--This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.--
-*You died, my heart died*-
It’s been almost a year since he past away. Hanggang ngayon hindi ko parin natutupad ang promise ko sa kanya na maging masaya ulit. Pati yung promise ko sa kanya na ibalik ang dating si Treii, ang taong minahal niya.
Hay Marco panigurado galit ka na nyan sakin okaya nangungunsumisyon eh no?
Pero! Eto o nakaka smile naman ako. Nakikitawa na din. Nakikipagbiruan. Kumakain ng maayos. Maayos nga ba? Ah basta balik naman na ako sa dati kong mga gawain nung hindi pa nangyayare lahat ng ito eh.
Pero bakit parang kulang? Bakit parang hindi parin totally bumabalik yung taong mahal mo? Bakit hanggang ngayon di ko masabi na ‘Hoy eto na oh. Balik na ko sa dati. Balik na ko sa dating Treii na minahal mo’
May kulang pa rin talaga. Pero, ano nga ba ang kulang?
Kabuset mahal ko ah. Namimiss kita lalo kapag iniisip ko kung paano at sino nga ba si Treii na minahal mo dati. Minsan naiiyak ako kakaisip. Hindi ko akalain na magkakaganito yung sitwasyon natin. Minsan naiinis ako, kasi naman ikaw eh! Mang iiwan ka nalang kasi bigla. Excited ka masyado mauna sa langit madaya ka! Tapos minsan nagagalit ako lalo na kapag naaalala ko kung gaano kadaya ang tadhana pagdating sa pagmamahal ko sayo. Biruin mo yun? Inilayo ka niya sakin. LDR na nga tayo eh, lalo pang naging LDR kasi nasa langit ka, ako nasa lupa. BUSET TALAGA. Langit ka, Lupa ako ang peg!
“Treii don’t tell me SIYA nanaman ang iniisip mo ha?! Treii namaaaaan!” nangungunsumisyon na sabi sakin ni Jane. Mukhang natulala nanaman ata ako sa harap niya.
Lagi nalang ganito. Makikipagdaldalan ako, makikipagasaran, makikipagtawanan tapos bigla nalang nilang sinasabi na tulala nanaman ako. Ano ba naman yan.
“Chill! Iniisip ko lang kung paanong position ang gagawin ko mamayang pagtulog. Excited na ko matulog kapagod mag aral! Hahahaha” biro ko nalang sa kanya. Pero totoo naman eh. Kapagod mag aral, yung tipong nag aaral ka tapos bigla nalang susulpot sa utak ko si Marco. NAKAKAPAGOD kaya yun. Every day, every hour, every minute, every second san ka pa?
“WEEEEH? Kanina lang Marco ka ng Marco tapos biglang kang matutulala? Excuses Treii I know you, great pretender ka talaga teh! Pero sige kunwari pagtulog ang iniisip mo. Napakabait ko talaga at understanding! Haha” minsan napapanganga nalang ako sa pinagsasabi nitong si Jane eh. Makakabawi din ako sa bruhang to. Maghintay lang siya mwahahaha.
*cellphone ringing*
“Tumatawag si Ate Rhea” sabi ni Jane sakin na mukhang excited na excited.
Graduate na kasi si Ate Rhea at ayun nagttrabaho na sa Manila kaya hindi na namin siya kasama dito sa dorm kaya miss na miss namin ang isang yun eh. Kaming dalawa nalang kasi ni Jane ang natira pero may dalawang makukulit na first years ang dumagdag sa kwarto namin kaya naman kahit papano eh naeenjoy parin namin yung dorm.
“TEEEEEEEEEEH! Hawaryu? Amfayn tenkyu!” bati ni Jane kay Ate Rhea.
“HAHAHAHAHAHA buset ka Jane napasaya mo ko!” di ko mapigilan mapatawa sa ginawa ni Jane nababaliw nanaman ang isang to. Palibhasa malapit na ang prelim exam kaya medyo naghalo ang balat sa tinalupan sa utak namin ngayon haha.
“Sakit sa tenga nun Jane! Hahaha umayos ka nga! Oh kamusta na mga bruha? Miss you both!” sabi naman ni Ate Rhea sa kabilang linya.
![](https://img.wattpad.com/cover/6891222-288-k795460.jpg)