"Hayyy.."
"Oh Clara. Panglabing isa mo nang buntong hininga yan ah?"
Napalingon ako kay Greg. Tama sya. Pero teka! Bilang nya? Ayos ah!  ̄へ ̄"Bilang mo pala? Wow ha? Hmmm.. Wala lang to may iniisip lang ako.."
"Ahh! Haha oo eh, nakakapagtaka lang kasi. Ano bang iniisip mo? At aba! Hindi porket libre ang pagbuntong hininga minamaya't mayao mo na!" natatawa nyang sabi. Tingnan mo to! Sarap kutusan eh!
"Wala! Tsaka grabe ka ha!" tumawa na naman sya. Psh. Naiisip ko kasi yung sinabi nung mga ka schoolmate ko.. Actually di sya maalis sa isip ko. Kahapon nya occupied yung utak ko kaya di ko masyadong naintindihan yung lesson kaya ayan! Di ko alam ang isasagot sa assignment ko! Bahala na. Mangungopya nalang ako kila Sandy! ╥﹏╥
Nandito kami ngayon sa labas ng apartment namin. Inaantay namin sila Kyle. Napaaga pala ko. Well ok na yun, atleast di ako tatarayan ni Lyle. Speaking of Lyle. Kahapon nung pauwi kami parang occupied din sya eh.
*FlashBack*
Papunta ako ngayon sa may gate ng school. Uwian na kasi. Siguro nandun na yung tatlo.
Nung malapit na ko. Di nga ako nagkamali at natanaw ko sila. Pagdating ko kakaiba yung ngiti ni Greg. Hm? Ano meron?"Oh musta pag-aaral?"- Kyle. Wow ha? Bata ang peg? Nag thumbs up lang ako pero sa totoo lang di ok dahil buong klase occupied yung utak ko.
"Tsk tara na."-Lyle. Nauna syang naglakad. Pero napahinto din sya nung biglang nagsalita si Greg.
"Oh Lyle? Di mo ba pagagalitan si Clara? Late sya oh?"
Oo nga noh? Dapat pinapagalitan nya ko. Nakakapanibago ata. Biglang napalingon si Lyle samin, ang sama ng tingin nya kay Greg. Si Greg naman biglang tumawa? Anyare?
Tiningnan ko si Kyle. Yung tingin na nagtatanong. Pero nagkibit balikat lang sya.Buong lakad namin pauwi tahimik si Lyle. Di ko nga alam kung bakit. Tapos si Greg makangiti wagas, minsan tinitingnan sya ng masama ni Lyle. Teka! Ano bang nangyayari?
*End Of Flashback*
Gusto ko man itanong pero di ko na binalak. Baka kasi biglang magbago yung ihip ng hangin. Mas maganda na yung ganun kasi hindi nya ko pinapagalitan! BWAHAHAHA ヽ('∀`)ノ
"GoodMorning."-Kyle. Oh speaking of them.
"Morning." sabay naming bati ni Greg. Pero bigla na naman lumitaw yung maloko nyang ngiti. Tiningnan ko si Lyle ang sama na naman ng tingin kay Greg. Sabi na may problema eh! Ano kaya yun!? May alam kaya si Kyle. Tsk nacucurious na ko!!!
Pero nagulat nalang ako nung bigla akong inakbayan ni Greg.
"Hoy ano yan!?" pagturo ko sa braso nyang nakaakbay sakin.
"Wala naman. Gusto lang kitang akbayan." he's wearing his jerk smile while saying those words. Upakan ko kaya to!? (๑-﹏-๑)
Bigla namang hinila ni Lyle si Kyle paalis kaya nauna sila samin. Pero bigla din akong hinila ni Greg papunta sa kanila. Footspa!
"Clara? May tatanong ako sayo.." nakangiting sabi nya. Ang lakas pa ng pagkakasabi nya kaya napatingin yung dalawa samin.
"Ano yun?" muli syang ngumiti ng nakakaloko. Then tumingin sya kay Lyle.
"Itatanong ko lang sana.. Kung may nagugustuhan ka na ba?" nagulat naman ako sa tanong nya. Anong trip nito!? Di pa ko nakakasagot nagtanong na naman sya
"May mga lumalapit ba sayo? Yung parang kumukuha ng number mo or nagpapakilala?" tinaasan ko sya ng kilay? Say what? Abnormal talaga to.
Inisip ko yung sagot sa tanong nya. Hmmm.. Gusto?
BINABASA MO ANG
Mischievous Wink (On Going)
RomansaWarning! Warning! Theft is common beware of my CHILDHOOD FRIENDS Wag silang tititigan o titingnan man lang. Dahil sa oras na mahuli ka nila. Your heart will be captured by their... Mischievous Wink!