Prologue

66 2 0
                                    

"Is it true?"

Masayang tanong niya sakin habang nakangiti. Hindi ko alam kung paano uulitin ang sagot ko sa kanya kanina dahil nagsisimula na si Mrs. Monteverde sa kanyang klase sa amin.

"Uhmm.." Tango nalang ang ibinigay ko sa kanya sa takot na mahuli kaming nag-uusap.

"YES!!!!! Thank you, thank you, thank you so much" sigaw niya.

Ang sigaw na umagaw ng pansin sa lahat ng nasa loob ng classroom namin.

"What's that Mr. Manzanares, Ms. Fortalejo?! Do you want to shout? then get out of my classroom!" Galit na galit ding sigaw ni Mrs. Monteverde.

"Sorry po, Ma'am" hinging paumanhin ko sa guro.

"Ikaw kasi tumahimik ka nga" sabi ko sa kanya na may kasamang masamang tingin.

"I'm sorry okay? It's just that I'm very happy." masayang bulong niya sa tenga ko.

Napalayo ako ng kunti dahil nakaramadam ako ng kiliti sa ginawa niya.

Ngiti nalang ang naisagot ko sa takot na baka palabasin kami ng aming guro sa English.

"Finally, finally, finally" paulit ulit niyang bulong habang nakangiti hanggang sa matapos ang klase namin.

And that's the word that I hate to hear from him "Finally".

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon