CHAPTER ONE : THE COMEBACK

19 1 2
                                    


"Hoy! Magsitigil nga kayo! Mga lecheng 'to!" sigaw ng president ng classroom namin, si Ivy. Paano ba naman kase kung mag-usap 'tong mga kaklase namin parang laging may giyera. 

"Be? nagugutom na ko, di pa ba pwedeng lumabas?" biglang ani sakin ng isa sa mga kaibigan kong si Dharla. Pagtapos kase nitong subject na ito ay lunch na. Wala naman kaming teacher ngayon eh kaya hayahay yung mga kaklase ko. 

"30 minutes pa be. Tiis-tiis pa. Samahan mo muna ako sa c.r" syang sagot ko sa kanya 

"Ivyy! C.r lang kami ha?!" sigaw nya kay Ivy. Tanging tango lamang nito ang natanggap namin. Kaya lumabas na kami.

--

Sa C.R

"Ano nang sunod nating plano? Paano na sila Kate ngayon?" sabi ng isang babae sa labas nasa loob kase kami ng cubicle. Tinext ko si Dharla na wag muna lumabas, siguro naintindihan  nya na agad kung bakit. Pamilyar sakin ang boses na yun. 

" Chill ka lang. Babalik na sila mamaya. Okay? I'm sure successful yan." sabi pa ng isa, teka hindi ba si-- Larisa yun? At yung nauna si-- Mhay? Kung di ako nagkakamali. Nang wala na kaming narinig ay tinext ko na ulit si Dharla para lumabas. 

"Sooo? Sila nga yun? O tamang hinala lang tayo?" sabi nya sakin nang makabalik kami sa upuan namin. 

"Siguro? Wala namang may ibang boses na ganun kundi sila diba? Pero anong plano yung sinasabi nila?" ani ko sa kanya.

"Aba! Malay natin dun! Oh sya! Kumain muna tayo! Kanina pa ako nagugutom." sagot nya sakin at nagsimula na kaming kumain, tutal lunch time na at mukhang nasa labas sina Larisa at Mhay. Kasabay namin kumain si Nengs, ewan ko ba dyan, parang tanga wala daw syang ganang kumain. 

"Hoy! Alexandra! Ano bang problema mo at ayaw mong galawin yang pagkain mo ha?" angil ko sa kanya. 

"Wala parang nawalan ako ng gana. Masigla naman ako kanina pero simula nung narinig ko na babalik na sila, nawalan na ko ng gana." sagot nya. "Kinabahan kasi ako bigla." dagdag pa nya.

"Ha? Sinong sya? Sorry ha? Alam nyo naman-- ay teka, kanino mo narinig?" sabi ni Dharla

"Dyan kila Cassie, Zoila basta dyan sa kanila" sagot ni Nenya

"Siguro parehong mga tao lang ang tinutukoy nila Larisa at Cassie no?" sabi ko 

"HEYYY! ANONG PINAGUUSAPAN NYOOO?!" dating bigla ni Daniel kasama si Kate

"Wala. Mind your own business. HAHAHAHA joke labyu" sabi ni Dharla kay Daniel

"Kate..." tawag ko sa kanya 

"Alam mo naman siguro na babalik na sila diba? Kate.. mag-ingat ka." dagdag ko na alam kong nagpakaba sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo? Oo alam kong babalik na yung mga asungot natin dito pero bakit kailangan kong mag-ingat?" sabi nya

"BASTA SUMUNOD KA NALANG!" pasigaw na sabi ni Nina,

na syang pagkalabog na malakas ng pinto namin at sigawan ng iba pa naming mga kaklase. 

Tama nga ang hinala ko.. dumating na sila. Oo SILA. 

---

Sila ang Seventh Power. Oo alam ko ang inisip niyo, na parang ang jeje pakinggan? Hahahaha. Kahit kami nagulat pero wala kaming magagawa. Sila ang hari-hari sa lecheng klase na to. At siguro nagtataka kayo kung bakit sinasabi naming bumalik na sila? Eto ...

*FLASHBACK 4 MONTHS AGO* 

"Mr. Lawan, ano bang problema nyo sa lalaking iyon at naisipan nyong takutin at bugbugin ha?!" sigaw sa kanila ni Mrs. Dela Hendi, guidance councilor namin.

"Wala, trip lang namin. HAHAHAHAHA" sagot naman ni Joshua 

"Trip nyo? Anong laman ng ulo ninyo at ganyan kayo?!" sabi ulit ni Mrs. Dela Hendi

"Malamang dugo, laman, ugat. Tanga lang?" ani ni Ronniel 

"Aba! Sumasagot pa kayo?!" -Mrs. Dela Hendi

"Syempre nagtatanong ka. Beastmode na ko!" ani ni Lee

"Ano ba? Kung sususpendihin nyo kami gawin nyo na. Maglo-LOL pa kami!" angil ni Dwight 

"Kaya nga. May laro kami mamaya. Ang tagal nyo PO." sabi naman ni Elly Mhar

"Mga wala talaga kayong galang! " angil ni Mrs. Dela Hendi

"Alam ho namin. Kaya kung pwede lang gawin nyo na ang dapat nyong gawin. Sayang lang sa oras to." sabi ni Edmon 

"Hindi pa ho ba kayo nasanay na ganito kami? Ilang beses nyo na kaming tinatanong nyan ah, mga 32 times na ho. Hindi ba kayo napapagod? At hindi pa ba ninyo memorya nag mga sinasagot namin kaya  paulit-ulit kayong nagtatanong?! Nakakabobo kaya! Bwiset!" nagsalita na si Enrick.

"Oh sya sige. Kung yan lang din naman ang gusto ninyo. Ayaw nyo pumasok? Mga ilang buwan?" -Mrs. Dela Hendi

"3 buwan?" lahat sila. 

"Okay. The seven of you will be under suspension for the next three (3) months. And will come back after the last week of the said month. No worries, Mr. kaya namin kayo papabalikin ay dahil mga magulang ninyo ang nagpapatakbo ng eskwelahan. All papers are now settled. You may now leave." Mrs. Dela Hendi

"OO NA OO NA. DAMI PANG SINASABI. BYEEEEE!" sigaw ni Elly Mhar at Joshua 

At tuluyan na silang umalis sa eskwelahan.

*END OF FLASHBACK*

*Back to Reality *

Hayyyy nagbalik na ang Seventh Power. Siguradong simula nanaman ng bagong kabanata ng aming istorya sa mala-impyerno namin klase. 






OBEY OR DIE ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon