Love

33 2 0
                                    

Lagi ko na siyang chinachat, hindi pa rin niya napapansin na nagkakacrush ako sakanya. Ewan ko ba kung lagi ganon ang mga dyosang babae, parang walang kafeeling feeling eh. Pero mas ok naman yun para sa akin. At least hindi niya ako lalayuan.

Sabi niya, ang dami niyang projects sa school, kaya mga 6 siya lagi umuuwi at nagrereply sa akin. Ako naman, ay nagbabasketball palagi hanggang 6. Kaya parang sakto lang ang pagchachat namin sa isa't isa.

Talagang nakakatuwa siya, minsan nagtataka ako kung umiiyak ba tong babaeng toh o hindi, kasi muka siyang laging masaya eh.

May tinanong ako sa mga kaklase niya kung may nagkakacrush ba sa kanya o hindi. May dalawa nagsabi ng oo, yung isa nagsabing hindi. Feeling ko naman na madaming magkakacrush sa kanya kasi ang dyosa niya eh. Talino pa.

Minsan tinuturuan ko siya sa wattpad ang math, naitindihan niya kaagad ang sinasabi ko. Hay, gusto ko talaga siyang makita.

Crush koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon