Ikaw Lang Wala Ng Iba (ViceAnne)

3K 47 13
                                    

Sana magustuhan niyo ang story ko one shot stoy lang to! Pero sana magustuhan niyo hindi man ako magaling gumawa pero pinipilit ko ! Para to sa mga ViAnne/ViceAnne Fans 😄😄 :D No Hate Just Love lang po! Thank You po !
If you are a ViAnne/ViceAnne Fans Follow us on Twitter @ViAnneFever

Start of the story

Malamig na ang simoy ng hangin, december na kasi mag papasko na. Marami nang tao makakapal ang suot, marami ng naka sweater. Pero eto ako nakahiga sa mainit na kama na ginagamit ko na for 5years ng biglang bumukas ang pintuan at nagulat ako ng nakita ko yung asawa kong may buhat na tray, may dala siyang mainit na lugaw.

Di ako malulungkot

Di ako iiyak

Di ako gagawa ng kung anong kalokohan para sundan siya.

Umupo siya sa tabi ko at nilagay niya yung tray sa table katabi ng kama.

"Kamusta ka na hon?"Di ako sumagot pero tinitigan ko ko lang yung mga mata niya, ang mga matang dahilan kung bakit ako nainlove sakanya at ang nagpatinok ng puso ko tuwing tinititigan ko ang matang iyon ...

"So hindi parin tayo maguusap?"sabay tawa niya. Yung tawa niya na parang tunong ng kampananung kinasal kami.
Oo yung araw ng KASAL namin.

*FLASHBACK*

Mga puloang rosas,Magagandang ilaw at paroparo sa tyan ko ang nagbigay ng feeling na ito at ito talaga ang araw na hinding hindi ko makakalimutan

Ang amoy ng wine atmatatapang na pabango ng mga babae at lalake ang pumuno sa pang-amoy ko.
Ang damit ng mga lalake ay maaayos at ang mga damit ng mga babae ay kulay pink na may accent tan.

December nga pero pang june ata ang ganitong theme ng kasal. Pero ito parin ang dream weddeing ko.

Lahat sila ay nakaupo na magagarbong sunhats na may spring magnolias T lilies na nakalagay sa mga ulo ng mga babae.tumatagos ang sinag ng araw sa mga puno.
Yung simbahan ay elegante tignan nakahelera ang mga puting upuan na ,ay ribbon at yellow na sapin.
Nagtatakbuhan ang mga bata habang pinapagalitan sila ng mga magulang nila na "Wag daw silang malikot dahil nasa simbahan sila.
At madaming tao ang nag-uusap tungkol sa kasalan na magaganap.

*Ang Pag-IISANG DIBDIB NI ANNE OJALES CURTIS-SMITH ako AT JOSE MARIE BORJA VICERAL*

Tumunog na Ng kampana hudyat na magsisimula na ang kasal namin.
Isa isa silang lumalakad. Kinakabahan na ako pero ang saya saya ko.
Kasama ko ang Mama at Papa kong nag- lalakad papunta sa altar.
"I Jose Take you Anne to be my lawfully wedded wife to have and to hold from this day forward for better for worse for richer for poorer in sickness and health until death do us part."
"I Anne take you Jose to be my lawfully wedded husband to have and to hold from this day forward for better for worse for richer for poorer in sickness and health until death do us part."

Sinuotan namin ng singsing ang isa't isa

"You may now kiss the bride"

Nagpalakpakan ang mga tao, sa wakas kasal na kami. Saakin na siya at sakanya na ako.

*End of Flashback*

"Hon ok ka lang ba? Tulala ka kasi eh. Anyways kainin mo na itong lugaw na inihanda ko, alam mo naman ang cooking skills ko pero pinaghirapan ko yan! Sana magustuhan mo" Nilagay niya yung tray sa lap ko.kinain ko yung lugaw dahil hindi ko mahanap ang boses ko para makapagsalita.

"Dahil ayaw mo akong kausapin.. Ako nalang ang magsasalita... Naalala mo ba 5years before? Nung kinasal tayo? Sobrang ganda mo nung araw na yun! Well maganda ka parin naman ngayon at hindi na magbabago yun. Pero nung araw na yun para kang anghel na bumaba galing sa langit. Ang naisip ko lang eh ang ang swerte kong lalake dahil mapapasakin na ang nag iisang anne curtis" tinitigan niya muna ako bago niya halikan yung noo ko. Hindi ko naitago yung ngiting sumulpot sa mga labi ko. Nginitian niya ulit ako

And for the second time
Sinubukan kong hindi malungkot

Sinubukan kong hindi umiyak

At sinubukan kong di gumawa ng kung anong kalokohan para sundan siya.

"Ayan ang ngiting gusto ko!" Nginitian niya ulit ako. Tahimik kong kinain yung lugaw na hinanda niya para sakin. Tinignan ko yung bintana malapit sa kama namin, may mga batang nangangaroling at punonng christmas lights ang mga bahay... Tinabi ko yung tray at niyakap ko ang mga tuhod ko, hindi siya gumalaw sa harapan ko, tinitigan lang niya ako. Madami akong gustong sabihin sakayan pero hindi ko mahanap yung boses ko para sabihin ito sakanya.

Ngumiti siya
Yung ngiti niya
Ang ngiting nag sasabing alam niya na yung sasabihin ko.

"Hon... Alam mo... Mahal na mahal kita, sa sobrang pag-mamahal ko nga sayo eh masakit na ito sa damdamiin ko" sabi niya tapos niyakap niya ako.

"Please... Anne... Please wag ka na umiyak" sabi niya. Ako? Umiiyak?
Pinunasan ko ang pisngi ko, umiiyak nga ako.

"I'm sorry hon, di ko talaga sinasadya, alam mo naman kung gaano ko kagusto na gumising tuwing umaga ng katabi ka... Pero di ko siya kayang gawin... Nagdesisyon na ang tadhana.. Kahit ikaw  di mo aakalain ang mangyayari... I'm sorry hon.." Hinigpitan ko lang ang yakap ko sakanya at sa unang beses sa gabing yun nag-salita ako..
"Wag mo akong iwan..... Please" Nag crack ang boses ko ng sinabi ko ito pero sa tingin ko eh di niya magagawa yun... Dahil sorry lang siya ng sorry..
"Please vice... Please ganito nalang tayo habang buhay.."
Alam mo yung pakiramdam na iiwan ka ng taong sobra mong mahal? Masakit diba? Ayaw ko ng ganung pakiramdam at hindi ko talaga nagustuhan yun....

"Alam mong di pwede.... Sign na hon Bukasan mo na yang mga mata mo.... Gumising ka na please...."
"Ayoko.. Hindi ko kaya... Please vice.."
"Hon please.. Buksan mo na yang mga mata mo..."
"Nnnnoooooo..."
"Anne please... I love you so much at hindi na magbabago yun. Nandito lang ako para sayo habang buhay. Kailangan mo lang buksan ang mga mata mo at tanggapin lahat.."
Madaling sabihin para sakanyan...
Di naman kasi siya yung maiiwan eh..
Pero dati alam niya na susunod ako palagi sakanya..
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko..
Nakita ko siya... Unti-unting nag-lalaho sa harapan ko ng parang bula.
"Mahal na mahal kita anne... Aalagaan mo ang sarili mo at tanggapin mo na ang katotohanan... Ang katotohanan na... Patay na ako.. Palagi lang akong nasa tabi mo. Habang buhay hon.." Yan ang salitang sinabi niya ng oabulong bago ko buksan ang mata ko. Ngayon bukas na ang mata ko narealize ko nananaginip nanaman ako.
Tumingin ako sa paligid ng kwarto.
Wala siya dito.
Ngayon hinayaan ko ng tumulo ang mga luha ko.
Exactly One Year Ago namatay siya dahil sa isang car crash. Nag-shoot kasi sila ng isang tv show. Artista siya so hindi ko siya pwedeng pigilan.
Malamig na ang panahon. Palapit na ng palapit ang pasko pero walang maikukumpara sa lamig na nararamdaman ko.
Tumayo ako at hinayaan ko yung polo niya na hilig niyang suotin na dumulas sa balikat ko. Hilig ko din suotin ang mga damit niya dahil pinapaalala ng mga damit niya ang pakiramdam tuwing niyayakap niya ako....
"Happy 5th anniversary and 1st death anniversary hon."

End of the story

Guys sorry sa story ha? Masyadong advance yung buwan! Pag pasesyahan niyo na dahil malungkot pag nagkaoras ako gagawa ako ng isa pa ang magiging title naman nun ay ARRANGE MARRIAGE WITH MY MORTAL ENEMY sana guys suportahan niyo nalang mga story ko! Salamat :))

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ikaw Lang Wala Ng Iba (ViceAnne)Where stories live. Discover now