Minsan

36 0 0
                                    

Minsan, dumadating sa punto na napapaisip ako, kung ano ba ang nagawa kong mali para iwasan mo? Para hindi mo kausapin? Para iwanan mo?

Minsan, napapaisip ako kung sumasagi din ba ako sa isip mo kahit papaano? Yun bang katulad ng pagsagi mo palagi sa isip ko.

Minsan, napapaisip ako kung kilala mo pa ba ako? Kung naaalala mo parin ba ako katulad ng pag-alala ko sa mga araw na magkausap tayo at hindi ko na namamalayan ang oras dahil gusto kong kausap ka, kahit na minsan pakiramdam ko nanlilimos ako ng oras mo.

Minsan, napapabuntong hininga na lang ako sa tuwing matutulog ako sa gabi na hindi kita nakakausap katulad ng nakasanayan ko dati, na kahit na alam kong napipilitan ka lang tugunan ang mga mensahe ko.

Minsan, napapangiti na lang ako sa tuwing maaalala ko yung mga usapan nating nagpatibok muli sa puso ko kahit na alam kong hanggang pagtibok lang ng puso ko ang maibibigay mo.

Minsan, sinusubukan ko ring iwasan ka, kunwari nakalimutan kong hindi ka batiin, pero hindi ko kaya. Hindi ko matiis na hindi kita makausap, kahit na minsan wala akong nakukuhang sagot mula sayo, iniisip ko na lang baka busy ka o madaming trabaho.

Minsan, alam mo bang napapa-isip ako kung bakit pinaglalaanan mo ako ng oras mo, nasasabihan mo ako ng kahit na papaano'y mga sikreto mo, pero pinipilit kong isipin na sobrang mabait at palakaibigan ka lang, para sa huli hindi ako masasaktan.

Minsan, naisip ko ding papaano kapag nawala ka? Kapag nairita ka na? Kapag nagsawa ka na? Kapag nakahanap ka na ng mas may sense kausap? Paano ako? Paano ko ibabaon sa limot ang mga buwan na magkausap tayo? Paano ko makakalimutan ang isang taong pinaglaanan ako ng oras, pinagtyagaan akong kausapin, pinasaya ang bawat umaga at gabi ko, pinaramdam sa akin na kaya ko.

At ngayon, nagkatotoo ang naisip ko, nawala ka, hindi na kita makita at hindi ko alam kung makikita pa kita. Sana hindi ko na lang naisip, sana hindi na lang sumagi sa isip ko yung mawawala ka kasi ang hirap, ang hirap pala.

Nung nakilala kita, hindi ko naman naisip na mararamdaman ko ito sa'yo, kasi ewan ko, bigla ko na lang naramdaman, nabigla na lang akong tumibok ang puso ko na hindi ko inaasahan.

Alam mo bang dumating sa punto na umaasa na ako? Umaasa ako na kahit papaano e napapansin mo ako, kahit papaano napapatibok ko ang puso mo? Na kahit papaano e gusto mo rin ako. Pero sabi nila, mali ang umasa, dahil sa huli, masasaktan ka. Sabi ko naman, wala namang masama sa umasa. Nagdadasal na lang ako na sana kung masasaktan ako e huwag naman sobra.

Nakilala kita ng hindi ko inaasahan, pero nawala ka din ng hindi ko inaasahan. Ang daming tanong sa isip ko, ang daming bakit, pero alam kong walang sagot. Sana bumalik ka na, pangako hindi na kita guguluhin pa. Gusto ko lang malaman mo na gusto kita, gusto kita.

Huwag kang mag-alala, wala naman akong napagsabihang iba, tanging ako at ang pinagsusulatan ko lang ang nakakaalam ng nararamdaman ko para sa'yo. Kahit walang sagot ayos lang ako, basta bumalik ka na please, kahit na alam kong sa pagbalik mo, mawawala na din ako.

(C) regineeerosales

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MinsanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon