CHAPTER 4
GRADUATION NA NI JAYDEL!!!
Malungkot man si Det, pinilit parin niyang maging masaya sa harap ni Jaydel.
“Dadalawin kita rito sa School. ‘Wag kang magpapaligaw sa iba ha? Hintayin mo ‘ko.” Nakangising sabi nito sa kanya habang hinahawi ang ilang hibla ng buhok sa pisngi ni Det.
Tumango lang si Det bilang tugon at bahagyang ngumiti. Ang totoo, natatakot siyang baka makahanap na ng iba itong dream boy niya. Sayang naman ang pagkakataon! Grasya na magiging bato pa!***
“Woah! Totoo ba ‘to? Teka baka joke ‘to ah!"
(◎_◎;)
Hindi makapaniwala si Michael nang buksan ang express mail mula sa isang sikat na University sa US. Kaga-graduate palang noon ni Micheal sa Highschool nang maisipan ,niyang mag-take ng exam sa naturang University sa America. Scholarship exam iyon—libre ang visa, plane ticket, board and lodging, tuition at may allowance pa. Full scholarship iyon basta ma-mantain lang niya ang grade niya. Valedictorian siya noong highschool. Ilang beses din siyang binigyan ng online exam at 3 online interview. Akala niya hindi siya nakapasa dahil two years ago pa ‘yun pero heto at kinukuha siya ng naturang unibersidad para maging scholar at mag-pursue ng Law sa kanila.
“Kuya ano ba ‘yan?” Curious na tanong ni Det sa kuya niya ng makita ang nagulat at naguguluhang itsura nito. Napatingin din ang parents nila since agahan nila noon at sabay sabay silang kumakain.
Tulala ang kuya niya at hindi makapagsalita. Alam ng parents nila noon na sumubok siyang mag-exam doon. Kinuha ng tatay nila ang hawak na papel ng kuya niya. Maya maya pa ay nanlaki na rin ang mga mata nito.
(◎_◎;)
Hindi na rin ito nakapagsalita kaya tumayo ang nanay nila at kinuha naman ang papel na noon ay hawak ng asawa niya.
“Wow! Totoo ba ito?” Iyon lang ang nasabi ng nanay nila. 「(゚ペ)
“Ano ba kasi ‘yan?” Si Bernadeth naman ang umagaw sa papel na nasa kamay ng nanay niya. Binasa niya iyon at…
”KUYA! WOW congratulations!” Doon lang natauhan ang mga ito at halos sabay sabay silang nagsigawan at niyakap si Michael.
MAKALIPAS ANG ISANG BUWAN…
Ayos na ang lahat. Papunta sila ng airport para ihatid ang kuya niya kasama ang mga kaibigan nito.
“Pare, yung usapan natin ha! ‘Wag niyo pabayaan ang banda, uuwi ako after 2 years para magbakasyon.” baling ni Michael sa mga kaibigan.
“Ma, Pa…mami-miss ko po kayo. Si Det Ma ha, ‘wag niyo po kukunsintihin mag-boypren ‘yan!” Bilin pa nito sa mama nila at yumakap.
“Hahaha! Ano ka ba naman Kel. Daig mo pa ‘ko mag gwardya d’yan sa kapatid mo ha. ‘Wag ka mag-alala ibabartolina ko ‘pag nag-boyfriend...” biro ng Papa nila. Alam ng mga magulang nila ang tungkol kay Jaydel.
“Hmp! Wala naman akong ginagawa masama ah! Sumusunod naman ako sa kasunduan!” Nagta-tantrums pa kunwaring sagot naman ni Det sabay kapit sa braso ng kaibigang si Sofia. Hindi pwedeng hindi makasama si Sofia sa pag hatid sa kuya ni Det dahil mulat sapul ay alam ni Det na crush na crush nito ang kuya Michael niya!
BINABASA MO ANG
I Am Me, When I'm With You
RomanceFirst love. The craziness of an eratic thumping of the heart, of seeing the world full of rainbows and butterflies, the wonderful feeling of being inlove... How could a girl ever forget about that? Bernadeth Joaquin never thought that her fantasies...