawag ko si Zac.

"Z-zac..." nauutal kong tawag sa kanya.

Lumingon sya..yung tingin nya ibang iba, kesa sa dati parang.... parang hindi na nya ako kilala.

"P-pwede ko ba s-syang makausap?" sabi ko sabay tingin ko kay Matt.

"Sure" -Matt.

"Pero d---" naputol sasabihin nung babae ng magsalita ulit si Matt.

"Hayaan mo na Dianne. Tara na muna sa loob, hayaan natin sila makapag-usap...and besides may naaalala na naman sya kahit papaano." -Matt

~~~~•••

"Z-zac" basag ang boses na tawag ko sa kanya.

"Anong kailangan mo?" tanong nya.

Lalo lang akong kinabahan sa tono ng pananalita nya.

"K-kamusta ka na?" pinilit kong maging buo ang boses ko pero hindi ko nagawa.

"Maayos na naman" sagot nya sa malamig na tono.

"Ma-mabuti naman at maayos ka na." sabi ko sa kanya.

Hindi sya nagsasalita, tahimik nya lang akong tinititigan. Feeling ko tuloy unti-unting lumalambot ang tuhod ko dahil sa titig nya sa akin.

PAIN IN MY HEART (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon