FREY AND ANNIE: Chapter 2

18 4 0
                                    


This is it. This is really it. Bagong taon, bagong buhay, bagong trabaho. Yes, may bagong trabaho na ako.


After ko kasi mag-take ng board exam at makapasa ay naghanap na agad ako ng trabaho. Ayoko namang mabakante lang sa bahay at matawag na batugan. Luckily, natanggap ako as a Chief Cost Accountant sa Bob and Friends the Builders International, one of the most prestigious construction firms in the globe. 


Sa kumpanyang ito ako naging intern. Tambay-tambay, observe-observe at madalas nakikialam din sa loob ng Accounting Department, sa Cost Accounting specifically. May allowance ako noong natatanggap dahil sa medyo marami-rami din ang tina-trabaho ko. Um-attend na din ako ng mga trainings and seminars regarding Construction Accounting.


Nag-stay ako dito ng tatlong buwan para sa internship at halos anim na buwan din ako nag-trabaho as Payroll clerk pagka-graduate ko, habang nagre-review ako sa review center tuwing gabi. Pagka-pasa ko ay ipinatawag ako ng General Manager for promotion daw. Hesitant pa ako 'nung una pero tinanggap ko na din. New opportunities and learnings naman ito on my part.


Kabado ako, at the same time excited. Nagbabalik ako ngayon dito sa company, not as an Payroll clerk, but as a Chief Cost  Accountant.


Kahit iniisip kong medyo mabilis ay inisip ko na din na sadyang maganda talaga ako para mapili sa posisyong ito. Pero kahit ganun, I prefer to be simple.


"Sizzy!" Tili ng maharot na si P. P as in Pedro. Hindi siya lalaki. And no, hindi rin half Pinoy/half Pinay. Babae siya. Pedro lang ang pangalan niya, sinunod sa pangalan ng tatay niya. Bunso kasi siya at walang lalaki sa kanilang magkakapatid. Gusto raw magka-Junior ng tatay niya kaya ayun, siya ang nagdusa.


Anyway, si Pedro ay isa sa mga una kong naging kaibigan dito. Kasama pa ang equally mahaharot na sina Jessie at Sheng.


"Sizzy A..." Speaking of the angels, late na naman ang dalawa. Sabog ang buhok nila at pawisan ang leeg na halatang kabababa lang sa Jeep at tumakbo paakyat sa office. Malamang ay gumamit ito ng hagdan dahil hindi na nahintay ang elevator.


"OMG, Sizzy A. May sarili ka nang office, di ka na namin makakasama pa." Hirit ni Sheng na umaakto pang naiiyak. Sinabunutan ko nga.


"Hoy! Pader lang ang pagitan natin. Pwede naman kayong lumipat na lang, papasok lang naman kayo sa pintuan," tinuro ko ang pintuan ng office, "or ako na lang ang lalabas. Ang OA mo, oh, suklay. Magsuklay ka nga." Inabot ko sa kanya ang suklay.


"OMG. Ang pangit ko na ba? Mukha na ba 'kong bruha?"


"Excuse me, ladies. Can I talk to Ms. Reynes?" pagpukaw ni Engr. King dela Cruz sa atensyon namin, ang aming General Manager na kapapasok lang dito sa Accounting Department.


Aligaga naman kaming tatlo sa pagbati ng "Good morning, Sir." at sumunod na ako kay Engineer papunta sa office niya.


"I want you to review these previous reports for this day." Iniabot niya sa akin ang isang folder na naglalaman ng mga reports. "Tomorrow, I'll be introducing you to our Project Executive. Since sa amin ka magre-report every now and then. You ready?"

FREY AND ANNIE: The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon