Pagkatapos ng break-up namin ni Hannah, lahat ng pinapahalagahan ko ay nawala. Si Hannah, ang trabaho ko, mga kaibigan. Kahit ang kapatid ko, nilayo ko ang sarili ko sa kanila. Sa panahon na ito gusto kong mapag-isa lang.
Nagdecide narin ako magresign dahil di ko kayang makita si Hannah na masaya at parang walang nangyari samin. Hindi na rin ako masaya sa trabaho ko. Naapektuhan pati ang performance ko. Kung hindi absent ay lagi akong late. Nawalan ako ng interest sa lahat ng bagay na dating nagpapasaya sakin.
Napagod narin akong mag-isip kung bakit nakipaghiwalay sakin si Hannah. Kaya naman ang tumatak na lang sa isip ko ay meron na siyang iba kahit sa huli namin pag-uusap hindi niya ito inamin sakin.
Sa tatlong buwan na pangungulit ng mga kaibigayn ko sakin. Unti-unting bumalik ako sa dati pero nandon parin ang galit. Parati na akong bugnutin at mainipin. Pero hindi parin ako iniwan ng mga kaibigan ko lalo na si Trish. Palagi niya ako binibisita kahit wala ako sa mood na makipg-usap o makipag kulitan. Dinadamayan niya lang ako sa paginom ng alak. Siya narin ang nagprisinta na linisin ang apartment ko. Lahat ng nagpapa-alala kay Hannah ay itinapon niya pero pinaiwan ko si Chubz. Di ko kayang makita lang siya sa basurahan at saka ako naman ang bumili non.
***
"Ano tapos kana sa drama mo? Bumangon kana diyan at ang baho mo na."
Trishaaaa, ang aga aga mo namang mangulit eh. Tulog pa yung tao. Sabay talukbong ulit ng comforter ko.
"Babangon o babangon, King. Mamili ka?!".
Gising na ako pero hindi parin ako kumikibo. Tinatamad talaga ko eh. Bakit ko ba kasi bingyan pa siya ng duplicate Key. Ay take note, nalaman ko na lang na nagpaduplicate siya nung time na pagkarating ko ay natutulog siya sa kama ko. Ang palusot pa niya, para daw meron siya agad matutulugan incase na wala ako sa bahay ay makakapasok agad siya. If i know, takot lang siya na baka mag attempt ako ng suicide. Sa isip ko naman kesa magsuicide ako, magpapakasarap nalang ako sa pag inom ng alak.
Pinipilit niyang tanggaling ung comfoter sakin. Pero mahigpit ako pagkakahawak ko. Na-aray na lang ako kasi ang lakas ng pagkaka pitik niya sa mga daliri ko at duon pa talaga sa buto tinamaan. Sadista talaga tong kaibigan ko.
"Tangahli na at maligo kana!"
Wala ka bang gagawin ngayong araw na ito at ako nanaman ang napagtripan mo?
"Kadiri ka King, nag toothbrush ka ba kagabi?"
Ang arte mo! hindi naman kaya mabaho kaya binugahan ko siya ng hininga ko hahahaha....
"Ewwww! Wala naman ako choice kundi ang tingnan ang mahal kong kaibigan, baka mamaya nan magsuicide ka. Konsensya ko pa no!"
Baliw! wala sa isip ko yon. Ano pa at naging graduate ako ng Psych.
"Ayan, tama yan. Kala ko sa mental na kita sa susunod na dadalawin eh hehe.."
Binato ko nga ng unan, ayon sapol sa mukha niya hahaha!
"King! naman eh, wag mong sirain ang maganda kong mukha. Ang dami pa naman naiinlove sakin sa ganitong angelic face."
Yuck! eh wala ka pa nga napapakilala samin ni isang manliligaw mo simula nong break-up niyo ni Bryan.
"Puwede ba wag mo na mabanggit yong ungas na yon!"
Hindi pa siguro niya nalilimutan yong ginawa ni Bryan sa kanya. Pano kasi nag-hire siya ng private investigator para manmanan ang mga kinikilos ni ex boyfriend niya. Girls instinct raw kasi at feeling niya na merong ibang kinakalokohan si Bryan. At ayon nga, nakuhaan na pumasok sa isang motel na may kasamang.. lalaki rin hehehe.. Dahil sa mga evidence na pinakita ni Trish ay umamin na rin si Bryan.
BINABASA MO ANG
I Want To Be With You (Lesbian Story)
RomanceAuthors' Note: This story is a product of my imaginations. Any resemblance to actual persons, living or dead, business, companies, events, or locales are entirely coincidental. The image that I am using is not mine. Thank you for giving time to read...