Teaser

39.8K 789 18
                                    

"Wala akong ibang hinangad kundi ang matagpuan ang tunay na pag-ibig. Ngayong nandito ka na, wala na akong kailangang hanapin..."

-Zardum-

ILANG dekada naging mailap ang pag-ibig kay Rachell magmula noong makipaghiwalay siya sa tatlong taong nobyo. Subalit nag-krus ang landas nila ng kababata na lihim niyang hinangaan noon. Napatunayan niya na umiibig pa rin siya kay Renzo Del Carmen, ngunit tila mas lalo itong umilap sa kanya.

Subalit isang gabi ay tila nagkaroon ng isang himala nang puntahan siya nito sa bahay niya at walang pakundangang inangkin ang kanyang pagkaberhin. Ang lahat ay nagbago sa buhay niya. Nagising na lang siya kinabukasan na ikakasal sa binata. Ngunit tila sumpa ang pagpapakasal niya rito dahil halos araw-araw nitong isinusumbat sa kanya ang panggagayuma umano niya rito.

Nasugatan ang puso niya at  gabi-gabi na umiiyak habang kasama ito ngunit hindi siya magawang pakitunguhan ng maayos. Hanggang sa isang aksidente ang bumago sa lahat.  Nang maka-survive mula sa bingit ng kamatayan si Renzo ay tila kabaliktaran na ito ng dating Renzo na pinakasalan niya.

Sa halip na matuwa ay kinabahan siya sa biglaang pagbabago ng asawa. Makakaya kaya niyang yakapin ang panibagong pagsubok sa buhay niya, gayung tila binabalot ng mesteryo at kababalaghan ang buhay nilang mag-asawa?

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon