Hindi kami magkasabay pumasok ni Arianna dahil pinauna ko syang pumasok. Hindi sana sya papayag pero sa huli napilit ko naman. Kaya ng pumasok ako sa room nadatnan ko na lang ang ma-iingay kong kaklase.
They are busy looking for a partner.
Siguro may activity na binilin si ma'am sa amin kaya siguro ganito ang ayos ng room. Sobrang gulo nila.
"Meriala, dito!" tawag sa akin ni Arianna na kinawayan pa ako para lang makita ko sya.
Habang papunta ako sa kinaroroonan ni Arianna nakita ko ang dalawang babae na pinagkakaguluhan yong kawawang lalaki.
"Hey, akong nauna!" sabi nong isa
"Ano naman ngayon? Eh partner ko sya noon kaya back off!" sabi pa no'ng isa
Yung lalaking pinag-aagawan naman nila parang timang. Tawa ng tawa kahit wala namang nakakatawa.
"Buti naman at sumunod ka" bungad na tanong sa akin ni Arianna.
Ewan ko nga kung bakit eh. No'ng nasa Darkenia ako pag wala ako sa mood pumasok magcu-cutting classes talaga ako pero bakit nag-iba na ata ako?
Hindi ko sya sinagot. Kita nya na ngang andito ako tatanungin pa ng ganun.
Umupo ako sa tabi nya at ngayon ko lang napansin ang dalawang babaeng nakaupo sa may harap namin.
"Meet Jinje and Roxanne" pagpapakilala nya sa dalawa
"Hi!" bati sa akin ni Jinje samantalang ngumiti lang sa akin si Roxanne.
Hindi ko nginitian isa man sa kanila kaya biglang napawi ang mga ngiti nila.
"Ahahaha...ganyan talaga sya kaya pagpasensyahan nyo na lang" sabi ni Arianna sa dalawa.
"Ay, ganun.." malungkot na sambit ni Jinje
"Sigurado ka bang sya ang pipiliin mo, Arianna?" bulong ni Roxanne kay Arianna pero rinig ko naman.
"Oo naman kaya ingatan mo si Jinje para sa akin kasi sya yung nakapanalo sa amin noon" proud na sabi ni Arianna.
"Oh sya, mauna muna kami at ipapasa pa namin tong names namin" tumayo silang dalawa sa pagkakaupo. Para ngang ako lang ang hinintay ng dalawang to.
"Sige" balik na sabi ni Arianna sa kanila.
"Nice to meet you pala Meriala at ang ganda mo pala. Bye bye!" saka umalis na sila.
Nang makaalis na sila excited naman akong hinarap ni Arianna.
Problema ng babaeng to?
"Alam mo ba kung bakit wala tayong klase ngayon?"
I rolled my eyes in front on her face.
"Malamang walang teacher kaya natural na walang klase" sabi ko with a matter of fact
"Hindi yon. Ang ibig kung sabihin ngayon ang araw ng pagpili mo ng magiging partner mo para sa darating na pagsusulit sa susunod na linggo"
"Bakit mukha ka pa atang masaya? Akala ko ba buhay mo ang itataya mo sa pagsusulit na yon?" taka kong tanong
"Hindi naman ako robot para di kabahan. Natural lang yon pero excited rin naman kasi ako para lumaban at ipakita ang kakayahan ko sa iba"
"kahit buhay mo pa ang kapalit?" walang buhay kong sabi na syang nakapagpatahimik sa kanya.
"Alam mo Meriala, iisipin ko talagang takot ka lang kaya ganyan ka. Pero tingin ko naman hindi rin kasi maski takot o pangamba di ko makita dyan sa mukha mo. Ang hirap mo pang basahin"
"Pero kung huling araw ko na yon wala akong magagawa atleast pinakita ko sa kanila kung anong kaya kong gawin"
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>