✉ From: Frey
Mahal kita, Annie. Mahal na mahal. Maghihintay ako, hihintayin kita hanggang sa maging handa ka na. Wag kang matakot, hindi ako mawawala sa'yo.
O M G! Pigil na pigil ang tili ko dito sa kwarto at kagat-kagat ko pa ang kumot upang hindi marinig nila Mama sa kabilang kwarto. Panaka-naka ko pang hinahawi ang buhok ko dahil ramdam ko na umaabot hanggang Bulacan ang haba ng hair ko.
Feeling ko tuloy ay ang ganda-ganda ko. Natanggap ko lang naman ang isang oh-so-sweet text message ng love of my life a.k.a. Engr. Frey, yes he's a civil engineer.
Twenty-five years old na siya and I'm eighteen. Does age matter ba? Hindi naman 'di ba? Or maybe it does, pero depende pa din kung paano niyo i-handle. Sa amin naman ni Frey ay walang problema. Love is all that matters to us.
Professional na siya, licensed civil engineer nga, ako naman third year college taking up Bachelor of Science in Accountancy... a CPA in-transit. Ayos 'yun 'di ba? CPA ako, engineer siya. Hindi maghihirap ang mga future babies namin.
Oo, babies. Balak lang namin mag-anak ng mga ten babies lang naman. Ten lang. Yakang-yaka namin 'yun . Building nga nakakagawa siya, bata pa kaya. Wag niyo kong pangunahan. Hindi ako maharot.
Oh my Frey... Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang titig na titig sa message mo. LSS tuloy ako sa kantang "Kilig" ng ka-look-alike kong si Maja Salvador dahil talaga namang ako'y kinikilig at nanginginig habang hawak ang aking cellphone.
Talaga namang siya ang aking vitamins slash energy drink slash stimulant. Heto nga't full charge na naman ang energy bag ko sa katawan at feel na feel ko ang pagre-review sa aking major subject well-known as Accounting since inspired na inspired na ako kay Papa Frey ko.
✉ From: Frey
Mag-aral ka mabuti, Bunso. Focus. Wag mo muna ako isipin masyado. Hehe ;)
✉ From: Annie
Kailan ka pa ba nawala sa isipan ko, Kuya? ♥
✉ From: Frey
Ikaw din naman hindi ka nawawala sa isip ko Bunso. Basta paghusayan mo, para sa'yo yan. I love you! Mwaaa ;*
✉ From: AnnieI love you, too! Mwaaa ;*
Oo na, ako na makiri. Alam ko naman yun. Pero hayaan niyo na 'kong maging masaya. Masaya ako ngayon dahil may Kuya Frey ako. Inspired ako, sobra. Ginaganahan nga akong mag-aral nang dahil sa kanya eh.
Kung noon ay bagot na bagot na ako makita ko pa lang ang isang dangkal na kapal na libro ni Sir Valix, ang author ng aming Accounting book, ngayon ay siya namang sigla ko at alive na alive ako sa pagsagot ng mga problems at pagre-review in advance para naman maging proud sa akin si Papa Frey ko.
BINABASA MO ANG
FREY AND ANNIE: The Story of Us
Romance"Minsan na akong pinangakuan. Minsan na akong umasa. Nagmahal ako nang tunay hawak ang pangako niya sa akin na pagdating ng panahon ay magiging ganap na masaya kami. Ngunit sa isang iglap ay bigla na lamang nalimutan ang pangakong iyon. Akala ko'y i...