Chapter 1 One Sided Break-up

71 1 0
                                    

You're ending our relationship over the phone?! Please babe let's talk about this when you get back from your vacation.  You know how much I love you! Please don't do this to me! Hindi ko kaya..Please Hannah, don't do this to me! Ano bang mali na nagawa ko sayo? Di ba usapan natin pag may misunderstanding tayo walang makikipaghiwalay?

"King, this is not just a simple misunderstanding. Nasasakal na ako sayo! Sa relationship natin. Hindi lang ako agad nakakareply sa mga text mo nagagalit kana agad. Hindi ba puwedeng maging busy ako?"

Sino bang hindi magagalit? Itong New Year, ang text mo lang sakin yung greatings na pang send  to all?!Tumatawag ako sayo pero di mo sinasagot. Kung hindi pa ako gagamit ng ibang number, hindi mo ako kakausapin. Sabihin mo sakin, meron na bang iba?

"Sige! Sabihin mo pa yan at lalo kong gagawing totoo para matigil kana! Ayoko na King. Napakaselosa mo. Nakakasawa na! "

Pero yon ang pinaparamdam mo sakin! Hindi mo na ba ako mahal?

"Hindi tama itong ginagawa natin.. itong relasyon natin."   

What? Anong mali? Kung kelan meron na tayong 2 years saka mo sasabihi na mali ito? Ang labo mo naman Hannah. 

"Kaya nga pinapaliwanag ko sayo King eh."

Pero ang labo ng rason mo. Kulang pa ba yung pagmamahal ko sayo? Hindi pa ba sapat na pinaglaban kita sa pamilya ko?  Please tell me, kung saan ako nagkamali. Let's work things out. Pupuntahan kita ngayon.

"Look King, I know you love me. Pero di na talaga puwede. Wag na natin ipilit ang hindi na puwede. Intindihin mo naman ako na ayoko na. Nagkakasakitan lang tayo."

Bakit meron na bang iba?

"Wala! Ayoko na talga. Intindihin mo naman ako oh."

So, bakit ka nga nakikipaghiwalay sakin?

"Hay nako, paulit ulit lang tayo eh. Hindi ba puwedeng ang rason ay ayoko na?! Wala ng patutunguhan itong paguusap natin. Wag kana pumunta dito, intayin mo na lang paguwi ko. Sa bahay nalang tayo magusap. Sige na, bye."

Nanlulumo ako sa mga narinig ko sa kanya. Si Hannah ba talaga yung nakausap ko? Ito na ang worst na pagaaway namin. Napayuko na lang ako sa table ko. Habang ang isang kamay ay naka yukom. Hindi na niya ako mahal? Ganon lang ba yun kadali sa kanya? Pumatak narin ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Pinagmamasdan ko parin yung screen ng phone ko. Baka sakaling tumawag ulit si Hannah at bawiin ang sinabi niya kanina. Di-nial ko ang number niya pero out of reach na siya. 

Isang tao lang ang una kong tinatawagan kapag nagaaway kami ni Hannah, ang bestfriend ko. Isang ring lang at sinagot na agad niya ang call ko.

"Whatsup King, napatawag ka?"

Trish?..... 

"Bakit ang hina ng boses mo? Asan ka ba?"

Wala na kami... ni Hannah. Hindi na niya ako mahal. Ang mahina kong sagot sa kanya. 

Napaka bigat sa pakiramdam ng ganito at hindi ako sanay. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit.  Hindi ko na napigilan yung paghagulgol ko habang kinukuwento ang lahat sa kanya.

"Ano?! Bakit? Anong nangyari? Asan ka ngayon?" Nag-aalala na tanong sakin.

Ang sakit sakit!  iniwan lang niya ako ng ganon lang. Sabay punas ng mga luha ko.

"For sure may reason si Hannah kung bakit niya ginawa yon. Magkakaayos din kayo tulad ng dati. Asan ka ngayon? pupuntahan kita."

Still at my office. Matamlay kong sagot.

I Want To Be With You (Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon