I buried my face in my pillow. Nakaramdam ako nang hiya sa sarili ko. Pinaasa ko ang sarili kong puso. Para akong bumagsak galing sa cloud nine na dinalhan nang pafall na Clifford Monreal na 'yon!
Urgh!
I felt so betrayed by my own expectations. That's why they wanted to get my damn permission?
Pinukpok ko ang unan ko.
Why so dense Chloe? I don't think I still have the face to see them.
Napabalikwas galing sa pagkahiga nang nagtumunog ang cellphone ko. I looked at the caller and saw Phillip on the screen. Hah! Talagang humanap ng paraan ang dalawa."Yes, Phil?" I answered him kahit alam kong si Niña ang tumatawag gamit ang phone niya.
"Hoy! Asan ka na?" sigaw nang biritirang sarap sakalin
"Kakahulog lang galing cloud nine." walang ganang sagot ko sa kanya.
"What?"
Parang napicture out ko ang mukha niyang nakadilat pati ilong. Ako pa 'tong pinaasa niyo tapos gaganituhin niyo ko? To hell with that. Pagbabayaran niyo to!
"Nahihilo na ako. I need to sleep." Sabi ko at bibabaan ko na siya baka maunahan pa.
I wonder what will I do if ever our path will cross tomorrow. Should I act casually?
O di ko nalang papansinin?
I will sleep on it. Ginulo ko ang buhok ko. Langya! Parang hirap na hirap ako nito ah? Ako pa nga ang napahiya, ako pa ang nagpoproblema ng dapat gawin? Ang saklap ha? Ayoko nang isipin pa! Bahala na si Simsimi.KINABUKASAN
I woke up late. Kasi naman ayaw pumikit ng mga mata ko! Tamad akong bumangon at pumasok sa banyo. Nagmamadali akong maligo at ginawa ang daily rituals ko. Pagkalabas ko ng bahay. I said to myself na hindi na dapat magpapaapekto pa. Ganon lang tas parang Good Friday 'tong mukha ko? No way! Hindi ako ganoon ka babaw.
Few minutes later nasa gate na ako ng school.
"Why aren't you answering my calls?" salubong ni Phillip sa akin.
"I woke up late. I don't have the time to pick it up."
Paliwanag ko sa kanya at nilagpasan siya ngunit hinawakan niya ako sa balikat at hinarap sa kanya.Ang sakit ng ulo ko pinasakit pa lalo.
"You okay?"
He really sounded so worried. I smiled and faced him.
This cousin of mine knows me so well."No."
I told him the truth. What's the point of lying? He knows every thing about me.
"Can I take you home then?"
I shooked my head.
"I will be okay, insan."
Tumango siya at pinagmasdan ang bawat kilos ko. I hate it when in just one look he will know if I am okay or not. I hate it when he can tell the reason behind my frowns.
Inakbayan ko siya at nang hihinto na siya sa pagkilatis sa akin."Where's Niña?"
He didn't bother to answer me.Tss. I forgot he also knew how well I can change topics.
"Baka gusto mong sumagot?"
Still no response.
"Ano ba? Where is she? Can you atleast tell me whe-----"
"Why should I know?" putol niya sa sinabi ko.
Ang pikon naman ng kumag na 'to!
"Go to your classroom. Aalis na rin ako."
Hinatid niya ako sa classroom at bahagyang tinulak pa!What's wrong with that grumpy?
Pumasok na ako at umupo sa pinakaunahan ng mga upuan. Wala pang tao dito. Parang napaaga ata ako.
Most punctual.
Dumadaosdos ako at hiniga ang ulo ko sa likod ng upuan at tumingala sa kisame.It's the time to daydream, I guess.
Ilang minuto na ang lumipas pero mag-isa pa rin ako dito. Masyado ba akong maaga?
In the middle of my daydreaming may narinig akong mahinang sutsot. Ginalaw ko ang mga eyeballs ko. Anak ng. Ito na nga bang sinasabi nilang may kaluluwang ligaw dito. Lalong lumakas ang ingay at napaayos ako ng upo.
Mabilis kong nilingon ang pintuan at lumuwa ang mga mata ko nang makita kung sino ang nandoon.What the hell is he doing here?
He smiled and waved at me
Tss. Feeling close.
Dali-dali kong inilabas ang cellphone ko at nagkunwaring may tumawag.
"Hello?" kunwaring sabi ko sa imaginary caller ko. Nilingon ko siya at sinenyasan na may kausapin lang ako. Pero mas nagulat ako sa ginawa niya. Tumango siya at umupo sa malapit sa pintuan.
Naku! Pinapahirapan pa ako!
"Why did you call?" sigaw ko sa phone
Parang tanga kong kinausap ang sarili ko. I rolled my eyes and waited on my imaginary caller's answer nang may naalala ako.
HINDI NAKASILENT ANG PHONE KO!
Juskopo! Nataranta akong hinagilap ang silent mode. Pagkatapos kong siniset agad agad ding may tumatawag!
Pano na lang kung hindi ko nasilent?
Bumuntong hinga muna ako bago ko sinagot ang tawag.Ha! That was so damn close.
Mas lalo akong kinabahan nang napansin ko ang titig niya sa likod ko.
Alam kaya niya?
Oh well this is great."Oh?" bungad ko sa kabilang linya
Muntik na nga 'yon! Mamaya ka sa'kin!
"Where the hell are you?"
Inilayo ko ang cellphone ko sa aking tenga.Ang sakit! Letse!
"I'm here at------
"Pumunta ka dito sa Music Room! Ngayon na!"
At demanding pa! Double curse. Letseng letse!
Ano bang problema ng mga tao ngayon? Ba't ayaw nila akong patapusin magsalita? Walang modo!Hindi ko na siya sinagot at binabaan na. Aalis na sana ako napansin kong andito pa rin siya. Talaga bang hinintay niya akong mapahiya?
Nilapitan ko siya at pormal na nagpaalam.
"I have to go."
Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya.
Anong problema nito?"Where?"
At talagang di napigilang magtanong?
Tch! Bakit sasama ka? Ihahatid mo na naman ako sa cloud nine tapos iiwan ulit?"Music Room. They're waiting for me. I have to go." paalam ko sa kanya bago ko tuluyang nilagpasan
"Do you mind if I'll come with you?" dinig kong sambit niya pero hindi ko na siya liningon.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglakad paalis sa tinatayuan niya.I thought this small stupid favor is already done! Hindi pa ba 'to tapos?
I dialed Niña's number and on the third ring she answered.
This time may kausap na talaga ako."Which room?"
I asked her after hearing her sighs"Music Room 2."
"Okay. Papunta na ako."