Dear Bias,Hi, andito na naman ako. Kumakatok, kahit alam kong hindi mo ko pagbubuksan ng pinto. Eh bakit mo nga naman bubuksan eh hindi mo ko kilala diba? Ni hindi mo nga ata alam na nag-eexist ako. Naisip ko lang na, lakas ko pala mangarap. Parang pilit kong inaabot yung langit. Masyado kang malayo...
If you would ask me kung nasasaktan ba ako, I'd probably answer no. Kahit kabaligtaran 'nun yung nararamdaman ko. Kasi ayaw kong mag-alala ka. Napanood ko yung mga fan service mo. Na-imagine ko, paano kung ako yung nandun? Magiging ganun ka rin kaya ka-caring? Syempre, oo. Trabaho niyo 'yun eh. Pero sana, gawin mo 'yun dahil gusto mo.
Alam kong may mabuti kang puso. Kaya nga kita nagustuhan eh. Kaya wala rin akong karapatang magalit sa'yo. Kahit magmahal ka ng iba. Kahit sinong artist pa 'yan. Kahit na makita ko yung sparks sa mata mo sa tuwing tinitignan mo siya. Yung mga ngiti at tawa mo kapag kausap mo siya. Yung ngiting sa kanya mo lang binibigay.
Aaminin ko, sa una, magagalit ako, magmumukmok, kasi sobrang sakit kaya 'non. Pero diba, kapag masaya ka, masaya na rin ako. Lahat ng mahal mo, mahal ko rin.
Everyone is a fan of someone. Why will I even stop you?
But please, don't fall too hard. I don't want you broke. Baka kasi hindi ko kayanin... I care for you. Kahit hindi mo alam. Kahit hindi mo ramdam. Ayaw kong masaktan ka, ayaw kong makita kang umiiyak, o nalulungkot man lang. Kasi doble yung sakit sa'kin. I feel so worthless. Kasi wala akong magawa para i-comfort ka.
Kaya bias, sana, kapag nagmahal ka, yung kaya kang alagaan. Yung mamahalin ka ng sobra... Yung hindi ka hahayaang maghintay sa wala... Yung taong sasamahan ka sa mga concerts and fanmeets mo, susuportahan ka sa lahat ng bagay... Pero syempre naiisip ko rin na sana...
.
.
.
.
.
.
.
Sana ako na lang.
Love,
Fangirl