Elizaveta POV.
5:30 AM.
Maaga akong pumasok ngayon para tapusin 'yung iba pang trabaho sa Student Council. Pumasok ako sa main building at bumaba. Pero natigilan ako nang may sumigaw sa bandaang itaas, um, actually, sigaw siya na para bang gustong kunin ang atensyon ko.
"Ah!"
Napatingin ako at tumambad sa harapan ko ang isang pamilyar na mukha. Nakasalamin siya, pero kitang-kita rin ang maganda niyang itsura. May halong lila ang buhok niya.
"May kailangan ka ba?" Nagtitigan kami sandali.
"Elizaveta..."
Tinaasan ko siya ng kilay nang ibulong niya ang pangalan ko.
"A-Ak..." Parang nalunok niya ang mga gusto niyang sabihin dahil sa kaba. Bakit? 'Di naman ako nangangagat ah? Mukha lang...
Tumahimik siya sandali at inalis ang tingin sa akin.
"Ako si... um..."
"Um?" Tumingin siya uli sa'kin at ngayon ay nakangiti na. Shet. Ang cute niya.
"Ako si Trinity Mendoza!" she beamed at me.
"... Elizaveta Romanova. Ikaw 'yung..."
"A-Ah, sorry hindi ako nag-reply kagabi. Kinailangan ko ng mysterious effect e." Bahagya siyang ngumisi. Alam kong dapat ako mainis, pero ba't 'di ko magawa? Lalo na't bugnutin ako pag umaga. Kakaiba talaga 'tong si Trinity.
"Ayos lang. Hindi ko naman inantay yung reply mo." Cold kong sagot at iniwas ang tingin ko sa kanya. Bakit ko ba sinasayang ang oras at panahon ko sa babaeng ito?
Agad ko naman itong ibinalik when I heard a soft giggle coming from the beautiful girl upstairs.
"Pareho talaga kayo." Ika niya. Nagtaka naman ako sa sinabi niyang 'yon.
"Nino?"
"Nevermind~" Nag-pout ako, but eventually composed myself. Student Council President yata ako 'no. Nagkaroon ng awkward silence between us.
"Uh..."
"Hm?"
"Pwede ka bang maging vice-president ng StuCs?" WTF.
"Huh?" Parehong gulat ang itsura namin. Wha- ano bang pumasok sa isipan ko't tinanong ko siya? Syempre 'di niya tatanggapin ang request k-
"Sige." Ano daw? Oo? Wait, um-oo siya? May potential ba siya?
Sa ngiti palang niya, kita kong sincere siya. Na kaya niya. Na gusto niya 'kong maging kaibigan.
Trinity POV.
6:26 AM.
Nasa office kami ng supervisor ng StuCs ngayon, at kasama ko ang isang Elizaveta Romanova. Ipinaalam niya sa supervisor yung desisyon niyang gawin akong StuCs vice-president. Ang kilalang pinaka-strikto at nakakatakot na staff ng school at supervisor ng StuCs, si Ms. Lizz, hindi tumutol sa out-of-the-blue-request ng presidente. Alam niya kasing mapagkakatiwalaansi Elizaveta, lalo na yung mga desisyon at pagpapasya niya. Ayos naman daw ang grades ko, kaya qualified ako kahit papano.
Pagkatapos no'n, dumiretso na kami sa StuCs office para maturuan ako ni Elizaveta tungkol sa mga ginagawa ng Student Council.
"Pipirmahan natin ang mga request ng bawat club. Tapos tayo na rin ang nagba-budget sa savings ng school kada buwan na idi-distribute natin sa kanila depende sa mga request nila kung magkano, at kung importante't kailangan talaga ng club nila. Tapos, ia-arrange natin yung mga papeles na ibibigay sa 'tin ng principal." Grabe. Ang dami palang trabaho ng StuCs. Well, expected naman e.
"Lahat ng 'yan ginagawa mo mag-isa?"
"Madalas. Karamihan sa members ng StuCs, takot matira at makasama ako." Kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Bakit naman? Maganda ka't responsable. Ang pinapantasya ng lahat, mapalalaki, mapababae. Lahat ata nasa presidente na e." Ngumiti ako para subukan siyang i-reassure.
"... Ewan ko ba." Tinungo niya ang ulo niya. Sa mga minutong 'yon, naisip ko na siguro nai-intimidate yung mga estudyante gawa nang pagiging almost perfect ni Elizaveta. Halos tulad nga kami ng sitwasyon. To lighten up the mood, I spoke up.
"Elishka~" Nagulat siya dahil sinabayan ko ng yakap yung pagsabi ng palayaw niya.
Ito ang ipinayo sa akin ng aking mga kard.
Elizaveta POV.
Nang itungo ko ang ulo ko, pakiramdam ko tutulo na ang mga luhang ilang taon ko nang pinipigil.
Hindi. 'Wag. May kasama kang hindi mo pa mapagkakatiwalaan. 'Wag mong ipakita ang kahinaan mo!
Natigilan ang lahat ng iniisip ko nang may yumakap sa akin. Unti-unti kong inangat ang ulo ko at...
"Mendoza?"
"Trinity. Trinity nalang."
'Dun ko lang na-realize na tinawag niya 'kong 'Elishka.'
"P-Pa'no mo nala-"
"Shh. Naiyak ka." Nanlaki ang mga mata ko. Nilagay ko yung isa kong kamay sa pisngi ko, at basa 'yon.
Takte! Ba't ako naiyak?! Ba't sa harap pa niya?!
"Ayos lang. Mapagkakatiwalaan mo 'ko. Maybe not now, but soon, I assure you."
At tuluyan na 'kong humagulhol. She rubbed my back in circles to comfort me, and I truly appreciated it. It's been a while since I received such sincere compassion.
Kakaiba ka talaga, Trinity.
BINABASA MO ANG
The Forbidden Fruit of Eden
Teen FictionMaganda. Matangkad. Matalino. Athletic. Student Council President. May lahing foreigner. Na kay Elizaveta Romanova na ata ang lahat. Maraming manliligaw, pati babae nililigawan na siya; Pero wala siyang sinasagot. Wala rin siyang kaibigan. Ayaw niya...