Ngayon ko naa-appreciate ang view habang traffic sa EDSA. Kung ang iba ay banas na banas at hindi iilan ang mga motoristang busina nang busina, ako nama'y naaaliw sa pagbilang ng alikabok sa bintana ng mga sasakyan na nakakatapat namin. Maging ang mga siklista at motoristang nago-over take sa sasakyan namin... Sasakyan pala ni Frey.
Nang may dumaan na tricycle na may full-volume of Budots Dance Music at nagkaroon ako ng idea. Aha! Music.
Kinuha ko ang earphones ko sa bag at daling isinalpak sa phone ko. Maroon 5 playlist.
Ipinikit ko pa ang mga mata ko habang pinakikinggan ang kantang "Nothing lasts Forever" at sinasabayan ko pa ng finger tapping at head bang. Alam kong naga-ala concert diva na ako but who cares?
Kalauna'y napansin ko na hindi ko na maintidihan ang pinakikinggan ko. Tipong pati beat ng kanta'y wala na sa timing. Sira na ata ang earphones ko. Pinatay ko ang player at pagkatanggal ko ng earphones ay sumalubong sa pandinig ko ang pagkalakas-lakas na "She Will be Loved" ng Maroon 5 mula sa stereo.
Kaya naman pala hindi ko maintindihan ang pinakikinggan ko.
"Bakit ba ang bastos mo?" Sure akong ginamit ko ang mala-Songbird na timbre ko sa pagsigaw sa kanya.
Pero N.R.
No reaction.
"Hoy, kinakausap kita!" Nakatuon lang sa daan ang tingin niya. Naku, kung hindi lang 'to nagd-drive at kung hindi manganganib ang buhay ko kapag nabangga kami ay bibigwasan ko 'tong lalaking 'to. Ang bastos. Kinakausap ko'y hindi sumasagot.
Nang bahagyang huminto ang sasakyan dahil may magu-u turn sa may harapan ay nagkaroon ako ng pagkakataon para batukan siya.
"Fu ck!" Hindi ko siya narinig. Nabasa ko lang sa buka ng bibig niya.
Tumingin siya sa akin nang matalim. Alam kong ayaw na ayaw ng lalaking 'to ang binabatukan. Pinatay niya ang stereo na kasalukuyang "Sugar" na ang tinutugtog.
"Bakit ka ba biglang nambabatok?"
"Ang bastos mo kasi." Dinuro ko pa siya.
"Ano bang sinasabi mo?" Umandar na ulit ang sasakyan.
"Alam mong naka-earphones ako tapos isasabay mo 'yang stereo mo?"
"Ah naka-earphones ka ba? Akala ko kasi hindi eh. Akala ko tulog ka lang." ngumisi pa siya. "At hindi ba pinag-usapan natin na bawal ang earphones tuwing magkasama tayo? Dapat kung ano papakinggan mo, ganun din ang papakinggan ko."
"May usapan ba tayong ganun? Hindi ko maalala."
BINABASA MO ANG
FREY AND ANNIE: The Story of Us
Romance"Minsan na akong pinangakuan. Minsan na akong umasa. Nagmahal ako nang tunay hawak ang pangako niya sa akin na pagdating ng panahon ay magiging ganap na masaya kami. Ngunit sa isang iglap ay bigla na lamang nalimutan ang pangakong iyon. Akala ko'y i...