Chapter 2

9 0 0
                                    

Slight

I wear my new gray box pleated skirt and a pink sleeveless floral top for my first day. Nalate ako ng gising dahil late na din ako natulog. Buti nalang pinasok ako ni Yaya Emy sa kwarto ng hindi nya ako napansing bumaba ng maaga para maghanda.

Hinatid ako ni Kuya Gaston sa school. Hatid sundo na ako sa school kapag pasukan dahil sa "No Scooter Allowed Policy" ni Mommy during School days.

Dumaan muna ako sa Principal's office para kunin ang schedule ko kay Mrs. Malvar bago pumunta ng room kung saan ako kabilang.

Lakad takbo ang ginawa ko dahil alam kung sobrang late na ako. Thanks God at naka flat sandals ako ngayon.

"Damn it, mag ingat naman oh! " Bigla kung sabi dahil nabangga ako ng lalaking tingin ng tingin sa kung saan.

Tiningnan lang ako ng lalaki mula ulo hanggang paa sabay talikod na parang walang nangyari at pumasok sa isa sa mga classroom kung saan doon din ang room ko.

Bastos, akala mo naman gwapo tsk! At wow huh, magiging classmate ko pa ata . Bulong ko sa sarili.

Pumasok ako sa room at hindi na ako nagtaka kung lahat sila napatingin sakin.
Walang pasabing umupo ako sa gitna ng kambal.

"Ay paksyet! Sky girl ba't ka nandito? Bawal sit in dito" gulat na sigaw ni Faith na bagong rebond ang buhok sabay beso sa akin.

"Sky, baby girl alam namin na namimiss mo na kami kaya ka andito. Come baby, hug ka ni mommy" pang aasar ni Hope sakin at yumakap nga talaga.

Inirapan ko silang dalawa at hinayaang asarin nalang ako. Pero tama naman talaga si Hope na nakakamiss nga talaga ang malayo sa mga best friends mo.

"S, okay na ba mga papers mo? Nasabi na sakin ni Ninang kagabi. Kaya pala gulat na gulat ka kahapon nang sinabi ni Hope na bukas na ang pasukan" tanong ni Star na abala sa pagtusok ng siomai niya. Seriously?! May baon pa talaga siomai tong babaeng to?

Hindi pa ako nakakasagot ng bigla nalang ako yakapin at pinanggigilan ng kambal dahil sa narinig nila.

"My god girl totoo?! Shit! Shit! I Love you na!" Sabay na sabi ng dalawa na parang may epilepsy sa sobrang excited.

Dahil sa sigaw ng kambal mas lalo kaming naka agaw pansin sa iba naming kaklase. Ang iba, kilala ko na kasi ka kaklase ko sila noong elementary. Ang iba naman ngayon ko lang nakita.

"Hi Sky! Beautiful as ever huh? " Bati ng ilang kakilala kong lalaki at ang iba naman ay kinindatan ako.

Natawa nalang ako sa ginawa nila. Sanay na din naman ako sa kanila dahil ganyan na talaga sila.

Hindi sinasadyang
Napatingin ako sa lalaking nakabanggaan ko kanina na nakatingin din pala sakin.

Nag iwas ako ng tingin at ibinalik nalang ang atensyon sa mga kaibigan ko.

Pumasok ang isang lalaking na may dalang libro at tumayo sa harap ng klase. Tumahimik kami nang nagsimulang na siyang magsulat sa white board ng "Mr. Ambert Jack Montes".

Kinilig ang dalawa kong katabi sa aming guro.
"Gosh girls ang sarap tanungingm ni Sir nang  Hi Jack pwedeng pa Suck ? "  bulong ni Faith na ikinatawa naming apat. Pag nagsama sama talaga kaming apat wala talagang matinong topic.

Napatingin samin si Mr. Montes at ngumiti.
"Good morning class, so I'm Ambert Jack Montez, 20 years old. I'm your Math teacher, as well as ang magiging Adviser nyo for this year."

"Okey let's start, stand up when I call your name"

Sinimulan na niyang basahin ang mga pangalan namin sa class cards. Hinihintay nalang namin na tawagin niya kami para tumayo para makilala.

"Dela Monte, Hailey Faith B."
"Dela Monte, Pailey Hope B."

Sabay na tumayo ang kambal at tinaas ang kamay.

"Espiritu Santo, Hesus Abraham I."
Natawa kaming apat sa pangalan ng kinakapatid ni Star. Unique talaga ang pangalan ni Hesus kagaya din ni Star. Kaklase na namin siya simula pa Prep.

"Fortalejo, Serenity Skylar N."

Tumayo ako at nakangiting tumingin kay Mr. Montes.

"Are you related to Holme Haustin Fortalejo? "

"Yes Sir, He's my brother"

"I see"

Umupo na ako na nakinig sa pagdadaldal ng tatlo.Tungkol na naman sa bagong crush ni Faith na nakita n'ya daw sa Facebook.

Tumahamihik sila at napalingon  nang banggitin ni Mr. Montes ang lalaking nakabanggaan ko kanina.

"Manzanares, Rivo Chumier C."

Tumayo siya at tumingin sa akin. Tumaas ang isang kilay ko sa ginawa n'ya.

"Kath, gosh ikaw talaga ang tinitingnan n'yan kanina pa. I guess crush ka n'ya" kinikilig na sabi ng isang babae sa kaibigan n'ya na naka pwesto sa likuran ko.

Mas lalong tumaas ang kilay ko sa narinig ko. Umupo ako ng maayos  saka nilabas ang cellphone ko at nag laro.

"Kapatid yan ni Ate Riva diba? Bakit kaya s'ya dito nag aral at hindi sa Mt. Valley o di kaya sa Manila? " tanong ni Star kay Hope.

Kilala ko Si Riva Angeline Manzanares dahil siya ang nanalong Ms. Mt. Valley noong nakaraang taon kung saan sumayaw ako kasama ang dance troop namin sa contest na yun.

"Who cares? Type mo Star?" Natatawang sagot ni Hope.

Napalingon ako sa tanong ni Hope at nag abang sa sagot ni Star.

"Hoy! Hindi ah, One man woman to no!" Galit na sagot ni Star.

"Walang Ningning, Bituin Cerine S." 

"Sir Present"  mabilis na sagot ni Star.

"Ang pangit ng pangalan mo Bituin!" sigaw ni Hesus na tumatawa.

"Go to hell, Idiot!" Singhal ni Star kay Abi.

Natawa ako sa asaran ng dalawa na alam kong walang katapusan.

Whole day ang klase namin kaya naman bored na bored ako. Kung hindi lang sa mga katabi ko na parang hindo nauubusan ng chismis ay baka naka tulog na ako. I'm the type of girl who doesn't actively participate in the class discussion unless it's very necessary. Mas gusto ko na mag self study kasi mas doon ako na natututo.

"S, may sundo ka?" Tanong ni Star habang papalabas na kami ng classroom.
"Yup, sasabay ka Star?"
"Nope, may sundo din ako"

Naglakad kami apat hanggang sa parking lot. Nauna na ang ibang estudyante ss paglalakad at kami ang pinakahuli. Nag iinarte na naman kasi ang isa sa kambal at ayaw makipag siksikan palabas ng hallway.

Pagdating namin doon, napatingin ako sa puting sasakyan na katabi ng sa namin. Nakatayo sa tabi ng pinto ng sasakyan ang bastos na lalaking kinaiinisan ko na parang may inaantay.

Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at pumasok sa aming sasakyan. Tumingin ulit ako sa kanya at nagulat ako ng makita long nakatingin din siya sa sakin.

Tinaasan ko siya ng kilay at nagsimula nang umalis ang kotse namin.

Chura niya akala niya naman gwapo tsk! pero gwapo nga slight!













Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon