Chapter 30

15 2 0
                                    

Steven's POV

Maaga na akong gumising dahil baka maiwan kami, tinatawagan ko naman si camille hindi naman sumasagot ring lang ng ring yung phone siguro busy sa pag aayus. Pinuntahan ko sa kanilang bahay ng 6:00am, pinaupo ako ni tita tatlong kape na binigay sakin naubos ko na hindi parin bumababa si camille ang tagal naman 8am na 30mins nalang aalis na yung service.

"Tita?? Si camille po? Baka iwan na po kasi kame ng van may camp po kasi ngayon sa palawan"-sabi ko kay tita na nagulat sa sinabi ko.

"Ngayon na ba?!! Hindi ko kasi ginising iho nakalimutan ko hinihintay mo pala siya .Sandali gigisingin ko na sya ok??"-sabi ni tita at mabilis tumakbo. Patay maiiwan na talaga kame.
8:20am na wala pa siya .

" Steven sorry sorry talaga hindi kasi ako ginising ni mommy, sorry talaga tayo na."-kinuha ko na ang bag niya at nilagay sa sasakyan at mabilis kong pinaharurot yung sasakyan pagdating namin sa parking lot sabi ng guard bago lang daw umalis kaya binilisan ko ang pagmamaneho baka maabutan pa namin pero hindi namin naabutan eh. Nagtanong tanong nalang kami sa byahe, dahil sa pagtatanong namin nakarating rin kame sa palawan resort kaya kinuha ko na yung gamit ni camille at yung back pack ko iiwan ko lang dun muna yung bag ko at babalik nalang ako.

"2 rooms please"-sabi ni cam nasa likod niya ako dahil ang bigat kaya ng bag niya.

"I'm sorry maam, wala na pong bakanteng kwarto. Yung iba nga po dalawa sa isang kwarto"-sabi ng babaeng kausap ni camille.

"Paki check naman po baka may vacant please"-pagmamakaawa ni camille.

"Come hayaan mo na baka may kaibigan ka naman makishare ka nalang ok lang ba sayo?"-sabi ko sa kanya.

"Steven gusto ko ako lang mag isa wala na akong privacy niyan"-sabi niya.

"Ma'am sir, may vacant na po umalis na po kasi yung mag asawa na nag check in"-sabi niya napangiti naman kame.

"Pero isa lang po yung vacant at isang kama lang po ma'am sorry po talaga ito po yung susi paki fill up nalang po"-dagdag pa niya. Napanganga ako e panu iisang kwarto kame ni camille?? Baka anu isipin niyan. Pinirmahan ko nlng at pumunta sa room306 malapit sa beach, ok na yun nice view at pinakuha ko na rin yung 10 boxes ng grocery yung iba maliit nalang kasi ang dami ng kinain namin ni camille nakakagutom yung byahe kaya.

"Steven ako sa kama hu? Hindi kasi ako sanay sa sofa"-sabi niya na binubuksan yung pinto.

"Ok lang sanay na ako kukuha nlng ako ng extrang kumot at unan."sabi ko sa kanya habang inaayos yung groceries sa ref kompleto yung gamit parang suit kaso isa lang yung kama malaki naman kaso alam mu naman binata at dalaga kami ni camille.

"Salamat steven pupunta daw tayo sa kabila mamaya pag nakapahinga na tayo sabi ni sir may program daw kasi mamayang gabi at inuman daw walang bawal daw ngayon may disco mag eenjoy tayo ngayon dito."-sabi niya sabay ayos ng damit niya.

"Oo nga mag eenjoy talaga 5days kaya tayo dito"-sabi ko sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Steven?? Pano pag may nagmamahal sayo??"-tanong niya sakin na tinitignan ang mukha ko. Awkward naman pero hindi ko muna sasabihin sa kanya na mahal ko siya.

"Ok nga yun dahil may nagmamahal sayo, lahat naman tayo may taong nagmamahal diba?"please kumagat ka sana wag ka ng magtanong.

"Oo nga pareho pala tayo hahaha. Steven?? Magpapahinga muna ako huh?? Napagod kasi ako sa byahe gusto mo humiga karin dito sa tabi ko malaki naman yung kama kasya naman tayo. Diba?? Wala ka naman gagawing masama sakin??"-sabi niya na nakapikit na pagod na pagod yung mahal ko.kawawa naman.

"Wala akong gagawin sayo cam aalagaan kita yan ang pangako ko sa magulang mo pati na rin kay mommy"-sabi ko sa kanya at humiga na rin sa kama nabigla ako sa sunod niyang ginawa niyakap niya ako na nakahiga yung ulo niya sa dibdib ko sana camille marinig mu yung sinasabi ng puso ko na yung pangalan mu lang lagi ang sinisigaw . niyakap ko rin siya ng mahigpit sana cam ganito tayo palagi sana .

To be continued

Admiring the BratTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon