Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter Five

99K 2.7K 563
                                    

Things were really great between me and Axl. Maliban sa nagkaroon ng official title at naging intimate kami ay wala namang nagbago sa aming dalawa. Hindi pa rin siya nawawalan ng oras sa akin.

Kapag ipinangako niya na magkikita kami, gagawin niya. Kaya kapag nagkakaroon ng gig na wala naman sa schedule niya tuwing magkasama kami ay ako ang nilalapitan ng handler nila para pakiusapan si Axl. It's because he listens to me.

He's busier now though. May lalabas silang bagong single kaya punong-puno ang schedule niya. Ipinaliwanag niya sa akin na pagkatapos ilabas ang new single nila ay may naka-line up na silang mga TV guestings. Sunod doon ay ang mall shows at night gigs. He was that busy.

Habang ako naman ay relaxed lang sa pag-aaral dahil sa senior year ko. I'm not even worried about the university or the course that I'll be taking. Napag-usapan na namin ni Avis ang tungkol doon.

"Kami na lang ni Ana ang magdi-discuss kay Adam Smith," paalam ni Denise.

"Introduction na lang yung akin," sambit ni Rush sabay halakhak. It's the easiest role. Baka nga babasahin niya lang ang title sa gagawin na presentation. I resisted rolling my eyes.

We'll be reporting tomorrow for our Araling Panlipunan. Natapat sa amin ang topic na tungkol sa mga economists at ang mga contribution nila. Tatlong economists ang na-assign sa amin pero pito kami sa grupo.

Hindi ko kasama si Avis at ang iba kong kaibigan dahil sa alphabetically arranged ang pagkakaayos ng bawat grupo. I don't mind, but I'm sure my cousin is annoyed. She doesn't like mingling with other people.

"Kami ni Nessa kay Karl Marx!" agad na sabi ni Ronn. Ibig sabihin ang makakapartner ko ay ang isa pang De la Fuente.

"I guess kay John Maynard Keynes na tayo, Grant," sabi ko sabay buklat ng book para hanapin ang pahina kung saan nandoon ang magiging report namin.

"Okay," tipid na sabi nito. I held back another eye roll and a heavy sigh. Sa sobrang cold ni Grant, parang naging kasama ko na rin si Avis. They're really alike.

"Kanya-kanyang gawa ng powerpoint tapos e-mail n'yo na lang sa akin. Ako na ang bahala mag compile."

Walang umangal sa pag volunteer ni Ana. Bless her.

"Hey, Grant. Pupunta ka raw sa bahay nila Maxwell sabi niya?" casual na tanong ni Rush, walang pakialam sa ibang ka-grupo namin na nagbabasa ng libro. I think I'm the only one who's pretending to read the damn book.

"What? No." Pasimple kong tiningnan si Grant na ngayon ay nakakuyom ang panga. "She's making plans on her own again."

"You won't be going?" tanong ni Rush na parang naninigurado pa. Sabay tumunog ang electric bell, signaling lunch. Hindi kumilos ang mga ka-grupo ko maliban kay Rush at Grant na sabay na tumayo.

Grant shook his head. "No. Magba-basketball kami nila Zion."

"Savion!!" malakas na sigaw ni Charlotte sa pangalan ko, walang pakialam sa mga kaklase namin. Wala rin naman silang paki kay Charlotte, they're too busy getting ready to leave.

"Tara na!" Umiling-iling ako sa kaingayan niya at sumunod na sa kanyang gusto dahil alam kong hindi siya titigil sa pag sigaw. The rest of the day dragged with the usual hourly texts from Axl.

My friends and I hanged out after school but it was short lived dahil kinakailangan namin umuwi agad before dinner. Wala kaming napag-usapan ni Grant kung sino ang gagawa ng presentation sa aming dalawa kaya nagkusa na ako na gawin iyon at i-send kay Ana. Wala rin naman kasi akong number niya kaya wala akong magagawa.

After changing into my sleepwear, I settled in my bed. Papatayin ko pa lang sana ang laptop nang biglang tumunog iyon. The skype application appeared on my screen and there's an incoming call from Charlotte.

If This Ends  (Published Under Bliss Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon