Dear bias,
Una sa lahat, congratulations! Nabalitaan ko kasi na sunod sunod daw yung panalo niyo. Hindi ko ma-explain kung gaano ako kasaya nung nalaman ko yun.
Kasi, finally! Nagbunga lahat ng pinaghirapan niyo. Lahat ng pinagpawisan at pinagpuyatan niyo.
Alam kong doble o baka triple pa ng saya na nararamdaman ko yung saya niyo ngayon. You deserve it! Hindi naman kayo nagpa easy easy lang. Alam ko, at alam ng lahat na ginawa niyo lahat para maipanalo to.
Para mai-share sa iba yung music niyo, yung talent. And I really appreciate it. Yung mga sacrifices niyo.... Yung kung paanong halos iwan niyo na yung personal na buhay niyo para lang mapasaya yung mga fans.
Alam kong mahirap para sa inyo... Kasi kami masaya, pero paano naman kayo? Although alam ko naman na masaya kayo sa ginagawa niyo pero iba pa rin syempre yung saya na dala ng family...
Alam ko mahirap kasi malayo yung parents niyo, na hindi nila magawang sumunod at bumyahe anywhere o kung saan man kayo magperform.
Alam kong gusto niyo na makita silang proud na proud habang nagpeperform kayo sa bigger crowd.
Kasi finally, natupad yung mga pangarap niyo. And syempre sa part nila, sinacrifice din nila yung time na pwede nila kayong makasama para mapursue niyo yung mga pangarap niyo.
Alam kong mahirap... Masakit... Nakakalungkot... Pero lahat magiging worth it. Wag ka malungkot ha? Nanalo kayo, sunod sunod pa. You should celebrate :)
Love,
Fangirl.