Part 7

23 3 0
                                    

Nagmamadali akong bumaba sa hagdan papalayo sa Music Room. Ayaw ko nang magmukhang tanga sa harap niya. Isang hakbang nalang paalis sa floor na iyon nang natalisod ako at lumalagapak sa sahig. Oo nga pala, this is the reality that no one cares when you fall. Tatayo ka lang mag-isa at pagpagan ang sarili. O sige na, ako na'ng mag-isa!

I stood and smirked at myself.
O ano, umaasa ka na namang may maglalahad ng kamay sayo?

Sabi na'ng reyalidad nga to eh! Suluhin mo 'yang kalampaan mo!

I scolded at myself for being so hopeless romantic. I looked so dumbfounded, daig pa ang natalo sa NBA Finals.

I decided to get up dahil nagmumukha na akong lampang walang ni isang lumapit para man lang makatulong. Pinagpag ko ang damit ko at nagpatuloy sa paglakad.

"You're really good at walking out, huh?"

Napahinto ako nang marinig ko ang diin ng bawat linyang binitawan niya.
Parang luging-lugi talagang dating ko sa lagay na 'to! Isang salita lang niya parang nakalutang ka na!

"Don't you have any idea how nervous I am right now?"

Hindi man lang niya ako pinagsalita. Anong ba'ng gusto niyang iparating?

"Don't you have any idea how I, how damn I take guts just to face you?"

Ha?
Hindi ko maintindihan ang lahat na sinabi niya. Just let me talk! Pwede ba?

"I'm sorry but I don't know what are you talking about so pleas— "

"You don't even know how much I fvcking like you!"

Hindi ko mapigilang hindi natawa sa sinabi niya.
Haha ang sakit sa abs ko kakatawa. Wag ka nga!
Ano?
Gusto mong maniwala na naman ako? No way!
Once is enough. I've learned a lot.
Kabadtrip naman 'yang small favor na 'yan oh! Pinapaasa na naman ako but not today.
Never.
Natuto na ako, swear.

Tinawanan ko siya sa mismong mukha niya para ipamukha sa kanya na hindi na ako ang dating Chloe na madaling utuin. Mukha niya! 

"Fvck. At tinawanan pa ako?" malutong niyang mura at bulong sa sarili

Kasi nga parang deja vu lang ang nangyayari. May sasabihin kang maganda iyon naman pala ay pinakiusapan ka lang.

Valentine's Day pa ba?

Umiiling ako habang pigil na pigil sa kakatawa. Oo na baliw na kung baliw, e sa masaya akong habang maaga pa alam ko na ang small favor na yan!

Iniwan ko siyang naka kunot ang noo at nakalipad ang kamay sa ere. Hirap bang intindihin?
Pinasok mo iyang klaseng gulo yan kaya tapusin mo!

Dali dali akong pumasok sa library at sinalubong ang lamig galing sa air conditioner. Buti pa dito nakakawala ng stress. Binagsak ang katawan ko sa upuan. Para akong nakunan ng seventy-five percent na enerhiya sa araw na 'to! Ang stressful masyado! Nakakatamad!

Sinubsob ko ang mukha ko sa mesa at pumikit. I need to regain my energy kahit ilang minuto lang. Tuluyan na sana akong lamunin ng antok nang may kumublit sa akin. Tinabig ko ang kamay niya sa pamamagitan nang pag galaw ng kanang balikat ko.
Putspa!
Natutulog ako at huwag na huwag mo akong maistorbo!

"Pahiram naman ng oras mo, o."

I don't need to look up para makita ko kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Nakadilat akong pinakinggan ang maliit na hikbi ni Marichu.
The girl is in trouble, again.
I don't have a time to regain my energy yet.
Tumayo ako at hinila si Marichu palabas ng library. We need a place na kaming dalawa lang. Pustahan pa, problema na naman sa pag-ibig 'to.

"O ano? Titignan mo lang ako? Makonsensya ka naman, mahimbing na sana ang tulog ko ngayon."

Gigil na sabi ko sa kanya nang makarating kami sa isang fast-food restaurant. Buti nalang at hindi masyadong matao ngayon. Inirapan ko siya habang pinahid ang luha niyang walang humpay kakalabas sa mga mata niya. Namumugto na ang mga ito at sa isang tingin lang, makikita mo ang lungkot nito.

"He gave up on me." diritsong sabi niya at pinukol ang tingin sa mata ko

Problemang pag-ibig nga.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sasabihin ko. Should I ask why? Should I tell her it's okay? As of this moment, I have to remain silent.

My silence is her cue to continue narrating. She let out a sigh first before continuing.

"He is a mistake, Chloe. I shouldn't love him!"

Humagulhol siya pagkatapos sabihin 'yon.

A mistake?

"No. Hindi pala siya ang mali. Ako! I am a mistake for him."

Hindi ko mapigilan ang sarili kong daluhin siya ng yakap.

No. That's not true. She was never a mistake!

"I can't be the one he wanted to be..." she whispered in between her sobs

I don't need to say a word. My hug makes her realize she's not alone for this battle.
Lalaban tayo!

Nilabas ko ang cellphone ko para tawagan kaagad si Israel. But she grabs my phone away from me.
What the.

"Don't call him. I don't want him to know I looked so stupid and cried because of his lost."

Now you're making it worst. Ewan ko sa inyo. Fate takes its move. No worries.

"Tatawagan ko lang si Niña, wag kang assuming. Hands off na ako dyan sa problemang pag-ibig ninyo."

Ngumuso siya sa akin. Hay, ang daming problema sa mundo, problemang pag-ibig pa ang napunta sa iyo. Inabot niya sa akin ang cellphone ko.
Agad ko namang dina dial ang number ni Niña.
Asan na kaya 'yon?

"Hoy!" sigaw ko sa kabilang linya nang narinig ang ingay ng background

Where is she right now?

"Hoy!" sigaw ko ulit sa kanya pero this time mas malakas na

"Ano?" sigaw niya pabalik sa akin

Hindi nga pala uso sa amin ang karaniwang 'hello' at 'hi'.

"Asan ka? Punta ka dito sa Pavement Resto, dali!"

Saang lupalop naman nagsusuot ang babaeng 'yon?

"At ano naman ang gagawin ko diyan?"

Itong babae talagang kahit kelan outdated masyado.

"Pupunta ka ba o hindi?" asik ko sa kabilang linya

Peste! Pinapahirapan pa ako nito!

"Okay."

Ugh! Ayan naman siya sa pamatay niyang sagot.
At binabaan pa ako.
Buset!

"Anong sabi?" dinig kong tanong ni Marichu pagkababa ko ng telepono

"Ewan ko. Ang gulo kausap 'non."
Yumuko siya at bumuntong hinga ulit. Paano ko ba 'to aluin? Tss. I'm not really good at comforting.

"Are you okay?"

Hindi ko talaga mapigilang di magtanong. I need to hear her says "No. I'm not."

But I can only hear is her sarcastic laugh.
Sabi na ngang di na sana magtanong.

"Okay pa ba ako sa lagay na 'to?" sarkastikong banat niya sa akin

Sasagot na sana ako sa kanya nang bumulaga ang mukha ni Niña sa harapan namin.

"O? Bakit parang may lamay dito?"

Umupo si Niña habang sumasabat sa usapan. May lamay talaga! Ililibing natin ang pusong nasasaktan.

Why do we have to deal with pain?
Because pain demands to be felt? Yes it is.

My Scripted ValentineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon