Capitulo Tres (Unedited)

14.1K 419 12
                                    


NAGMAMADALING bumama ng hagdan si Rachell para salubungon ang lasing na asawa ngunit napahinto siya sa paanan ng hagdan nang kamuntik na siyang matamaan ng inihagis ni Renzo na flower vase. Huminto ito sa pagwawala nang mapansin siya.

Nagulat siya nang bigla na lang siya nito nilapitan at sinugod ng yakap. Kamuntik pa siyang sumimplang kung hindi lamang siya nakakapit sa barandelyas ng hagdan. Hindi niya inaasahan ang gagawin nitong iyon. Pinatulin niyon ang tibok ng puso niya hindi dahil sa kaba kundi sa labis na pananabik.

"Why you let me in to your life, Rachell? I'm nothing. I won't deserve you; I can't give you a happy future. I'm weak," wika nito sa iritableng boses.

Nanikip ang dibdib niya buhat sa sinabi nito. Hinaplos niya ang likod nito. "Don't say that nonsense, Renzo. I know you're a good man. Hindi ako nagsisisi na pinakasalan kita. I choose this because I love you," madamdaming pahayag niya.

Marahas itong kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Tumapang ang anyo nito. Tumawa ito ng pagak. "Do you know what are saying, huh? You don't know me, so don't tell me you love me, lady!" asik nito habang dinuduro siya.

Wari may dumagaan na mabigat na bagay sa dibdib niya. "Hindi ko man nasundan ang pangyayari sa araw-araw mong buhay, pero kilala kita, Renzo. I search everything about you since we're in grade school! Alam mo ba kung gaano ako kabaliw sa iyo noon? Pati paboreto mong kulay, pagkain, laro, at kung ano-ano pa, inaalam ko dahil mula ulo hanggang paa, hinangaan kita. But you didn't care other's feelings. Masyado kang selfish. Alam mo ba kung ano ang pakiramdam ng tiklop-tuhod na umiibig sa isang tao na hindi man lang napapansin? Parang tanga! Oo, tanga ako dahil kahit alam kong hindi mo ako mapapansin, nagpapapansin pa rin ako sa iyo na kulang na lang ay sipain mo ako sa sobrang inis mo sa akin. Hanggang high school, kahit impiyerno ang tingin mo sa papa ko, feeling ko anghel ka," huminto siya sa pagtalak nang hindi na niya mapigil ang pagtulo ng luha niya.

Walang kurap na nakatitig naman sa kanya si Renzo. Ang kamay nitong nakaduro sa kanya ay inihilamos nito sa mukha.

"Akala ko masarap maikasal sa taong mahal mo, mali pala, dahil daig ko pa ang nagpatiwakal ngayon pero hindi ako mamatay-matay. Kaya huwag mo sabihing wala kang kuwenta, Renzo, dahil kahit ano pa man 'yang pinagdadaanan mo, masuwerte ka pa rin dahil may nagmamahal sa iyo. Hindi ka talunan, masyado lang mahina ang loob mo. Kahit hindi mo ako mahal, puwede mo akong kapitan sakaling hindi mo na kaya," patuloy niya nang magawa na niyang pigilin ang emosyon.

Hindi man lang umimik si Renzo. Dahandahan itong umakyat ng hagdan.

Nahigit ni Rachell ang paghinga nang hindi niya malaman kung saan siya magsisimula sa paglilinis ng kalat ni Renzo. Ala-una na ng madaling araw pero nagwawalis pa rin siya ng bubog. Ayaw niyang madatnan pa ang kalat na iyon paggising niya.

Pagkatapos niyang maglinis ay pumasok na siya sa kuwarto. May kung anong tumutusok-tusok sa puso niya nang hindi madatnan sa kuwarto nila si Renzo. Pagsilip niya sa kabilang kuwarto ay naroon ito at hubad-barong nakadapa sa kama. Nang matiyak niya na tulog na ito ay kumuha siya ng unan at kumot saka ito kinumutan. Hinubad niya ang sapatos sa mga paa nito.

Umupo siya sa uluhan nito saka nilagyan ng unan ang ulo nito. Kumilos ito saka tumihaya, pero nakapikit pa rin ito.

Zarina... bigkas nito.

Umugong sa tainga niya ang pangalan ng babae na nanulas sa bibig nito. Wari pinipilas ang puso niya matapos marinig ang sinabi nito. Nalala niya ang pangalan ng babae. Si Zarina ang asawa ng stepbrother nito'ng si Allen.

"Kapag ang isang taong tulog na binibigkas ang isang pangalan, ibig sabihin palagi itong laman ng isip niya, o maging ng puso niya," naalala niya'ng sabi noon ng lola niya.

...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon