Written By SellaJ
All Rights Reserved 2016 ©
-----
6 Years Ago.."Bwahaha! Talo ka na naman!"
"Tsk chamba ka lang! Tara rematch!"
Hayy nag-aaway na naman sila
"Game!"
Bigla silang tumakbo palayo, teka! Iiwan nila ako.
"Wait, wag nyo-- Aahh!!" napangiwi ako sa sakit ng tuhod ko dulot ng pagkakadapa ko. Nagdudugo 'yon at para na kong maiiyak, lalo pa't tuluyan na nila akong iniwan..
HAbang busy ako sa pag iyak may kamay na naglean sa harap ko.
"Tsk bakit kasi tumatakbo ka? Ayan tuloy.." tinulungan nya kong tumayo
"Ok ka lang ba? Tsk nagdudugo. Masakit pa ba?" umiling ako sa tanong nya.. Tingin ko. Ok na ko.
Ngumiti sya at inalalayan ako."Ayos. Ang galing mo naman. Tara sabay na tayong pumunta sa kanila. Aalalayan kita.." pinat nya ang ulo ko at habang nakangiti.. HAwak kamay kaming naglakad para habulin sila..
Dug.Dug..
**
*Kriiiing!*
Napaupo ako sa lakas ng alrm clock! Tae naman! Pinatay ko agad yun at bumalik sa pagkakahiga. Ang sarap sarap ng tulog ko----
"CLARA!! BUMANGON KA NA DYAN AT MAY PASOK KA PA!" muli akong napabangon. This time talagang nagising ang diwa ko. Tsk mas malakas parin ang bunganga ni mama kaysa sa alarm ko ╥﹏╥
"Opo Ma' "
Matapos kong ayusin ang kama ko dumiretao ako ng banyo para sa morning ritual ko. After nun bumaba na ko para magbreakfast. Naabutan ko pa si mama at papa na naglalambingan. Haist!
"EHEM." sabay pa silang napalingon sakin. Mabilis silang naghiwalay. Haha parang teenager talaga ヾ(¯∇ ̄๑)
Nang matapos akong magbreakfast nagpaalam na ko kila mama at papa. For sure pag alis ko balik lambingan na naman yun haha.
Hayy ang ganda ng araw ngayon~ ang sarap kumanta habang naglalakad (*'▽'*)♪
Nang makalabas ako ng apartment nakita ko agad sila."Goodmorning!!" sabay silang napalingon sakin.
"Ang tagal mo naman." sabi ni Lyle. tsk grabe!
"Sorry okay!"
"Mga babae nga naman!" aba pinaparingan nya ba ko!?
Padabog akong lumapit sa kanya sabay binatukan ko. Mwahaha ano ka ngayon!?
"Aray! Ikaw na nga nalate ikaw pa nananakit!?" binelatan ko lang sya. Hmmp! Di nya masisira araw ko!
"*Yawn* tama na yan. Tara na.." sya naman si Kyle. Nauna syang naglakad. Kami naman nitong mokong na to sumunod na sa kanya.
Si Lyle At Kyle, magkapatid sila. Matanda si Kyle ng isang taon kay Lyle.
Nang makarating kami ng school. Narinig ko na naman yung mga tilian at bulungan ng mga ka schoolmate ko.
'Ang gwapo talaga ni Lyle!!'
'Sinabi mo pa!'
'Ghad~ ang cute ni Kyle'
'Waah kahit mukha syang bagong gising ang hot parin!!'Ayan at marami pa iba! Grr. Di ba sila nagsasawa? O kaya napapagod? Araw araw ganyan? Buti nakakapagrecite at report pa sila sa nga teacher nila after nito?.
BINABASA MO ANG
Mischievous Wink (On Going)
RomanceWarning! Warning! Theft is common beware of my CHILDHOOD FRIENDS Wag silang tititigan o titingnan man lang. Dahil sa oras na mahuli ka nila. Your heart will be captured by their... Mischievous Wink!