Untitled Part 17

137K 2.5K 82
                                    

He is annoyed dahil yun pala ang boss dati ni Stacey.Iniisip niya na hindi porke siya ang naka-devirginize sa dalaga, may kasiguraduhan na siya.He needs to do one of his plans fast.


Hindi na nakatiis si Heather.Kailangan na siya na ang gumawa ng first move.Masyadong mailap talaga si Nick.She stood up then inilapit niya ang isa sa upuan near his seat.

She touched his hand to get the glass of rhum from him.Inikot pa nito ang parte kung saan  ito uminom .She drank from that side.Then licked her lips after finishing the booze,looking at him seductively.Pinagapang niya ang kamay niya sa ilalim ng lamesa.

Nick  frowned  when he felt her other hand on his lap.

"Heather.." naiiling na sabi niya bago inalis ang kamay nito.

"You said we're going out.When?" she asked while pouting her lips.

Nick narrowed his eyes.Maganda si Heather,she has short hair.Like her sister,mestiza din ito .But she is too agressive for his taste.Besides,si Stacey ang gusto niya.

"I'll call you." he said tonelessly.

"How? You don't even have my number." maarteng sabi nito.

"I'll find a way.Sige na Heather.I'm going.See you around." he said bago tumayo.

Napahalukipkip si Heather and sumimangot ito.Tatakasan na naman siya ni Nick.

"Mate! Alis ka na?" takang tanong ni Billy.Nilapitan siya nito and binulugan.

" Palay na lumalapit sayo! Ang ganda mate! What's wrong with you?" 

"Not interested.Happy birthday ulit." tinapik nito ang balikat ng kaibigan bago kumaway kay Jim then went out.




"Stacey anak." her mother called her.

She looked up from what she's doing para sulyapan ang ina.Gumagawa siya ng sandwich niya.Halos kakauwi niya lang  from Eve's place.Tinanghali sila ng gising.Isa yun sa  naappreciate niya  sa part-time job niya.She can afford to wake up late kasi sa gabi ang pasok niya.

"Ma.Want some?"she asked bago ibinalik ang tingin sa ginagawa.

"No.Thank you.Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Si Amy?" tanong nito.

"Watering the plants." sagot niya.

She sat down on the kitchen table  to eat.

"What time ka umuwi?" her mother asked.

"Past 5,ma." 

"Anak galit ka pa ba?" tanong nito  bago umupo sa tabi niya.

She put down her sandwich.Tumingin siya sa ina.

"Ma,wala akong karapatang magalit.Tampo siguro meron konti.Pero okay lang.Sanay na ako.Lilipas din to." Nagsalin siya ng orange juice sa baso.

Hinawakan ng ina ang kamay niya.

"Stacey,anak,huwag mong iisipin na palagi ang kapatid mo ang kinakampihan ko.Mas nakakaintindi ka lang sa kanya kaya ikaw na ang magpapasensiya."

"Hindi naman pwedeng habang-buhay ko na lang hahayaan ang mga ginagawa niya sa akin,ma.I had to quit my job para lang sa kanya.But as usual, walang kwenta sa kanya yun." she said bitterly.

Suko na talaga siya.Tama na yung ilang taon na siya na lang palagi ang umiintindi at napapahamak.

"At least hindi naman kami nagbabangayan,ma.Hayaan na lang natin na ganito." she said bago uminom ng juice.Inilayo niya sa kanya ang sandwich.Mukhang nawalan na siya ng gana.Ilang beses na silang nag-usap ng ganito ng ina.Wala din namang nabago.

His Lovely Obsession (   published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon