Paano ko nga ba mailalarawan ang babaeng pinakamamahal ko simula pa noong ako’y sampong taon pa lang.. na gusto ko kong paano niya ako pagtawanan sa tuwing ako’y makagagawa ng pagkakamali, kung paano siya ma-badtrip sa walang kwentang bagay at kahit na kung paano siya umiyak sa isang simpleng late night show.
Siya ang matalik kong kaibigan at kilala ko na siya simula nang kami’y maliliit pa. Alam niya lahat nang aking sekreto at gayon din siya sa akin. Mahal ko siya hindi lamang dahil maganda siya at matalino kundi pati kung paano niya pagtawanan ang lahat ng bagay at kung paano niya tingnan ang buhay ng may pagmamahal.
Natatandaan ko pa noong unang pagkakataon na kami’y nagkakilala, limang taon pa lang ako noon.
Isang maaliwalas at mahanging hapon at wala akong makalaro. Ang kaisa isa kong kaibigang si Troy ay lumipat ng tirahan sa kabilang bayan dahil na Promote ang kanyang Tatay. Umakyat ako sa aming tree house at doon ay napansin ko ang isang malaking truck na paparating kasunod ang isang kotse. Tumigil iyon sa isang bakanteng bahay sa tapat namin at doon ay bumaba ang isang pamilya. Ilalayo ko na sana ang aking tingin ng biglang lumabas ang isang magandang babae para sa aking paningin. Limang taon pa lang din siya noon subalit kahit sa ganong edad ay maganda na siya. Mahaba ang kulot niyang buhok na umaabot hanggang sa bewang. Maputi siya at mapungay ang mga matang mahahaba ang mga pilik mata.
Patuloy ko silang pinagmamasdan ng biglang napatingin siya sa aming tree house at nakita niya akong nakatingin sa kanya. Magtatago na sana ako ng bigla siyang ngumiti at kumaway. Gumanti ako ng kaway at nagulat nang bigla siyang tumakbo patungo sa aming tree house. Kaya naman tinungo ko ang hagdanan at sinabi.
“Gusto mo umakyat?”
sumagot siya ng.. “Pwede?”
Tinulungan ko siyang umakyat at nang marating niya ang itaas ay tumingin siya sa akin sabay sabi nang
“Ako si Sam. Ano pangalan mo?”
Sumagot ako at ngumiti siya at sinabing
“Gusto ko ang pangalan mo..” sabi niya at nilingon ang loob ng tree house at sinabing “Ang linis naman nitong Tree House mo.”
Sumagot ako ng "Salamat! Ginawa ko ito para tambayan namin ni Troy, dito kami naglalaro, madalas din kami mag bike, siya ang best friend ko kaso lumipat na sila ng tirahan.”
YOU ARE READING
Send My Love To Heaven
Short StoryWhat can I say about a girl I loved since I was ten... that I love the way she laughs at me when I commit mistakes, the way she fusses over silly things and even the way she cries over some sad silly late night show... by Karen Tuazon - Regala Kind...