CHAPTER 2

22.4K 292 6
                                    

CHAPTER 2

 

    “Uwian na!”  Halos sabay-sabay na sigawan ng mga kaklase ni Bernadeth. Nag-uunahan na ang mga ito na makalabas ng classroom nila.

    “So, sasabay ka sa’kin umuwi ulit?” Tanong ni Sofia habang kinukuha ang bag niya.

    “Bakit? Ayaw mo?” Nakangusong tanong ni Det sa kanyang bestfriend. “Kunwari ka pa eh name-miss mo naman ako ‘pag di ako sumasabay sa’yo eh.." kantyaw niya rito. 

    “Arte! Tara na nga!” Natatawang hinili siya ni Sofia palabas ng classroom.

    Bago umuwi ay dumaan muna sila sa Coffee Moment. Coffee shop ito malapit sa school nila. Madalas magpunta rito sina Jaydel at Bernadeth dahil wala masyadong estudyante ang tumatambay dito. May kamahalan kasi pero sulit naman dahil sa sarap ng mga pastries at cold drinks nila rito.

    “Hi Bernadeth!” bati sa kanya ni Sandi, ang fashionistang may-ari ng coffee shop. Oh nasaan na ang boyfriend mo?" tanong nito nang mapansin na hindi si Jaydel ang kasama ni Det.

    “Eh kasi may lakad ang team nila kaya hindi ko siya kasama—by the way, this is Sofia my bestfriend.” Pakilala niya rito kay Sandi. Nagkamayan naman ang dalawa. 

    “Ano pala order niyo?”

    “2 mocha frap lang grande tsaka caramel chips 1 order." Sabi ni Det.

    “Ok got it, by the way girls I have to go. Paki hintay nalang yung orders niyo, si Marites na ang bahala.” sabi ni Sandi sabay kindat pa sa dalawa. Si Marites ay isa sa mga barista ni Sandi sa shop niya. 

    “Friend, madalas pala kayo rito ng jowa mo ha..” Kantyaw na naman ng kaibigan niya.

    “Hindi naman, minsanan lang pa’no nahuli kami dito ni Harvey! ‘Di ba nai-kwento ko na sayo ‘yon?” Paalala ni Bernadeth kay Sofia.

 

*FLASHBACK*

    1st Monthsary nila noon ni Jaydel kaya bago siya ihatid ng nobyo sa bahay ay dumaan muna sila sa Coffee Moment. May kalahating oras palang silang naroon nang biglang pumasok sa shop si Harvey—ang BESTFRIEND ng kuya Micheal niya!

 PATAY!

 

 

    Nang makita ito ni Det ay natataranta siyang tinakpan ang mukha niya ng dala niyang folder. Laking pasalamat niya na sa dulo sila nakaupo ni Jaydel kaya hindi agad sila nakita ni Harvey pagpasok nito.

    “Oh? Ano ‘yang ginagawa mo?”  Tanong ni Jaydel sa kanya. Nagtataka ito kung bakit biglang tila nagtatago ang nobya.

    “Ssshhhh..” sumenyas pa siya rito na huwag mag-ingay. 

    “Si Harvey! Bestfriend ng kuya ko ‘yan eh..” bulong ni Det na inginuso pa ang kinaroroonan ni Harvey na bahagya niyang sinilip. 

Nataranta tuloy si Jaydel at agad na nagtakip din ng mukha. Nagkatinginan sila at napangiti sa isa't-isa.

    Umupo si Harvey sa katapat na upuan ng pwesto nila Det. Tapos na siyang umorder at pangiti-ngiti ang loko. 

    “DET!!! PATAY KA SA KUYA MO!” Malakas na sambit ni Harvey na komportableng-komportableng naka-upo sa harapan ng dalawa. Bigla namang ibinaba ni Det ang folder sa mukha niya pati na rin si Jaydel. Nagulat siya sa pagtawag ni Harvey sa pangalan niya.

I Am Me, When I'm With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon