''Uyy pare ano na? Kelan kaba magkaka syota umabot na tayo ng 4th year sa hayskul NGSB ka parin ano balak mo mag pari!'' Asar ni louie palibhasa kasi marami siyang chicks e! Lahat ata ng section may girlfriend siya palibhasa babaero mana yta sa tatay niya.''Manahimik nga kayo may crush na ako noh!'' Ang totoo biro ko lang nman yun para hindi na nila ako asarin.
''Yun oh!" -Louie
''Lakas tama, pakilala mo nman!'' -Romana
Sabay nila akong inakbayan at niyugyog para nila akong ni wre-wrestling grabe nman talaga sila maglambing oh.
''Eksayted na ako makilala yan pre akalain mo si Jake may crush na Hahahaha'' ang sarap talagang batukan ng tomboy na toh tinulak ko sila para ayusin ang nagusot kong uniform.
''sino nga? Tara na at nang madiskartehan natin'' Si louie nakangising aso pa sakin ang loko.
Binatukan ko nga ''hoy! Ang dami mo na ngang syota eh aagawan mo pa ako!''
''Aray! Naman joke lang pare'' reklamo ni louie na may pakamot-kamot pa sa ulo.
''Tara na nga at may klase pa tayo alam niyo nman ako nsa honor rolls palibhasa kayong dalawa di kayo nag-aaral ng mabuti maawa nga kayo sa mga magulang niyo'' sermon ko.
''Opo tay'' aba't sabay pa silang sumagot sinamaan ko nga sila ng tingin.
''Guys anjan na si Sir!'' Sigaw ng class president nagwawala na ang mga kaklase ko pulot ng kalat, silent at tago ng cellphone sa sapatos oh kahit saan pwede, balik sa proper seat at tatahimik ganyan lagi ang eksena sa klase kahit star section kami ay puno din talaga kalokohan.
''Mr. Alvarez lead the prayer'' anunsyo agad ni sir pagpasok ng klase catholic school kasi dito pagkatpus nang prayer pauupuin agad kami.
''Okay let's discuss about--''
May kumatok sa pintuan ng klase at nag excuse, si Miss Medula pala.
Kinalabit ako ni Romana ''hoy Jake ang ganda ni ms. Medula noh!'' Bulong niya sinagot ko nman ng ''paulit- ulit lagi nlang pag nakikita mo!''
Sinagot din ba ako nang ''pakyu!''
''Romana! Jake! Gusto niyo ba mag squat sa open ground'' si Sir.
Siniko ko si Romana ''Ikaw kasi ang daldal mo!'' Paninisi ko pero nag-belat lang siya. Ang tagal nman ni Sir makipas-usap sa labas nang maumpisahan na ang klase chismisan pa kasi umagang-umaga.
Yuyuko na sana ako sa lamesa para matulog ng biglang pumasok si sir na may kasamang
''Uyy chicks!'' bulong ni Louie akala ko natutulog na siya dahil kanina pa yan nakayuko sa mesa niya ang lakas rin talaga ng radar!.
natulala talaga ako ng humarap siya sa amin ng nakangiti yung ngiting nkakalula!. Maputi, mganda, mukhang mabait, kulot-kulot ang mahaba niyang buhok.
''Class this is Xiana Quenzee Tellesa bagong kaklase niyo'' pakilala ni sir sa kanya.
''Sheyt pre ang ganda!'' Sabi ni Romana na panay ang tapik sa kaliwang balikat ko.
''Hi sa inyo!'' Sabi niya sbay ngiti ulit tumingin siya sakin sheyt! Nagblu-blush ata ako ang bakla.
'' hnap ka nlang ng upuan mo Xiana so we can start'' pangtatluhan ang seating arrangment nmin sadyang dito kami sa gitna para daw laging makikita ni sir kpag may kalokohan.
''Hoy pare! Gumising kana wag kang mag deydrem!'' Sabi ni Romana sbay gulo ng buhok ko oo gnyan tlaga yan magsalita daydream lang dpa ma pronounce ng maayos.
BINABASA MO ANG
Three Shot Story: PARE MAHAL KO RIN SIYA!
Novela Juvenilsa kauna-unahang beses na magmamahal ako, sa babae pang mahal din pala ng bespren kong minsan lang mag seryoso.