Elizaveta POV.
6:24 PM.
Ang dami nanamang gawain sa Student Council. Kasi naman 'yung vice-president ko, sumuko at nag-quit dahil sumosobra na daw ang pagiging strikto ko. Maraming willing maging vice ko, pero wala akong makitang karapat-dapat sa posisyon na 'yon. Akala ko naman iba si Marian. Matataas ang grades niya, honor student, masipag; kaya ko siya nirekomenda sa adviser ng SC. Pero in the end, sinukuan niya rin ako. Kaya eto, mag-isa kong tinatapos ang lahat ng papeles na kailangang pirmahan at tatakan ng student council. Grabe! Salamat, Marian.
Umiling nalang ako't mas binilisan ang akin pagtatrabaho... nang biglang bumukas ang pinto ng office at pumasok ang best friend ko since elementary -- si Kimme Noona Magandanglahi. Nagkakilala kami sa Russia, dun kasi ako lumaki at nag-aral simula nursery hanggang Grade 6. Quarter Russian kasi ako gawa ng lola ko, pero umuwi din ako sa Pinas gawa ni Mommy. Miss niya na daw ako. Kaso sa totoo lang, mas gusto kong kasama si Lola. Close kasi kami, at madalas akong turuan ni Lola ng Russian cuisine na gustung-gusto ko naman. Pinaka-paborito ko ang pirozhki-- ah, teka, nawala na ata ako sa topic! So anyway, pumasok si Kimme, at naka-pout pa siya ha!
"Elishkaaa!" sigaw niya mula sa pinto.
"Ano ba? Wala na tayo sa Russia 'noh. Elizaveta ang pangalan ko, hindi Elishka."
Elishka kasi ang tawag nila sa'kin nung nasa Russia pa 'ko. Oo nga pala, si Kimme half-Korean and half-Filipina. Pansamantala silang nanirahan sa Russia gawa nung trabaho ng papa niya. Tapos sabay na kaming umuwi sa Pinas kasi nga best friends kami, 'di ba? Pinilit niya ang papa niya sa paraang ewan-ko-kung-ano. Kaya ngayon, dito na naninirahan ang pamilya niya.
"Hayaan mo na! 'Don ako sanay e!"
"Osya, sya, sya. Sige nga nga. Kahit kailan talaga ang kulit-kulit mo."
"Ganun talaga pag Magandanglahi!" Aba't may emphasize pa yung 'Magandanglahi', tapos may nalalaman pa siyang pa-hair flip-hair flip. Jusko.
Kinuha ko na ang bag ko tapos umuwi na kami ni Kimme.
"Kilala mo ba si Prince Mikoy Perenas?"
"Huh? Diba 'yun 'yung Grade 12 na ngayon?"
"Oo! Ampogi niya kamo! Yiiieee! In-add ko siya sa FB kagabi, ta's in-accept niya 'ko agad!" Ang bruha nagwawala sa kalsada. Tsk-tsk.
"Kahit ano pang pang-aakit ang gawin mo 'don, 'di mo makukuha ang atensyon non. Heartthrob 'yon sa buong campus e."
"I don't care. Basta akin lang si Paps Mikoy. 'Wag mo 'kong agawan ah!" Aba't may nickname na agad para sa labs niya? Nakakasuka pa.
'Di nalang ako umimik at patuloy kaming naglakad hanggang sa kinailangan ko nang lumiko. Nasa kabilang kalye pa kasi yung bahay ko, at sa isang kabila naman 'yung kina Kimme.
"Bye, Elishka!"
Tinanguan at nginitian ko nalang siya bilang sagot.
Crush, huh... 'Di pa 'ko nagkakaroon no'n since birth. Actually nagkaro'n na 'ko, kaso never kong sineryoso. Lalo na ngayong may trust issues ako. At 'di ko naman minamadali ang love life ko e. Duh, grade 10 palang kaya ako. Balak kong asikasuhin 'yan pag may trabaho na 'ko. Si Keeme na nga lang ang napagkakatiwalaan kong tao e. Syempre liban sa pamilya ko.
6:32 PM.
"Ma, andito na 'ko."
"Ba't late ka nanaman, Elishka?"
"May tinapos pa po ako sa Student Council. Andaming papeles e."
Bahagyang ngumiti si Mama. "Mana ka talaga sa daddy mo."
"Parati niyo naman pong sinasabi 'yan, Ma."
Walang emosyon kong sagot at saka inilapag ang gamit ko sa aking kwarto. Napag-isipan ko ring i-check 'yong FB ko. 'Di ako madalas gumamit no'n, e. Na-curious kasi ako sa profile nung Mikoy na 'yun, so isinearch ko yung name niya sa FB, and... ayos lang. Ayos naman ang taste ni Keeme, pero 'di ko talaga type ang mga lalaking tulad niya. Mukhang mayabang e.
In-open ko na rin 'yung friend requests ko... para i-decline lahat.
'Di ako interesado, meron pang mga taga-ibang school. Tsk. Ang dami. Halos mag-a-alas-syete na nang ma-decline ko lahat. Tapos, saktong pag-decline ko sa pinakahuling request, may isa nanaman! Muntik akong mapamura sa inis, pero nung in-open ko 'yon, napatitig ako sa picture, bago 'yung pangalan. "Trinity Mendoza..." bulong ko sa sarili ko.
Ewan ko ba sa kamay ko, in-accept ba naman yung request? Mga ilang segundo pagkatapos kong tanggapin ay may ini-PM si Trinity sa'kin.
Trinity
Thank you po, ate!
Elizaveta
Walang anuman. :)
Trinity
Magkita po tayo bukas bago mag-uwian sa paaralan.
"Ah, so sa Austin 'din siya napasok?"
Elizaveta
Bakit? Saka saan ba?
Pagkatapos nung message 'kong 'yon, 'di na nag-reply si Trinity. Prangka 'din ata siya, e. Tsk. Ba't ko ba in-accept ang request niya?
'Di ko na kinaya kung kaya't natulog na 'ko. Buti nalang wala masyadong aasikasuhin kaya maaga akong nakapagpahinga.
BINABASA MO ANG
The Forbidden Fruit of Eden
Teen FictionMaganda. Matangkad. Matalino. Athletic. Student Council President. May lahing foreigner. Na kay Elizaveta Romanova na ata ang lahat. Maraming manliligaw, pati babae nililigawan na siya; Pero wala siyang sinasagot. Wala rin siyang kaibigan. Ayaw niya...